Chapter 62

We're both not drunk last night at ginusto namin pareho ang nangyari sa amin kaya't wala dapat sana akong ikakagulat. Subalit parang nag-iba itong pakiramdam ko kung kaya't tila balisa ako at hindi mapakali sa aking sarili na para bang gulat na gulat ako dulot sa mga nangyari sa amin ni Mike kagabi na hindi dapat mangyari.

Habang iniisip ko iyon ay mas lalo akong nagtataka sa aking sarili kung bakit ko nga ba nagawa ang bagay na iyon. Kung bakit nga ba pumayag akong makipagsiping kay Mike subalit wala naman kaming relasyon dalawa at magkaibigan lang kami.

Habang abala ako sa kakaisip sa bagay na iyon ay hindi ko na malayan na patuloy lang pala ang pagtunog ng alarm clock sa aking cellphone dahil sa hindi ko pala ito nagawang patayin.

Nang ma-off ko na ang alarm clock sa aking cellphone ay dahan-dahan akong umalis sa tabi ni Mike upang hindi niya maramdaman ang aking paggalaw at nang sa ganoon ay hindi siya makagising.

Habang nakatayo ako malapit sa tabi ni Mike ay agaw pansin sa aking mga mata ang kaniyang nanlalakihang katawan at mga braso. Hindi ko maikakaila sa aking sarili na masarap titigan at pagmasdan ang katawan ni Mike, dagdag pa rito ang kaniyang maamo at gwapong mukha.

Kahit na tulog na tulog siya ay nananatili pa rin ang kaniyang kagwapohan.

Mayamaya pa ay pinutol ko na ang aking pagtitig sa kaniyang buong katawan upang hanapin na ang aking nawawalang kasuotan kagabe.

Iniisa-isa kong tinignan ang bawat sulok ng kwarto at ilalim ng kama upang hanapin ko ang mga suot kong saplot o damit kagabi.

Nang mahanap ko na ang damit ko ay agad na nagbihis ako upang makaalis na sa lugar na ito habang maaga pa.

Mabuti na nga lang at nakagising ako nang maaga para nang sa ganoon ay bago magising si Mike ay hindi niya na ako makikita at hindi niya na ako madadatnan na nasa tabi niya.

Masyado kasing awkward para sa aming dalawa na nagawa na lang namin iyon ng basta-basta na hindi man lang namin parehong inaasahan na mangyari. Lalo na ako na babae pa naman at basta-basta na lang din bumigay sa kanya.

Bago pa man sumapit ang alas syete nang umaga ay nakaalis na ako nang Bar. Hindi ko na siya ginising pa subalit nag-iwan naman ako ng text message sa kanya patungkol sa aking pag-alis.

Nang sumapit ang alas syete nang umaga at nakagising na si Mike mula sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog.

Nang magising siya ay ako agad ang sumagil sa kaniyang isipan kung kaya't nagulat siya bigla at nagtaka kung bakit paggising niya ay wala na ako sa tabi niya.

Agad siyang bumangon sa kama at nagsuot ng kaniyang damit at pantalon, tsaka lumabas patungog roof top upang hanapin ako roon baka sakaling nandoon lang ako at nagpapahangin.

Nang makarating siya nang roof top ay hindi niya ako nakita roon kaya't nagpasya siyang bumaba ng first floor upang doon ako hanapin.

Pagbaba niya roon ay iniisa-isa niyang tinignan ang bawat sulok nang Bar upang hanapin ako subalit wala ako roon.

Ang hindi niya alam ay umalis lang pala ako ng walang pasabi o paalam sa kanya.

"Where are you Kristina?" Tanong ni Mike sa kaniyang sarili sabay napakamot sa kaniyang ulo habang hindi mapakali sa kaniyang sarili dulot sa labis na paghahanap sa akin.

Mayamaya pa ay naisipan niya akong tawagan sa cellphone ko upang alamin kung na saan ako dahil sa nag-aalala na siya ng mga oras na iyon. Kaya't dali-dali siyang bumalik doon sa kwarto upang kunin ang cellphone niya.

Tatawagan niya na sana ako ng mga sandaling iyon nang makita niya ang aking text message sa kanya_, "Hi Mike, pasensya kana kung umalis na ako at hindi man lang nagpaalam sa iyo. Ayaw ko kasing abalahin ka pa o isturbohin sa iyong mahimbing na pagtulog. At ang patungkol sa nangyari sa atin kagabi? Maybe 'wag mo na nating isipin iyon sa ngayon,"

Dahil sa nabasa niya na nga ang aking text message sa kanya ay hindi na niya itinuloy ang kaniyang pagbabalak na pagtawag sa akin sapagkat naging panatag na rin naman ang kaniyang pakiramdam.

Mayamaya pa ay biglang inisip ni Mike ang mga maiinit na kaganapan ang pangyayari sa aming dalawa kagabi.

Inisip niya ang kaniyang ginawa sa aking buong katawan kagabi habang sarap na sarap siya. Inisip pa niya ang mga naging reaksyon ko sa aking mukha kagabi habang maiinit na inaangkin ang aking buong katawan. At inisip niya kung paano kaming dalawang mainit nagsisiping sa isamg kama.

Habang iniisip niya ito ay makikita ang malaking tuwa at ngiti ni Mike sa kaniyang mukha. Tila ba parang may kuryenting dumaloy sa kaniyang buong katawan dahil sa kaniyang kaka-ibang nararamdaman.

Nang makauwi ako sa bahay namin ay agad na pumunta ako ng banyo at nag-shower. Habang nagsho-shower ako ay bigla-bigla na lamang sumagil sa aking isipan ang mga naging performance ni Mike sa kama kagabi habang mainit na inaangkin ang aking buong katawan.

Hindi ko maikakaila sa aking sarili na pasado sa criteria of judging ang mga naging performance niya kagabi.

Kung kaya't habang iniisip ko iyon ngayon ay napapangiti na lamang ako at napakagat labi habang ini-imagine ang kaniyang masarap na performance kagabi.

Nang matapos akong maligo ay nagkape muna ako bago umalis ng bahay at makipagkita sa may-ari ng isang bakanting lote malapit lang sa General Santos Hospital kung saan nagtrabaho ako roon dati.

Nagbabalak kasi akong magpatayo ng isang Restaurant para sa aking binabalak na negosyo kung kaya't naghahanap ako ng loting pweding pagtayuan.

Sa ngayon kasi ay naisipan kong hindi na muna magtrabaho bilang isang Nurse at itutuon ko na lang sa pagbubuklod ko ng negosyo upang palaguin ito at palakihin pa lalo.

Matapos kong magkape gayon din ang mag-umagahan ay mabilis akong umalis ng bahay upang makipagkita sa may-ari ng lote.

Sa aming naging pag-uusap at transaksiyon ng may-ari ay pumayag siyang ibinta sa akin ang bakanting lote. Gayon pa man ay kakailanganin ko ng malaking pera pang gastos sa pagpapatayo ng project.