Chapter 60

"Totoo naman ah. Napansin ko pa nga kanina na halos lahat ng tao rito sa loob ng bar ay sa iyo ang tingin," sabi pa niya habang panay ang ngiti sa akin. " Naisipan ko kasi na baguhin ang ibang desinyo ng bar at pagkagawa ganoon din at palawakin pa. Marami rami na rin kasi ang dumadayo sa Bar ko kaya't naisipan kong palaguin pa ito lalo,"

"Congrats dahil sa naging successful pa lalo itong bar mo," ani ko pa sabay napatawa ng kunti.

"Thank you by the way. Um, teka nga maupo muna taayo at nang makapag-usap naman tayo ng mabuti. Marami Kasi akong gustong malaman tungkol sa anging buhay mo roon sa London," wika pa niya.

Pumunta kami ni Mike sa Private Roof top nang bar kung saan mga empleyado lamang nang bar na ito ang pwedi roon makapunta.

Tanging kami lang din dalawa ni Mike ang tao roon kung kaya't masinsinan kaming nag-uusap at nagkwentuhan dalawa.

Habang nakatayo ako at tinatanaw ang aking mga nakikita sa ilalim ng roof top.

"Napakaganda naman dito dagdag pa ang sariwa at malamig na hangin. Kay sarap tambayan dito sa lugar na ito," wika ko habang damang-dama ang malamig na hangin.

"Tama ka nga maganda nga rito pagtambayan. Kaya kapag wala akong ginagawa ay dito ko na lang ginugugol ang aking oras," ani pa niya habang nakaupo sa upuan na siyang nakatingin sa akin kanina pa.

Lumakad ako papalapit sa kanya at umupo malapit sa kaniyang tabi.

"Teka lang, bakit hindi ka man lang pala nagsabi sa akin na dumating kana pala subalit ang sinabi mo naman sa akin noong una ay sa susunod na buwan pa ang uwi mo rito. Tapos ngayon bigla-bigla ka na lang sumulpot dito sa bar ko. Ginulat mo tuloy ako," dagdag pa ni Mike sabay tumawa habang napakamot sa kaniyang ulo.

"Actually noong isang araw pa talaga ako nakauwi rito. Ngayon lang ako nakaisip na puntahan ka rito dahil sa medyo marami akong inayos at inasikaso sa bahay. Sa katunayan niyang ay sinadya ko talaga ang hindi ipagbigay alam sa iyo ang tungkol sa araw ng aking pagdating para ito gulatin ka," ani ko pa sabay tumawa ng malakas.

"Mahilig ka talaga manggulat Kristina. Kagaya na lang din ng paggulat mo sa akin noon na may boyfriend kana pala_," biglang napahinto si Mike sa kaniyang pagsasalita at sabay napapaisip dito. "Um, speaking of your boyfriend kamusta naman pala kayong dalawa? Siguro napaka-strong pa lalo ng inyong relasyon ngayon," dagdag pa niya sabay ngumiti sa akin habang napapaisip pa lalo.

Napatigil naman ako sa aking pag-ngiti at sabay na tumingin sa malayo habang bigla-bigla na lamang na sumagil sa aking isipan si Troy.

"Um, sa katunayan niyan ay wala na kami. Matagal na kaming nagkahiwalay at mahigit limang buwan na ang nakaraan," mahinang boses na pagsabi ko kay Mike sabay ngumiti ng kunti na halatang napipilitan lamang.

Nagulat naman si Mike sa aking sinabi at tila hindi makapaniwala.

"Wala na kayo? Bakit anong nangyari? Hindi ba kayo nag-work together or what? Is he cheated on you?" Tanong niyan sa akin na tila parang may kaka-iba sa tono ng kaniyang pananalita.

"'Wag na lang nating pag-usapan pa iyan Mike. Matagal na iyon at tapos na. Let's make some fun and enjoy the night dahil sa mahigit dalawang taon ay nagkasama na ulit tayo," tumawa na lang ako ng malakas sabay inom ng wine.

"Wait Kristina, I want to know. I am your friend at sincere lang ako sa iyo. Sabihin mo nga sa akin ang totoo?" Pamimilit pa ni Mike sabay tinitigan ako sa aking mukha.

Napatigil naman ako habang dahan-dahan na inilapag sa mesa ang hawak kong baso kanina na may lamang wine. "Yes he is, he cheating on me. Naging Long distance relationship kami for almost 2 years. Nagtatrabaho siya sa Singapore bilang isang Piloto samantalang nagtatrabaho naman ako roon sa London. Maayos naman ang unang relasyon namin although LDR kami subalit nagtagal ay tila parang nagbago na at nag-iba. Ngunit ayos naman ako ngayon dahil sa nakapag move on na rin mamang ako," paliwanag ko pa kay Mike sabay ngumiti ng kunti na halatang parang napipilitan lamang.

"Eh gago pala siya. Kung tutuisin ay napaka-swerti niya na sa iyo. Halos lahat ng katangian ng isang babae ay nasa iyo na. You are beautiful inside and out, sexy and hot, gorgeous, masipag, mabait tila lahat na yata ng katangian ng isang babae ay meron ka Kristina and that guy? Ay niloko ka lang? Damn he is fool!" Palakas na boses na pagsabi ni Mike na tila may galit ang tono ng kaniyang pananalita sa kaniyang nalaman.

"That's enough Mike. Ganoon kasi eh iba-iba ang katangian ng isang tao. Merong marunong ma kontento sa kung anong meron siya at meron din na hindi marunong ma kontento at gusto pang humanap ng iba," ani ko pa sabay huminga ng malalim.

"Ano nga ba ang sa likod ng inyong pagkasira ng relasyon? At bakit niya nagawa ang ganoong bagay sa iyo? Akala ko ba ay hindi ka niya lolokohin

just like what you say to me before?" Sabay tinitigan ako ng matiim sa aking mga mata.

Tumayo ako mula sa aking kina-uupuan at dumistansya sa kanya ng kunti sabay tinalikuran siya.

"Third party! Third party ang dahilan kung bakit nasira ang aming relasyon at kung bakit kami nagkahiwalay. Wala akong ka alam-alam na mayroon pala siyang ibang babae sa Singapore. It's too late when I found out na kung saan malaki na ang namamagitan sa kanila ng babae, na siguro marami na ang nangyayari kaka-iba sa kanilang dalawa," sabay kinuha ko ang baso na may lamang wine at inubos ng inom.

"Gusto ko man sana siyang ipaglaban sabi ng aking puso subalit pinipigilan lamang ako ng aking isip sapagkat kaawa-awa na talaga ako. Ako 'yung naging biktima At talo. Alam mo ba kung bakit? Dahil sa minahal ko siya ng lubos at pinagkatiwalaan ko siya ng buong buo. Iyon ang naging mali ko Mike dahil sa muli akong nagtiwala sa taong minsan ng dumurog sa aking puso at minsan ng sumira ng aking pagkatao."