Chapter 46

Sa Japanese Restaurant kung saan dito kami nag-dinner ni Mike

"Kamusta kana Mike?"

"Ayos lang naman bakit?

"Bakit parang nag-iba ka yata? Napansin ko parang malimit mo na akong kausapin tapos kung kakausapin naman kita hindi ka naman minsan sumasagot. At bakit parang hindi na yata madalas ang pagyaya mo sa akin na gumala ano ba ang problema mo? Dati rati naman halos araw-araw gabi-gabi mo akong niyaya na gumala o kumain sa labas at napansin ko rin na tila hindi kana yata dumadaan sa hospital na pinagtatrabahuan ko. May problema ka ba?" Palakas na tanong ko kay Mike habang napapaisip ng husto.

"Ayos lang naman ako. Um, pasensya na busy lang kasi ako sa trabaho at maraming inaasikaso," ani pa ni Mike sabay iwas sa aking mga tingin sa kanya.

"Hindi eh, parang nag-iba kana talaga hindi kana tulad nang dati. Curious lang kasi ako," away tinitigan siya.

"It's none of your business Kristina. Okay?!" Palakas na boses na pagsabi ni Mike na halatang may kaka-ibang tono ang kaniyang pananalita.

Nagulat namang ako at nanlaki bigla ang aking mga mata dahil sa pagtaas kita ng kaniyang boses.

"I'm sorry, okay. I'm sorry_," sabay huminga ng malalim habang hindi mapakali ang kaniyang kamay sa paghawak ng tinidor.

"Gusto ko lang naman alamin kung bakit parang nag-iba kana Mike.

Concern lang naman ako baka kung na paano kana. Bigla ka na lang kasi nag-iba. Ano ba ang problema mo?" Mahinahon na pagsabi ko kay Mike habang nababahala sa kaniyang ikinikilos.

"Wala akong problema, okay? And please 'wag ka nang magtanong pa. Just eat your food."

"Kaibigan kita Mike and I care about you. Mahalaga ka sa buhay ko and I must know kung ayos ka lang ba talaga o sadyang may problema ka ngunit ayaw mo lang sabihin sa akin."

"You care about me but just a friend? Tama ka nga kaibigan lang," wika pa niya sabay pagtaas ng kaniyang mga kilay at paguko ng kaniyang ulo.

"What? Hindi kita maintindihan Mike. Pwedi bang sabihin mo sa aki_,"

Hindi na ako nakatapos ng aking sinasabi dahil sa biglaan na lamang na tumayo si Mike mula sa kaniyang kina-uupuan.

"Excuse me for a while," at umalis palabas ng Japanese restaurant.

"Mike wait_," tumayo ako at agad na sinundan siya palabas ng restaurant.

Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya at pagtawag ng kaniyang pangalan subalit hindi man lang siya lumilingon. Hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng Japanese restaurant.

"Mike can you please stop. Alam mo hindi kita maintindihan. Ano ba ang problema mo ha? Kausapin mo nga ako," palakas na boses na pagsabi ko kay Mike habang dahan-dahan na lumalakad papalapit sa kanya dahilan sa nakasuot ako ng 4 inches na sandal.

"Bumalik kana sa loob Kristina gusto kong mapag-isa. Kaya 'wag mo na akong sundan please lang," pakiusap pa ni Mike sa akin habang patuloy lang sa kaniyang paglalakad.

"Kausapin mo nga ako Mike paano tayo magkakaintindihan

Niyan kung hindi mo man lang ako kakausapin. Bakit ba ano ba talaga ang problema mo?

Biglang napahinto si Mike at nagsalita ng malakas na boses.

"Ikaw!"

"What? Ako bakit ako?" Pagtatakang tanong ko sabay napapaisip.

Agad siyang lumingon sa akin at tiningnan ako sa aking mukha.

"Oo ikaw Kristina. What the_. Ang bobo ko naman at nagkagusto ako sa isang tao na alam kong hindi naman pala pwedi.

"Mike?" Napatigil ako habang hindi mapakali sa kaniyang mga sinasabi.

"Oo kristina mahal kita. Weird no? Simulat simula pa lang minahal na kita. Sa akala kong may pag-asa ako sa iyo ngunit isang malaking pagkakamali lang pala. I love you Kristina gusto ko na sanang ipagtapat sa iyo noon pa lang na mahal kita ngunit wala akong lakas na loob na ipagtapat sa iyo itong nararamdam ko. Hihintayin lang sana kitang bumalik nang General Santos nang maipagtapat ko na sa iyo itong pag-ibig ko para sa iyo. Subalit huli na pala ako nagulat na lang ako ng sabihin mong may boyfriend kana na may laman na pala iyang puso mo, " emosyonal na pagsabi ni Mike sa akin sabay huminga ng malalim habang balisa sa kaniyang sarili.

Napatigil ako at naging speechless sa mga sinabi ni Mike sa akin kung kaya't natagalan pa bago ako nakapagsalita.

Mahalaga sa akin si Mike at napalapit na rin siya sa loob ko. Mahal ko rin siya ngunit kaibigan lang ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.

"Pero Miike," malungkot na pagkasabi ko sabay tinitigan siya. "Mahalaga ka sa akin at importante ka sa buhay ko. Pero Mike may boyfriend na ako at siya iyong matagal ko nang hinihintay and finally he came back. Ngayon lang ulit ako naging masaya ng ganito ng bumalik siya sa akin. I'm sorry Mike kong nabigo ka ng dahil sa akin. I'm sorry din kung nasaktan kita. But in the first place I have no idea that you're getting interested on me and it's to late dahil may mahal na akong iba. Alam kong_,"

"It's okay Kristina, alam ko namang hindi magbabago ang pagtingin mo sa akin. Alam kong hanggang kaibigan lang ang turing mo sa akin," wika pa ni Mike habang may lungkot na makikita sa kaniyang mukha.

"Mike. Alam mo namang_,"

"Tanggap ko Kristina. Kahit masakit tatanggapin ko. And anyway ang swerte niya naman. Sana lang ay hindi ka niya sakyan."

"I'm sorry Mike, hindi ko alam ang gagawin ko subalit nagmahal lamang ako. At hindi ko makakaya na masira ang pagkakaibigan nating dalawa dahil lang sa bagay na ito,"

"You don't need to say sorry in the first place wala ka namang nagawang kasalanan. Ako lang naman itong kusang na in love sa iyo. Ang mali ko lang ay naging assuming ako, pero okay na. Masaya na ako makita lang kitang masaya," wika pa ni Mike habang damang-dama ko ang sakit at bigat na naramdaman niyan sa kaniyang puso.

"Can we still be friends Mike?" Bigla na lamang akong naging emosyonal kaya't hindi ko napigilan ang mapaluha habang tinatanong ang salita na ito sa kanya.