Chapter 47
Napahinto mamang si Mike at tiningnan ako ng matiim. "Umiiyak ka ba Kristina?"
"Ikaw kasi eh," sabay pahid ng tissue sa aking lumuluhang mata.
Natigilan si Mike at tila napapaisip.
"Halika nga rito. Payakap nga,"
Agad akong lumapit sa kanya at walang alinlangan na niyakap siya nang mahigpit.
"Hindi man humantong ang pagkakaibigan natin sa pagmamahalan ngunit mananatili ka pa rin sa puso ko Kristina. Kahit na magkaibigan lang tayo ay tatanggapin ko basta hindi lang mawala ang ating pinagsamahan dalawa," sabay niyakap ako ng mahigpit.
"Ikaw talaga Mike oh. Makakita ka rin ng babaeng mamahalin mo at mamahalin ka ng sobra 'yung babaeng deserving para sa'yo . Maghintay ka lang at darating din iyon," mahinahong pagsabi ko sa kanya sabay pagsandal ng aking mukha sa kaniyang balikat.
"Well sana nga,"
"'Wag kang mag-alala bukas na bukas hahanapan kita," biro ko pa sa kanya sabay tawag ng kunti.
"Nagbiro ka pa talaga," at napatawa na lang din siya.
"Totoo naman ah,"
"Basta kapag nalamang kong niloko ka ng boyfriend mo ako talaga ang makakalaban niya!" Saad pa niyan sabay pagtaas ng kaniyang mga kilay.
"Loko hindi ako lolokohin nun," wika ko sabay napatawa.
"Ah basta gagawin ko talaga iyon oras na malaman ko. Ang swerte-swerte niya na kaya sa'yo. So, dapat lang na hindi ka niya sasaktan o 'di kaya lolokohin dapat maging good boy siya,"
"Ano ka ba good boy iyon kaya 'wag kang mag-alala. Hindi ako sasaktan nu'n,"
Nu'ng gabing iyon ay napawi rin ang sakit na nararamdaman ni Mike at lungkot sa kanyang puso.
Kahit bigo man si Mike sa naging pag-ibig niya sa akin subalit mananatili pa rin sa isat-isa ang pagkakaibigan namin dalawa.
Ilang araw na lang at magtatapos na ang buwan nang January. Excited ako sa pagdating ng buwan nang February dahil sa unang linggo nito ay pupunta na rito si Troy sa General Santos, diritso sa bahay ko.
February 1, 7 o'clock in the evening.
Sa bahay habang kumakain ako ng hapunan ng biglang tumawag sa akin si Troy sa telepono.
"Hi love how are you?" Kausap sa ibang linya.
"Hell love ayos lang naman ikaw ba?
"Ayos lang din, ito kumakain ako ngayon"
"Tataba ka na niyan sege ka,"
"Sexy pa din naman kahit among lamon," sabay tumawa.
"I miss you love"
" I miss you too love, kailan ka na ba rito pupunta? February 1 na ngayon akala ko ba ay pagkatapos ng buwan ng January ay pupunta kana rito?"
"May inaasikaso pa kasi love . Pupunta naman ako diyan maghintay ka lang at malapit na talaga."
"Sanay naman ako pagdating sa hinatayan eh,"
"Basta pupunta ako diyan kunting tiis na lang at magkikita na rin tayo. I can't wait to hug you and kiss your lips."
"Ayyeee can't wait for that"
"Sege love pupunta pa ako ng Pilot Office, tatawagan na lang kita mamaya pagkauwi ko ng bahay, okay?"
"Okay love mag-ingat ka bye"
"Bye love I love you"
"I love you too love"
Call ended
Ilang sandali lang ng pag-uusap namin ni Troy ay tumawag naman ang kaibigan kong si Annabelle na nasa London.
"Oh hi to my friend from London, napatawag ka ha,"
"Hi Kristina kamusta kana diyan na mi-miss na kita,"
"Ito okay lang naman ikaw ba diyan?"
"Well as usual okay lang din,"
"Mabuti naman kung ganoon . Napatawag ka yata, good news ba iyang pagtawag mo o makiki-cheka ka lang mmm?"
"Talaga 'to, tatanungin lang naman kita kung ayos na ba iyong mga papeles na pinapaasikaso ko sa'yo diyan para sa pagtatrabaho mo rito sa London. Kasi ayos na, I mean may good news pala ako sa iyo na approved na 'yung pag-apply mo rito sa hospital na pinapasukan ko. Check mo nga 'yung application mo diyan. And anytime pwedi ka nang mag-taravel papunta rito. My God Kristina God is good all the time," masayang pagsabi ni Annabelle sa akin na halatang nagagalak na din siyang makasama ako sa trabaho.
Napahinto ako sa pagkain at tila hindi ko maintindihan ang saya na aking naramdaman ngayon."Oh my God! Really, I mean totoo ba iyan? Can't believe this!"
"Yes Kristina, kaya kailangan tapusin mo na iyang pag comply mo ng mga requirements mo a soon as possible at pag-aasikaso ng mga papeles mo diyan. Nang sa ganoon ay makapunta kana rito at nang mag mkasama na rin tayong dalawa sa wakas,"
"Oh thanks God dininig niya talaga ang mga dalangin ko sa kanya," sabay napapikit ng aking mga mata. "'Wag kang mag-alala at matatapos ko rin ito. Maybe in the end of this February month makakapunta na ako diyan.
See you London woohh!" Sabay pagtalon talon sa sobrang tuwa at excitement.
"Wooohh can't wait here,"
Dininig nga ng diyos ang panalangin ko sa kanya na makapagtrabaho ako sa London, bukod sa matagal ko nang pinapangarap ang makapunta nang London ay gusto ko talagang makapagtrabaho doon sapagkat malaki ang sweldo, triple kumpara rito sa Pilipinas.
Kinabukasan araw nang Lunes.
Ay maaga akong pumasok ng trabaho sapagkat maraming tatapusin at aasikasuhin.
Mag-aalas kwatro na nang hapon nang mag-break time kami.
Habang nasa canteen ako kumakain kasama ang mga ka work mate ko ay may nakita akong kahina-hinalang kilos ng isang babae na siyang papasok sa loob nang canteen.
May dala itong isang malaking bouquet ng bulaklak at isang basket na puno ng mga prutas at chocolates.
Agaw pansin ng lahat ang babae sapagkat nakakainggit itong tignan dahil sa mga dala nitong nakakaantig ng puso kung titignan. Tila siguro ay bigay ito ng boyfriend niya para sa kanya.
Mayamaya pa habang umiinom ako ng pineapple juice ay tila nagtaka ako at napaisip kung bakit parang papalapit sa akin ang babae.
Nagtaka rin ang mga kasamahan ko sa mesa nang mapansin nilang sa amin ang dereksyon at punta ng babae.
"Saan kaya siya pupunta bakit parang tila papunta siya papalapit sa atin? Pagtatakang anong ng work mate ko.
Mayamaya pa ay palapit na nang palapit ang babae sa amin at mismo sa aking harapan siya huminto.