Chapter 58
Tinapos ko na lang din ang relasyon namin dalawa ni Troy upang sa ganoon ay mahanap ko ang kapayapaan at kaginhawaan dito sa aking puso.
Mas pinili ko na lang ang makpighiwalay sa kanya kesa sa ayusin namin ang aming relasyon dalawa. Sapagkat hindi ko talaga lubos na matanggap sa aking sarili ang kaniyang ginawang pagtataksil sa akin bukod pa doon ay puno na rin ng sakit at pighati itong puso ko at gusto kong makahanap ng paraan para maiibsan ang sakit dito sa aking puso kaya't naisipan kong hiwalayan siya upang sa ganoon ay makapag-isa ako at baka ito pa ang dahilan upang mahanap ko ang lunas para sa aking durog na puso.
Ilang araw din akong tulala lang at panay sa pag-iisip ng kung ano-ano. Ilang gabi na rin na wala akong sapat na tulog dahil sa patuloy kong pag-iyak. Wala na rin akong ganang kumain at tila parang na pabay'an ko na nga ang aking sarili.
Nakaapekto na rin ito sa aking trabaho sapagkat hindi ako maka-focus sa pagtatrabaho ko.
Pero kahit sa gitna ng aking kalungkutan at pagkapighati ay nandito naman ang aking kaibigan na si Annabelle na araw at gabi kung puntahan ako sa aking Apartment upang kamustahin ako sa aking kalagayan.
"Hey how are you? Are you feeling alright or not?" Habang kinakausap ako ni Annabelle.
"I understand what you feel right now. Naranasan ko rin iyan before and it was a very worst thing happened in my life when I found out that my first love or my ex-boyfriend cheating on me! Halos gumuho rin ang mundo ko noon nang malaman ko iyon lalo na nang mas pinili niya 'yung babae kesa sa akin. Kaya't alam kong sobrang sakit talaga ang nararamdaman mo ngayon. Dahil naranasan ko na rin iyan noon," wika pa ni Annabelle habang nalulungkot sa nangyari sa akin.
"You know kapag paulit-ulit ka ng sinaktan ng taong mahal mo mayroon ka pa diyan na dalawang choices either you will stop and give up or go for it para ipaglaban mo. Ika nga nila kapag hindi para sa iyo ang taong akala mo na siya na ay gagawa at gagawa talaga ng paraan ang tadhana para kayo ay magkalayo dahil nga hindi siya 'yung nakalaan para sa iyo. In addition to that, mayroon talaga na ibang tao at hindi siya."
"Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin Annabelle it affects me so much. Halos lahat napabayaan ko na even in the work I can't focused," ani ko pa habang may lungkot ang tono ng aking pananalita sa kanya kasabay ng pagpahid sa aking mata na lumuluha.
"So, what is your plan for him?"
"Gusto ko siyang kalimutan ngunit palagi ko lang naman siyang maalala. Galit na galit ako sa kanya at gusto ko siyang makikitang nasasaktan at nahihirapan like what he did to me subalit sabi naman ng puso ko na ayaw ko siyang makikitang nasasaktan dahil mahal na mahal ko siya,"
"If you want to forget him, you need to blocked him on your any social media account para nang sa ganoon ay baka tuluyan mo na nga siyang makalimutan," advice pa ni Annabelle sa akin. " You know Kristina if you feel that you are very tired then you must stop and just move on. Let him go! All you need to do is focused on yourself. Marami pa naman na ibang guy diyan na nagkakandarapa sa iyo. Sabi ko naman sa iyo na 'wag kang magpapadala sa charming ni Troy although may pinagsamahan kami niyan ni Troy bilang magkaibigan but sa iyo pa rin syempre ang panig ko. Kahit din ako ay masama ang loob ko sa kanya dahil sa kaniyang ginawa sa iyo na siyang tapat naman na nagmamahal sa kanya," dagdag pa kita na tila parang na momoblema sa aming dalawa ni Troy.
Sinunod ko ang mga payo ni Annabelle sa akin kaya't napilitan na lang din akong burahin si Troy sa ibang social media account ko. Gayon din at nagpalit na rin ako ng telephone number upang sa ganoon ay hindi na siya magkaroon pa ng kontak or komunikasyon sa akin kahit kailanman.
Dumaan pa ang maraming araw at buwan ay tuluyan na talagang wala na kaming komunikasyon ni Troy sa isat-isa.
At kahit ilang buwan na rin ang nagdaan ay hindi ko pa rin ma wala-wala si Troy sa aking isipan at lalo na ditilo sa aking puso.
Subalit kahit ganoon ay pilit ko pa rin siyang kinalimutan, burahin sa isipan ko at alisin na sa aking puso.
Magtatapos na ang taon at magbabagong taon na rin. Matatapos na rin ang aking kontrata sa pagtatrabaho ko rito sa London. Gayon din at patapos na rin ng kontrata ni Troy sa Singapore. Iyon nga lang ay wala na aking balita pa sa kanya mahigit limang buwan na.
Nang matapos ang aking kontrata ay nagpasya akong umuwi ng Pinas. Pero bago iyon ay ginugol ko muna ang ilang mga natitirang araw ko sa London kasama ang aking kaibigan na si Annabelle.
Nang makauwi ako ng Pilipinas ay
tumungo muna ako nang General Santos upang bisitahin ang bahay ko roon bago ako umuwi ng Laguna.
Habang pinagmamasdan ko ang aking munting bahay ay naalala ko ang mga naging alaala namin diro ni Troy nu'ng magkasama pa kaming dalawa.
Napangiti na lamang ako at hindi na iyon inisip pa dahil sa unti-unti na rin naman akong naka move on sa kanya. Gayon din at unti-unti na rin siyang nawawala rito sa aking puso at isipan. At tila parang wala na akong may sakit na nararamdaman pa matapos ang mahigit limang buwan.
Tila tuluyan na nga na humilom ang sugat dito sa aking puso. Tuluyan na nga na nahanap ko na ang kapayapaan dito sa aking puso at sa aking isip.
It was Monday 7 o'clock in the evening ng maisipan kong pumunta ng M. K's bar kung saan balak kung puntahan si Mike upang surpresahin siya sa aking pagdating.