Chapter 59
Hindi niya kasi alam na dumating na ako sapagkat sa kaniyang akala ay sa susunod na buwan pa ang aking pag-uwi rito ng Pilipinas.
Matapos kong mag-dinner sa bahay na ako lang mag-isa ay agad na nag-ayos ako ng aking sarili para sa aking pagpunta ng M. K's Bar. At dahil sa ito ang kauna-unahang pagkikita namin ulit ni Mike dalawa ay pinaghandaan ko talaga ang aking sarili na maging presentable kapag makita niya ako o kapag nasa harapan niya na ako.
Nagsuot ako ng red dress na labas ang aking likod at siyang napaka-sexy kung titignan. Naka Pony tail ang ayos ng buhok at tsaka naka 3 inches flat hills.
Pagdating ko sa labas nang M. K's Bar at pagbaba ko pa lang ng aking sasakyan ay ka pansin-pansin agad na ako ang sentro ng mga tao sa labas. Tila agaw pansin ako ng lahat dahil sa aking naging ayos ngayong gabi.
Habang lumalakad ako papasok nang bar ay tila parang mga magnet ang mga mata ng lahat sapagkat sinusunod ako ng kanilang mga tingin.
'Yung iba ay binabatukan na lamang ng kani-kanilang mga girlfriend dahil sa akin ang tingin niti at hindi sa kanila.
Mayamaya pa nang makapasok ako sa loob ng bar ay namangha rin ang mga nakakita sa akin dahil sa taglay kung ganda at mala-sexy na tindig na siyang ka akit-akit sa mata ng bawat lalaki.
Ilang saglit pa ay hinanap ko sa aking tingin kung saan naroroon si Mike hanggang sa makita rin siya ng aking pananaw. Kung saan nakatayo siya malapit sa Reception habang kausap ang isa sa mga waiter nang bar.
Nang makita ko si Mike ay napangiti ako sapagkat hindi ko rin maikakaila sa making sarili na minsan ko rin siyang na-miss noong nasa London pa ako.
Dalawang taon din kaming hindi nagkita kaya't malamang ay ma mi-miss talaga namin ang isat-isa.
Mayamaya pa ng matapos ang pakikipag-usap ni Mike sa waiter ng Bar ay napag-isipan kong puntahan siya at lapitan siya.
Nang unti-unti akong papalapit sa kanya ay bigla siyang napalingon kung saan ako naroroon dahilan upang ako'y makita niya at maagaw ang kaniyang atensyon sa akin.
Nang makita nga ako ni Mike ay tila parang hindi pa niya ako nakilala agad at namukhaan dahil sa ibang-iba ang ayos ko ngayon.
Nang palapit na ako nang palapit sa kanya ay kitang kita ko kung paano siya natulala habang tinitignan ako. Kitang kita ko kung paano ang kaniyang naging reaksyon ng makalapit ako sa kanya ng husto.
Habang napanganga at tulala si Mike na tumitingin sa akin habang papalapit sa kaniyang kinatatuyaan.
"Damn! What a very beautiful and sexy girl," bulong pa ni Mike sa kaniyang sarili habang agad-agarang napalunok ng kaniyang laway.
Nang makalapit ako kay Mike ay biglang nagkisap mata siya nang maaninag niya ang aking mukha.
"Wait, Wha_what? Tama ba itong nakikita ko?" Palakas at gulat na pagsabi ni Mike na tila may pag-aalinlangan sa kaniyang isipan.
"Did I make you surprised?" Pangiting sabi ko sa kanya sabay kinindatan siya.
Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Mike at matiim akong pinagmamasdan nang mabuti hanggang sa mapagtanto niya na ako nga ito at hindi kung subong babae na hindi niya kilala.
"Kri_Kristina? Is that you? I mean, tama ba ako sa aking nakikita ngayong. Ikaw nga ba talaga itong kaharap ko ngayon?" Pagdadalawang tanong pa ni Mike na tila nabigla nang mapag-alaman niyang ako nga ito.
"Sino pa nga ba sa tingin mo? Mike?" Ani ko pa sabay ngumiti sa kanya habang pinagmamasdan siya sa kaniyang bawat reaksyon sa akin.
Napangiti naman ng malaki si Mike habang hindi mapakali sa kaniyang sarili. "Oh my Gosh! Ikaw nga Kristina. Hindi kita agad nakilala sa ayos mong iyan. It's really you.
Tumawa naman ako sabay hinawakan at inayos ng kunti ang aking buhok. "Why? What's wrong at bakit hindi mo agad ako nakilala?" Wika ko pa sabay napataas ang aking dalawang kilay. "Um, hindi mo man lang ba ako babatiin sa aking pagdating o pagbalik dito?" Dagdag ko pa sabay ningitian siya.
Sa hindi ko inaasahan ay bigla-bigla na lamang akong niyakap ni Mike.
"I'm glad to see you again Kristina. It's been a long time bago ulit tayo nagkita," at hanggang sa ma-realize ni Mike ang kaniyang pagyakap sa akin na para bang boyfriend ko siya kung siya'y umasta kung kaya't hininto na niya ang pagyakap sa akin at dumistansya ng kunti habang napapaisip sa kaniyang ginawa.
"Um, I'm sorry parang na excite lang kasi ako nang makita ka. Na miss din kasi kita Kristina. Pasensya kana sa naging awkward reaction ko earlier," wika pa kita sabay huminga nang malalim habang nakaramdam ng kunting hiya sa kaniyang naging pagkilos sa akin kanina.
Napakagat labi naman ako habang napaisip patungkol kanina. "It's okay Mike, ano ka ba. Normal lang naman iyon dahil sa matagal din tayong hindi nagkita and yet na miss din kaya kita," pangiting sabi ko pa sa kanya sabay hinawakan siya sa kanilang balikat.
Napatawa naman si Mike habang napakamot sa kaniyang ulo. "Yeah, I mean yes tama nga. Masaya akong makita ka ulit Kristina. And may sasabihin ako sa iyo ngayon," ani oa niya sabay tinitigan ako sa aking mukha.
"Ano iyon Mike?" Maikling tanong ko sa kanya sabay tingin sa mga tao sa kaniyang likuran.
Huminga siya ng malalim habang ipinasok ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang magkabilang bulsa. " Um, napakaganda mo ngayong hindi lang napakaganda kung hindi sobrang ganda. Ibang-iba kana nga talaga Kristina mas lalo ka pang gumanda ngayon at su-mexy. Kaya nga hindi kita agad nakilala kanina," sabi pa ni Mike habang titig na titig sa aking mukha habang pumailalim ang kaniyang mga tingin sa akin.
"Nako biniro mo pa ako, ikaw nga rin diyan mas lalo ka pang gumwapo at pomogi. At napansin ko malaki na rin pala ang pinagbago ng bar mo. Mas pinalago mo pa talaga itong negosyo mo," pangiting sabi ko sabay tingin sa palibot ng kaniyang bar.