Chapter 55

"Bakit nagmamadali kang patayin ang phone Troy? Tama ba itong iniisip ko ngayon o baka sadyang nagkakamali lang ako kagaya nu'ng dati," bulong ko pa sa aking sarili sabay huminga ng malalim habang napapaisip.

"Naniniwala ako sa iyo Troy, alam kong hindi mo ako lolokohin. Na pagkamalan man kita noon subalit isang pagkakamali ko lang Naman iyon. Alam kong hinding hindi mo ako lolokohin at ipagpapalit sa ibang babae. Malaki ang tiwala ko sa iyo Troy kaya't kampanti ako sa aking sarili, " sabi ko pa sa aking sarili sabay ngumiti habang nakaharap sa salamin.

Hindi ko na lamang inisip pa iyon at ibinaliwala ko na lamang. Mas nanaig pa rin talaga ang aking puso kesa sa aking isip kung kaya't ginawa kong alisin ang aking mga pagdududa kay Troy.

Matapos kong mag breakfast ay pumunta agad ako sa Department Store upang mamili ng mga grocery at kakailanganin na gamit lalo pa at kakalipat ko pa lamang sa aking apartment. Siguradong marami akong gamit na kailangan pang bilhin.

Nang matapos akong makapag-grocery ay nagdissisyon agad akong umuwi sa aking Apartment dahil marami pa akong liligpitin na gamit roon at mga naging pinamili kong gamit.

Habang nag-aabang ako ng taxi pauwi sa aking Apartment ay may nakita ako sa labas ng store nang magkasintahang mag-aaway at tila nagbabangayan sa daan.

Curious ako kung ano ang dahilan ng pag-aaway ng dalawa kung kaya't naisipan kong umusog ng kunti malapit sa kanilang kinatatayuan upang marinig ko ag kanilang pinag-awayan.

"You lied to me, I'd trust you but you'll broke my heart into pieces. You're a fuck damn cheater. Just go to hell together with your new damn girl!" Galit at palakas na boses na pagsabi ng babae habang umiiyak sa harapan ng lalaki sabay umalis at iniwan ang lalaki na nag-iisa sa daan.

Nakita ko sa aking mga mata kung paano umiyak ang babae sa harapan ng kaniyang boyfriend at damang dama ko sa aking puso ang sakit at hapdi sa kaniyang dibdib dulot ng nangyari sa kanila ng boyfriend niya.

Doon ko na lamang napag-alaman na ang dahilan pala ng kanilang pag-aaway ay dahil mayroong third party sa pagitan nilang dalawa. Napagtanto ko na niloko pala ng lalaki ang girlfriend nito at ipinapalit niya sa ibang babae.

Habang nakatayo ako sa labas ng Department store ay nakaramdam na lang ako bigla ng lungkot sa aking puso. At bigla kong iniisip, what if mangyari rin sa akin ang ganitong pangyayari. Siguro ay hindi ko ito makakaya.

"Bakit nangyayari ang bagay na ito? Bakit may mga taong hindi marunong makuntento sa kung anong meron sila ngayon? Bakit may mga taong nagawa pa rin na magloko at mangloko kahit na minamahal naman sila ng tapat at totoo ng kanilang partner," bulong ko pa sa aking sarili habang nakatulala at napapaisip.

"Ayokong mangyari rin sa amin ito ni Troy. Ayokong masira ang aming relasyon dahil lamang sa isamg third party. 'Wag naman sana umabot o dumating na mangyari ito sa amin sapagkat hindi ko talaga ito makakaya," dagdag ko pa sabay huminga ng malalim habang unti-unting inalis sa aking isipan ang aking maruming iniisip patungkol sa aming relasyon dalawa ni Troy.

It was Tuesday in the evening kung saan nakahiga ako sa aking kama ay nag-aabang sa tawag ni Troy sa telepono.

Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang telepono at agad ko itong sinagot dahil alam kong si Troy itong tumatawag.

Pagkasagot ko ng telepono ay bumungad agad sa akin ang napakaingay na tunog galing sa linya ni Troy.

May narinig akong ibat-ibang ingay ng mga lalaki sa telepono na kung saan mga kasamahan ni Troy sa kaniyang dorm.

Mayamaya pa ay nagsimula akong magsalita subalit walang may sumasagot maliban na lamang sa mga ingay ng boses ng kaniyang mga kasamahan ang tanging naririnig ko.

Ilang saglit pa ay may boses akong narinig na siyang boses ni Troy subalit tila parang iba ang kinakausap nito at hindi ang tawag sa telepono.

Idiniin ko pa ang aking taenga sa telepono upang mapakinggan kong mabuti ang pinag-uusapan nila. Hanggang sa may narinig akong pangalan ng babae sa pag-uusap nina Troy at mga kasamahan niya.

Hindi ko masyadong narinig ang pangalan ng babae na kanilang binaggit sa kanilang pag-uusap subalit natitiyak ko na nagsisimula sa litrang H ang pangalan ng babae at tila parang lirang Y ang panghuli. Iyon lamang ang aking narinig na pagbanggit ng pangalan.

Mga naririnig kong pag-uusap nila Troy at ang kaniyang mga kasamahan.

"Naghihintay na pala siya sa labas pare," dagdag pa na sinabi ng isang kasama ni Troy sa kanya.

"Pumunta kana roon at nandoon na siya sa labas kanina pa naghihintay sa iyo,"

"Tiyak na importante talaga iyang gagawin niyo, enjoy the night pare,"

Tila parang may ibig sabihin itong mga sinasabi ng mga kasamahan ni Troy sa kanya. Hindi ko lang masyadong makuha kung ano nga ba talaga ang punto ng kanilang pag-uusap hanggang sa isamg beses ay nagsalita si Troy.

"Ano ba pare ikaw na mismo ang nagsabi na lalaki tayo at kailangan natin ng parausan sa buhay. Wala namang masama sa ginagawa ko. Sadyang nangungulila lang ako sa girlfriend ko kaya't nagawa ko ang bagay na ito," sabi pa ni Troy.

Nagulat ako sa sinabi ni Troy at biglang may sumagil sa aking isipan na siyang hindi ko gusto. Bigla yata akong kinabahan ng mga oras na iyon at napapaisip na naman na tunay nga ang aking hinala at pakiramdam na may ginagawang kaka-iba at masamang bagay si Troy sa Singapore. Sa tono pa lang ng kaniyang pananalita ay nakukuha ko na agad ang punto rito.

Na mayroon siyang babae sa Singapore at kahit na wala pa akong matibay na ebidensiya na magpapatunay na mayroon nga siyang ibang babae roon sa Singapore.

Dahil dito ay agad kong ibinaba ang tawag sa telepono habang pinipigilan ang aking sarili na maging emosyonal at pigilan ang aking isip na mag-isip ng masama patungkol kay Troy.