Chapter 53

"Napilitan na lang kasi akong sumama sa kanila love kasi ako lang mag-isang naiwan sa dorm kasama ko naman dito ang kaibigan kong si Harry, andito lang kami sa sulok nag-iinuman," ani oa niya

"Wala pala akong ka alam-alam nandiyan kana pala sa bar!!"

"Tinawagan kita kanina love kaso hindi nagri-ring ang phone mo. 'Wag ka naman magalit oh. Wala naman akong ginagawang masama dito. Nag-iinuman lang kami dalawa ni Harry"

Ilang saglit pa ng pag video call namin ni Troy ay dumating ang iba pa niyang kasamahan na may mga kasama na itong mga babae. Na siyang narinig ko sa aking pagtawag ang boses ng mga babae malapit lang kay Troy.

"Bakit may naririnig akong boses ng babae diyan! Umamin ka nga Troy!

"Ano ba love sa mga kasamahan ko iyan love. Maniwala ka naman sa akin oh,"

At habang sa kalagitnaan ng pag-uusap at pagtatalo namin ni Troy sa video call ay may babae na lang na bigla biglang humalik sa kaniyang pisngi na siyang hindi ko inaasahan na mangyaring makita

Nagulat ako ng sobra sa aking nakita at aking masaksihan kung paano siya nito halikan ng babae.

Kaya't lubos na lamang ang aking pagkagalit sa kanya ng gabing iyon. Dahilan upang mag-iba ang aking pagtingin sa kanya.

"Niloloko mo lang pala ako Troy! Sege magsama kayo ng babae mo!"

Pareho rin nagulat si Troy sa nangyaring paghalik sa kanya ng babae na siyang hindi niya rin inaasahang mangyayari. "Nako love nagulat din ako. Maniwala ka hindi ko talaga kilala ang babaeng iyon nagulat lang din ako ng bigla niya na lang akong halikan. Love maniwala ka naman oh," paliwanag pa ni Troy sa akin habang balisa sa kaniyang sarili sabay paglabas ng bar upang makausap niya ao ng mabuti at masinsinan. Gayon din ang makapagpaliwanag siya sa akin ng mabuti.

"Alam mo Troy nagtiwala ako sayo eh kaso sinayang mo lang ulit. Mas mabuti pa na mag cool off na muna tayo!" Agad kong tinapos ang aming pag-uusap dalawa ni Troy.

Hindi ko na siya pinagbigyan pa na makapagpaliwanag pa ng mabuti sa akin dahil sa lubos talaga akong na disappoint sa aking nakita kanina sa video call sa pagitan nila ng babaeng hindi ko kilala.

Iyon na lamang ang huling sinabi ko sa kanya na mag cool off muna kami. Aminado kasi akong nasaktan ako sa ginawa ni Troy kahit na ilang ulit pa man niyang sabihin sa akin na wala siyang alam sa nangyari na biglaan lamang nangyari ang bagay na iyon. Subalit isa pa rin iyong pagtataksil at pangloloko sa akin.

Bli-nock ko na rin siya sa ibat-ibang social media account ko para hindi niya ako magawang ma kontak.

Dahil doon ay tila huminto ang aming naging komunikasyon dalawa ni Troy at nag cool off nga kami ng halos mahigit isang buwan.

Pero kahit Paano ay hindi pa rin ito tumigil sa paghingi ng tawad sa akin at pag pupumilit na aayusin ang relasyon naming dalawa. Sa pamamagitan ng kaniyang pag komunikasyon sa aking kaibigan na si Annabelle.

Mahigit isang buwan din siyang hindi nagsawang tumawag at mag-chat sa akin gamit ang mga bagong gawa niyang account kahit na nire - reject ko lang bawat tawag at chat niya sa akin.

Subalit dahil sa naawa ako at nakita ko naman kung paano ako pahalagahan ni Troy at mga efforts niya para lang ma kontak ako ay

Nadama ko rin kung gaano ako ka importante sa buhay niya.

Kaya't pinatawad ko siya at pinagpatuloy pa rin ang relasyon namin dalawa.

Laking tuwa at pasasalamat naman ni Troy nang muli kaming magkaayos dalawa at bumalik sa dati ang lahat

Nagkabati na nga kami ni Troy at bumalik sa dati ang relasyon naming dalawa.

Lumipas ang isang taon at na promote kami pareho ni Troy sa aming trabaho . Tumaas ang posisyon niya sa trabaho at gayon din sa akin ay nagkaroon agad ako ng posisyon sa hospital na pinagtatrabahuan ko London kahit na isang taon pa lang akong nag tatrabaho dahil sa mataas parati ang mga ratings ko at performance sa trabaho.

"Congrats sa ating dalawa love pareho tayong na promote sa ating trabaho. Thanks to our almighty God!" Masayang pagsabi ni Troy habang ka video call kami.

"Oo nga love salamat talaga sa panginoon at napakabuti niya."

"Kunting tiis na lang love at matatapos na ang kontrata ko rito sa Singapore. Magkikita na rin tayo at magkakasama,"

"Oo nga love kay tagal kong hinhintay na dumating iyan. Isang taon na lang ang hihintayin natin pareho at muli na rin tayong magkakasama,"

"Gusto ko pagkatapos ng aking kontrata ay mag papakasal na tayo love ng makabuklod na rin tayo ng sarili nating pamilya,"

"Totoo ba iyan love, I can't wait to say I do "

"Promise iyan love na ikaw na ang babaeng pakakasalan ko at makakasama ko habang buhay,"

"At ikaw din ang gusto kong mapangasawa pagdating ng panahon love,"

" I love you so much love "

"I love you more love"

Kinabukasan sa I. C Hospital London.

Nang makita ako ni Annabelle na panay ang ngiti habang nakatutok sa aking cellphone. "Oy parang iba ang ngiti natin ngayon ha?"

Napalingon naman agad ako sa kanya.

"Andiyan ka pala Annabelle," sabay ngumiti.

"Parang nakapagtataka ha, bakit parang ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganyan? I think may something," ani pa niya sabay napapaisip habang pinagmamasdan ako ng mabuti.

"Wala ah masaya lang ako. Ano ka ba palagi naman akong nakangiti ha," wika ko sabay pagtaas ng aking dalawang kilay.

"Hindi eh para kasing iba na iyan. Aminin mo nga sa akin kung anong nasa likod niyang mga ngiti mo ha? Umamin ka Kristina," pamimilit pa ni Annabelle sabay kiniliti ako sa aking balakang.

Napangiti ako habang iniisip ang aming naging pag-uusap ni Troy kahapon patungkol sa kaniyang sinabing papakasalan niya ako.

"Um, kasi_," bigla na lang akong napangiti habang kinikilig.

"Kasi ano?" Malakas na tanong niya habang naghihintay sa aking sagot sa kanya.

"Kasi si Troy? Um, pingakuan niya kasi ako ng kasal. Sabi niya na magpapakasal na daw kami oras na matapos ang kontrata niya sa Singapore at isnag taon na lang ay matatapos na ang kaniyang kontrata," paliwanag ko kay Annabelle habang kitang kita sa aking mukha at reaskyon ang pagkagalak at tuwa sa aking puso.