Chapter 54
Nanlaki naman ang mga mata ni Annabelle sa kaniyang narinig na sinabi ko. "Oh my God true na ba iyan?" Palakas na boses na pagkasabi niya habang hindi makapaniwala. "It mean na magiging misis Madrigal kana soon. My goodness can't wait Kristina. I'm so happy for you. Nakita mo na rin talaga ang the one mo at walang iba kundi si Troy Madrigal," wika pa ni Annabelle na halata ang tuwa at saya niya para sa akin.
"Salamat Annabelle. Masayang rin ako actually masayang masaya. Halos hindi nga ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa parang na e-excite ako. Masarap pala sa pakiramdam ang pangakuan ka ng kasal. And yes thanks to God nakita ko rin siya. And I really felt na siya na talaga Annabelle," ani ko pa sabay huminga ng malalim habang umaapaw ang saya at tuwa rito sa aking puso.
"I'm so happy to both of you Kristina. Sa wakas at matutupad na rin ang pingarap mong makahanap ng taong magiging kabiyak ng iyong puso," emosyonal na pagsabi ni Annabelle sabay niyakap ako. "Baka maunahan niyo pa ako sa pagpapakasal ko ha," dagdag pa kita sabay tumawa ng malakas
Napatawa naman ako bigla sa kaniyang sinabi. "Syempre mauuna ka nu. Sa susunod na buwan kana kaya ikakasal samantalang ako isang taon pa ang bibilangin bago mangyari iyon," wika ko pa sabay pag-cross ng aking magkabilang braso.
"Nako ang dali lang kaya ng panahon ngayon at anong isang taon subalit buwan na lang kaya ang bibilangin mo," pangiting sabi niya na tila kinikilig pam
"Oo nga nu, parang hindi na talaga ako makapaghintay. Ano kaya 'yung feeling na nakasuot ka ng weeding dress habang lumalakad papuntang altar, siguro masarap sa pakiramdam iyon. Nako na e-excite na talaga ako Annabelle," sabay huminga ng malalim habang palihim na nag-iimagine sa bagay na iyon.
"Masarap talaga iyon sa pakiramdam. Kita mo naman na iyan ang hinihintay ng lahat at iyan ang napaka special na araw para sa mga taong nagmamahalan. Tama na iyang pag-iimagine ko diyan baka hindi kana niyan makatulog sa gabi," pabirong sabi pa niya sabay napatawa.
"Grabe naman 'to, magtatrabaho na nga lang tao," sabay tumawa at nagsimulang bumalik sa trabaho.
Makalipas ang isang buwan ay naikasal na nga sina Annabelle at ang engaged boyfriend niyang si Jez.
Kaya isa na ngayong masayang may bahay ang best friend ko.
Dahil sa kasal na nga at unti-uti nang nagbubuklod ng pamilya sina Annabelle at ang asawa niya ay nagpasya akong umalis ng kanilang bahay at pininiling magrenta na lang nang apartment para ng sa ganon ay magkaroon naman ng privacy ang mag-asawa.
Kumuha ako nang apartment malapit lang sa aking pinagtatrabahuan. Medyo malayo layo lang kaso kunti sa bahay nina Annabelle. As usual palaging ako lang mag-isa sa apartment ko.
It was Sunday in the morning kung saan naghahanda ako ng breakfast bago umalis ng bahay at pumunta nang Department Store upang mang-grocery.
Mayamaya lamang ay biglang tumawag sa telepono si Troy
"Hi love good morning, how's your day? Kamusta kana pala?"
Habang kausap ko siya sa kabilang linya
"Ayos lang naman love mag-break fast muna tayo. Do you already have your break fast?"
"Mabuti naman kung ganoon. By the way tapos na akong mag-agahan.
"Well that's good. By the way kamusta kana pala diyan? Pasensya kana pala kung hindi ko nasagot ang tawag mo kagabi kasi sobrang pagod ko sa trabaho. Nakatulog tuloy ako nang maaga,"
"No it's okay naiintidihan naman kita diyan," maikling sabi niya.
Habang sa kalagitnaan nang pag-uusap namin ni Troy sa telepono ay may bigla akong narinig na boses ng isang babae na siyang umagaw ng aking atensyon.
Napatigil naman ako at nagtaka sa aking narinig kung kaya't agad kong tinanong si Troy patungkol dito. "Um, love parang may narinig yata akong boses ng babae diyan," pag-aalinlangan na tanong ko sa kanya sabay paglakas ng tibok ng aking puso sa hindi ko maunawaan at maintindihan.
"Wha_hat? Babae? Ako lang naman mag-isa rito sa dorm ko love. Um, baka nagkamali ka lang ng dinig," ani pa ni Troy habang nauutal sa pagsasalita na tila ba parang hinihingal siya na siyang kahina-hinala pakinggan.
Pinahinto ko muna ang aking pag-blend ng fresh juice para wala akong ingay na marinig bukod sa boses ni Troy sa telepono. "Hindi eh kasi may narinig talaga ako na boses ng babae diyan," sabay napapaisip ng husto habang hindi mpakali sa aking sarili.
Mayamaya pa ay tila parang biglang tumahimik sa linya ni Troy.
"Love? Are you still there?
Ilang saglit pa ay bigla siyang nagsalita na tila ba parang balisa ang tono ng kaniyang pananalita sa telepono. "Um, love tatawagan na lang kita Kasi may urgent meeting daw kami ngayon,"
"Ah sandali lang love I love_," hindi ko nagawang ipagpatuloy pa ang sinabi ko na sana ay "I love you" sa kanya ng bigla-bigla niya na lamang na ibinaba ang teleolpono na wala man lang paalam sa akin. Kahit tila pagsabi ng I love you sa akin ay tila nakalimutan na niya na siyang ipinagtataka ko.
Sa tagal ng aming pag-uusap dalawa ay ngayong beses lamang nangyari ito na binabaan niya na lang ako bigla ng tawag na walang pasabi sa akin. Dati rati kahit na nagmamadali siya ay hindi niya talaga binababa ang tawag kapag hindi siya nakapagpaalam sa akin at nakapagsabi ng I love you.
Subalit ngayon ay tila kahina-hinala na itong pagkilos niya.
Tila nakaramdam ako nang pangamba, pagkabahala, kaba sa aking puso at pagdududa ng mga sandaling iyon.
Lalo pa nang may narinig akong tila boses ng babae habang kausap ko siya sa telepono.
Sumagil na lang din sa isip ko na baka may babae nga si Troy at siyang inililihim niya lamang sa akin.
Subalit komokontra itong puso ko na baka ay guni-guni ko lamang iyon kanina at tama nga siya na nagkamali lamang ako ng dinig. At mali-mali lang din itong iniisip ko patungkol sa kanya na baka mayroon siyang ibang babae.