Chapter 52
Kahit na mas marami akong trabaho rito sa London kumpara sa Pilipinas ay sulit na sulit naman sapagkat malaki ang sweldo ko rito sa London.
Gayon din si Troy ay naging maganda rin at maayos Amang trabaho niya bilang isamg Piloto sa Singapore.
Kahit mahirap na malayo kami sa isat-isa subalit kailangan tiisin at kakayanin. Ganyan talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao, handa kang magsakripisyo at maghintay kahit gaano man ito ka tagal.
Araw-araw naman kaming nag-uusap ni Troy at nagkikita kahit na sa video call lang.
Kahit papaano ay maiibsan namin ang aming pangungulila sa isat-sa. At sa kagandahang palad ay kahit papaano ay naging maayos din at naging maganda ang takbo ng aming relasyon ni Troy dalawa kahit na LDR kami o Long Distance Relationship at maraming mga hamon at pagsubok sa buhay na dumarating.
Lumipas pa ang mga ilang araw at buwan at matatag pa rin kami sa isat isa. Ayon nga lang at hindi mawawala ang minsang pag-aaway dahil sa selos at ang pagdududa o paghihinala namin sa isat-isa.
Sa dormitory ni Troy sa Singapore kung saan matiim siyang nag-iisip habang nakahiga sa kaniyang kama.
"Oh men why you look like having a problem. Is anything wrong? I think you have an argued together whit your girlfriend," Tanong pa ng isang foreigner na kasamahan ni Troy sa trabaho.
"Yeah a lil bit but we're okay. I love her so much that's why I will try to understand her even though sometimes I can't understand her," abi pa ni Troy sabay inisip ako.
"Nako pare kung ako sa'yo sumama ka sa amin mamayang gabi dahil mag-didisco kami," Paanyaya pa ng pinoy na kasamahan ni Troy sa kaniyang dorm.
"Mag-didisco? At sino naman ang kasama niyo?" Pagatatakang tanong ni Troy na tila napapaisip.
"Sino pa ba e'di tayo-tayo lang naman. Ano ka ba sege na sumama kana ng maibsan naman iyang lungkot at pangungulila mo sa girlfriend mo.
Marami pa namang bibot na magaganda at sexy doon," sambit pa ng isang kasama ni Troy.
"Nako pare tumigil ka nga diyan ikakasal kana," sabi pa ng isamg Pinoy sa lalaking kausap ni Troy.
"Oo nga ngunit tayong mga lalaki ay kailangan talaga natin ng parausan sa buhay. Tignan mo nga naman kalahating taon na tayo rito sa Singapore at malayo sa mga mahal natin sa buhay. Kalahating taon na rin na nanahimik ang mga alaga natin. Sabihin na nga nating mahal natin ang mga girlfriend natin o mga asanwa natin subalit kailangan din talaga natin minsan tumikim ng ibang putahe," wika pa ng lalaking kausap ni Troy na si Jack.
"Loko talaga ito oh. Oy tumigil ka nga diyan mahal ko ang girlfriend ko at hindi ko gagawin sa kanya iyon,"sambit naman ng isang kasamahan ni Troy na si Harry
"Sege ikaw ba,"
Tahimik lang si Troy at hindi na sumulpot pa sa pag-uusap ng dalawa habang iniisip ng husto ang naging sinabi ng isa niyang kasamahan.
Pagsapit ng gabi ay abala na ang mga kasamahan ni Troy sa kaniyang dorm.
Abala sila sa pag-aayos ng kani-kanilang mga sarili para sa pagpunta nila sa nasabing bar dito sa Singapore.
"Oy Troy pare hindi ka ba sasama sa amin ngayon? Aalis kami papuntang bar at mag-didisco baka gusto mong sumama," wika pa ni Jack sabay niyayaya si Troy na sumama.
"Oo nga naman Troy kanina ka pa diyan nagmumukmok aliwin mo naman iyang sarili mo. Sege ikaw din minsan nga lang tayo makakalabas at makakagala tapos ganyan ka pa. Kong ako sa iyo magbihis kana at aalis tayo," sambit naman ng isa pang kasamahan ni Troy na si Leo.
"Marami pa namang magagandang bibot dito sa Singapore sege ka,"
Napangiti Naman si Troy habang napakamot sa kaniyang ulo.
"Kayo taalaga oh,"
At dahil sa pamimilit at pagyaya ng mga kasamahan ni Troy sa kanya ay na inggangyo itong sumama sa kanila upang pumunta ng bar at mag-didisco.
Pumunta siya ng bar kasama ang mga kasamahan niya sa dorm nang hindi ko alam.
Sa bar pagdating mila ay makikitang maraming tao ang pumupunta rito at marami din na mga babae ang nagsasayawan sa gitna stage na halos nakahubot-hubad na.
Dagdag pa rito ang mga lalaking naghihiyawan sa bawat sayaw at pagiling giling ng mga babae sa kanilang harapan.
'Yung iba ay binabayaran nila ng pera habang nagsasayaw ito at nilalagay sa kong saang parte ng katawan ng babae.
Nawili naman sa kapapanood ng mga nagsasayawang babae ang mga kasamahan ni Troy.
Samantalang si Troy at ang matalik nyang kaibigan na kasama niya rin sa trabaho na si Harry ay nag inuman lang sa dulo habang pinapanood ang mga kasamahan nila na nawiwili ka papanood ng mga babaeng kumikimbot sa stage na tanging panty na lamang ang naiwang suot na saplot .
Ilang saglit lang habang abala sa pag-iinom si Troy ay bigla-bigla akong tumawag sa kanya sa telepono.
Tila maka-ilang ulit na akong tumawag sa kanya subalit hindi pa rin nita magawang masagot ito. Hanggang sa panghuli kong pagtawag ay nagawa niya rin na sagutin ito.
"Hi love are you busy? I'm calling you many times but_," Nang marinig akong tila maingay sa lugar kung saan siya naroroon. " Where are you? Bakit maingay diyan?" Pagatatakang Tanong ko sa kanya sabay napapaisip ng husto.
"Um, nandito pala ako ngayon sa bar love kasama ko ang mga kasamahan ko sa trabaho. By the way I'm sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sa iyo bago ako pumunta rito kasi na lowbat 'yung phone ko kanina. Kasama ko lang naman ang mga kasamahan ko sa trabaho at katabi ko ngayon rito si Harry ang kaibigan ko," paliwanag pa ni Troy sa akin habang pilit na pinapalakas ang kaniyang boses para lamang marinig ko dulot sa labis na ingay sa kaniyang lugar.
"What bar? At nagawa mo pa talagang pumunta ng bar! What are you doing Troy are you insane?! Galit na pagsabi ko sa kanya.