Chapter 64

"I love you so much Troy. Ginawa ko naman ang lahat para maging maayos at maging matatag pa rin ang relasyon natin despite of everything especially having a distance relationship between us. Pero bakit? Bakit mo naman ako niloko at pinagpalit sa ibang babae? Bakit ako pa, ako na nga itong matinong babaeng nagmamahal at napapaloka sa iyo ng tudo subalit sinayang mo lang ako," dagdag ko pa sabay pagbuhos ng luha sa aking mata.

Napaupo na lamang ako sa sahig ng banyo habang damang-dama pa rin ang sakit na iniwan ni Troy sa aking puso.

Mayamaya lamang ay tumayo ako at tinignan ang aking sarili sa salamin.

Habang tinitignan ko ang aking sarili sa salamin ay tila napagtanto ko sa aking sarili na kaawa-awa na itong sarili ko dahil paulit-ulit pa rin akong nagpapaapekto sa hiwalayan namin ni Troy.

Paulit-ulit pa rin akong nakakaramdam ng sakit kahit na marami nang panahon ang nagdaan at lumipas.

Kaya't dapat lang siguro na ayusin ko na itong gusot sa aking buhay. Kalimutan na ang dapat kalimutan at

bagohin na ang dapat bagohin sa aking sarili.

Ilang saglit pa ay naghilamos ako ng aking mukha at pagkatapos ay inayos ko ang aking buhok. Ngumiti ako sa salamin na parang bang simbolo na ako'y magmo-move forward na nga at baguhin itong sarili ko.

"Simula ngayon ay kakalimutan na talaga kita ng tuluyan Troy. Simula ngayong araw ay hindi na kita iiisipin pa. Magmo-move forward na ako at babaguhin ko ang aking sarili para sa iyo. Siguradohin ko na sa muling pagkikita natin dalawa ay para ka na lang isang hindi kilalang tao para sa akin, " nagumiti na lang ako habang kinakausap ko ang aking sarili sa salamin sabay huminga ng malalim.

Pagkatapos kong magbihis ng damit ay agad akong pumunta ng kusina na para bang walang nangyari at tila normal lang ang lahat.

Pagpunta ko ng kusina ay agad akong gumawa ng mango float habang wala pa si Mike.

Matapos ang ilang sandali ay natapos ko nang gawin ang paggawa ng mango float. Maghihintay na lang ako ng kalahating oras bago sumapit ang alas syete nang gabe at gayon din ang pagdating ni Mike.

Ginugol ko na lang sa pagbabasa ng libro ang aking bakanting oras na paghihinatay kay Mike.

Hanggang mayamaya lang ay tumawag si Mike para sa kaniyang pagpunta rito ngayon.

Habang nasa byahe pa si Mike para sa kaniyang pagpunta rito ay inayos ko muna ang aking sarili nang sa ganoon ay maging presentable man ako sa kaniyang mga mata.

Matapos ang mahigit sampong minuto na byahe ni Mike ay nakarating na rin siya sa bahay ko.

Papalapit pa lang ang kaniyang sasakyan sa harap ng aking bahay ay ramdam ko na agad na siya na ito.

Hindi muna ako lumabas ng bahay sa pagdating ni Mike at pagbaba niya ng kaniyang sasakyan upang salubunginn siya. Bagkos ay sinilip ko muna siya sa aking bintana upang tignan at pagmasdan siyang mabuti.

Medyo nakakaramdam kasi ako nang pagkailang sa muling pagharap sa kanya at lalo na ang kausapin siya. Lalo pa at hindi pa malinaw sa aming dalawa ang mga naganap at nangyari sa amin noong isang gabi.

Parang nag-aalinlangan yata ako ngayon na magpakita sa kanya dahil sa tila nakaramdam ako ng hiya at kunting pagkabahala. Naiisip ko kasi na baka iniisip ni Mike na easy to get akong babae dahil sa isang iglap lamang ay bigla-bigla na lang akong kumakagat sa isang bitag o pain.

Huminga ako ng malalim habang pinpatatag ang aking loob at kumukuha ng bwelo para sa aking pagharap kay Mike.

Pinilit kong alisin ang kaba at hiya rito sa aking dibdib nang sa ganoon ay maging normal lang ang lahat sa muli naming paghaharap ni Mike dalawa.

Habang abala ako sa kakasilip kay Mike sa bintana habang nakatayo lamang siya sa labas ng aking bahay malapit sa kaniyang sasakyan.

"Oh God! Kalma ka lang self, dapat ay maging kalmado ka lang. 'Wag kang magpapahalata sa kaba at hiya na iyong nararamdaman. Kausapin mo at harapin si Mike katulad ng iyong ginagawa noon. 'Alisin mo sa iyong isipan ang mga nangyari sa inyong dalawa. Dapat ay hindi pa rin magbabago ang iyong pakikitungo sa kanya despite of everything weird happened between you and Mike," sabi ko pa sa aking sarili sabay huminga ng malalim at humuhugot ng lakas ng loob para lumabas at harapin sa Mike.

Mayamaya pa ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan habang may malaking ngiti sa aking mukha na makikita kasabay ng unti-unti kong paglapit sa kinatatayuan ni Mike.

Habang lumalakad ako papalapit sa kanya ay panay lang ang aking pag-ngiti at hindi nagpapahalata na ako'y nanginginig na sa kaba papunta sa kanya.

Nang makalapit ako kay Mike.

"Hi Mike nandito kana pala. Um, kanina ka pa ba? Pasensya kana if it took a couple of minutes bago kita pinuntahan dito kasi hindi ko agarang narinig ang pagdating ng iyong sasakyan may ginagawa kasi roon sa kusina," palusot ko pa kay Mike.

Napangiti naman si Mike sabay pasok ng kaniyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalon. "It's okay alam ko naman na busy ka," sabay titig ni Mike sa aking mukha. Um, anyway nakabili na pala ako ng magiging hapunan natin at pasensya kana kung dito na ako maghahapunan kasi_," biglang naputol ang kaniyang pagsasalita dahil sa bigla akong nagsalita.

"It's okay walang problema. Mako maliit na bagay lang naman iyan. Mabuti pa pumasok na taayo sa loob at nang makakain na rin tayo, medyo nagugutom na rin kasi ako," ani ko pa sabay ngumiti sa kanya ng kunti habang kumikilos na tila walang may malalim na iniisip.

Napataas naman ang dalawang kilay ni Mike habang napatawa ng kunti.

"Alam mo ang cute mong tignan kapag parang balisa ka sa iyong sarili. Bakit nga ba parang balisa ka?" Tanong pa ni Mike habang panay ang pag-ngiti sa akin.

Nagulat naman ako sabay napalunok ng laway. "Balisa? Bakit naman balisa, hindi kaya ako balisa sa aking sarili. At bakit naman ako magiging balisa may dahilan ba para roon?" Pag-aalinlangan na tanong ko naman sa kanya sabay huminga ng malalim habang umiiwas sa kaniyang mga titig sa akin.