Chapter 56
Tila hindi rin yata alam ni Troy na nakikinig ako sa kanilang pag-uusap kung kaya't kampanti siya sa kaniyang sarili na sabihin niya ang mga bagay na iyon.
Iyon pala ay aksidenti niya lamang na pindot ang pagtawag sa akin. At hindi niya na malayan na nasagot ko ang tawag at narinig ko ang lahat ng kanilang pag-uusap patungkol sa babae.
Nagpa as if na lang din ako at nagbingibingihan sa aking narinig at nagpatuloy sa pagiging tikom bibig.
Lumipas ang ilang araw at Linggo ay tila unti-unti kong napansin na parang malimit na lang kung tumawag sa akin si Troy. Kapag tumawag naman siya ay sobrang dali lang naman ng aming pag-uusap at tila parang mga walang laman na topiko ang aming pinag-uusapan.
Kung dati rati ay halos magdamagan kaming nag-uusap sa telepono o video call sa phone subalit ngayon at tila bente minutos na lang ang pinakamahaba at pinakamatagal na pag-uusap namin dalawa.
Dati rati ay siya talaga itong unang tumatawag sa akin subalit ngayon ay iba na halos hindi niya na ako matawagan at ako na itong palaging tumatawag sa kanya.
Napansin ko rin na medyo nag-iba na ang paraan ng pakikipag-uusap niya sa akin na tila bang parang wala ng excitement. Tila parang malaki na nga ang pinagbago ni Troy at biglaang pagbabago niya sa akin.
Palagi niya na lang dinadahilan na pagod siya sa kaniyang trabaho dahil sa marami na siyang ginagawa at pinagkakaabalahan sa kaniyang trabaho. Na dati naman ay hindi siya nagrereklamo na pagod siya.
Subalit parang iba na ang pakiramdam ko kay Troy ay pilit ko pa rin na unawain siya at intindihin siya.
Imbis na mag-isip ako ng kakaiba laban sa kanya ay iniisip ko na lang na trabaho lang talaga ang dahilan at hindi kung ano mang bagay lalo na ang babae.
Dahil alam ko na mahal ako ni Troy at hindi niya ako kayang ipagpalit sa kahit kaninong babae gaya nang ipinangako niya sa akin noon.
Kahit na sabihin na nating gabi-gabi na aking umiyak dahil kay bigat na talaga ng aking dibdib at pakiramdam sa kaniyang kahina-hinalang ikinikilos ay pilit ko pa rin na nilalabanan ito para sa kanya at para hindi masira ag aming relasyon dalawa.
Dumaan pa ang maraming buwan
ay mas naging challenging pa lalo sa akin ang mga pinapakitang pagbabago ni Troy.
Napansin ko na talagang wala na siyang oras sa akin na kaya niya ng hindi tumawag sa akin ng isamg buong araw hanggang sa umabot sa puntong mahigit isang Linggo siyang hindi tumatawag sa akin, video call or even chat.
Napansin ko rin na hindi na siya malambing sa akin at parang tila nanlalamig na siya sa akin na siyang ikinabahala ko at ikinatakot ng husto.
Gabi nang Sabado noon nang naisipan kong tumawag kay Troy upang kamustahin siya dahil sa mahigit isang Linggong wala kaming komunikasyon dalawa noon.
Tumawag ako sa cellphone niya through viber subalit walang may sumasagot. Tinawagan ko ulit siya sa pangalawang beses hanggang sa wakas ay may sinagot na rin.
Nang pagkasagot ng aking tawag ay nabigla at nagulat ako ng husto na boses ng babae ang siyang bumungad na kumausap sa akin sa cellphone.
"Hey baby someone's calling on your phone," wika pa ng babae sa kabilang linya sabay tinawag si Troy na siyang abala sa pagsho-shower.
"Hello, who is this? By the way this is Hailey, Troy's girlfriend. Nasa banyo pa siya ngayon naliligo. What can I do for you?"
Tila parang nabingi itong taenga ko sa aking narinig na sinabi ng babae na siya'y girlfriend ni Troy dahilan upang hindi ko magawang makapagsalita sa tawag na para ba na hindi ko magawa ang ibuka ang aking bibig dahil sa aking labis na pagkagulat.
"Hello? Hello?" Are you still there?" Paulit-ulit na tanong ng babae sa tawag.
Parang biglang tumigil ang mundo ko sa aking nalaman at natuklasan. Tama nga ang aking matagal na hinala at pagdududa kay Troy na mayroon nga siyang ibang babae bukod sa akin. Na mayroon siyang ibang kinagigiliwang babae sa Singapore.
Tama rin ang aking narinig sa kanilang pag-uusap noon sa pangalan ng babaeng binaggit nila na Litrang H ang panimula ng kaniyang pangalan at nagtatapos sa Y at kabuuan na pangalang Hailey. Na siyang nagpakilala sa akin na girlfriend siya ni Troy.
Nang mga sandaling iyon ay hindi ko na namalayang bumagsak na pala sa sahig ang cellphone ko. Parang sumabog ang puso ko sa aking nalaman at natuklasan dahil sa sobrang sakit at bigat sa dibdib ang nalaman kong may ibang babaeng kinakasama si Troy sa Singapore.
Hindi ko na rin namalayan na unti-unti ng tumutulo ang mga luha ko sa aking mata. Tila pakiramdam ko ay panaginip lang itong nalaman ko at natuklasan dahil sa hindi ako makapaniwala sa nangyari.
Hindi ako makapaniwala na magagawa akong lokohin ni Troy sa kabila ng kaniyang mga ipinangako sa akin. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang aming relasyon.
Hindi ko lubos maisip kung saan ako nagkulang bakit ako niloko ni Troy at pinagtaksilan sa kabila kabaitan at tapat na pagmamahal ko sa kanya.
Hindi ko akalain na parang pinaikot-ikot lang ako ni Troy sa kaniyang mga palad at pinangakuan ng matamis na mga salita na hindi niya naman ginawa.
Nagtiwala ako, naniwala at umasa sa mga pangakong na pako lang.
Sobra akong nasaktan nang gabing iyon, halos madurog itong puso ko at hindi makatulog dahil sa nangyari.
Para akong nawalan ng lakas sa katawan sapagkat hindi ko matanggap ang ginawa ng taong mahal ko sa akin.
"I can't believe you can do this to me Troy," sabay paghagulhol ng iyak. "I trusted in you. Pinaniwalaan at pinagkatiwalaan kita, umasa ako subalit ako'y niloko mo lang. Mahal na mahal kita Troy ngunit bakit at paano mo nagawa ang lokohin ako sa kabila ng lahat ng ginawa ko at sakripisyo para sa iyo? Nagtiwala ako sa mga sinabi mong hindi mo ako ipagpapalit kahit na kaninong babae. Pero bakit?!" Na pasigaw ako sa sobrang galit habang humahagulhol sa pag-iyak.