Chapter 45
Nang makalabas ako ng restaurant ay agad kong sinagot ang tawag ni Troy at tsaka kinausap siya sa cellphone.
Dahil sa puros glass ang paligid nang restaurant na pinasukan namin ay makikita ako ni Mike kung anong magiging kilos ko at reaskyon habang nakikipag-usap sa cellphone.
Tila napansin ako ni Mike na masaya at nakangiti habang nakikipag-usap sa cellphone.
Mayamaya lang ay bumalik na ako sa loob ng restaurant matapos ang usapan namin ni Troy.
"Pasensya kana Mike ha, napatagal yata ako sa labas," sabi ko kay Mike sabay umupo sa upuan at lapag ng cellphone sa mesa.
"Ah hindi naman. Um, sino ba ang kausap mo sa phone? Mommy mo or Daddy mo?" Pagtatakang tanong ni Mike sabay pahid ng tissue sa bibig niya.
"Ah hindi," maikling sabi ko sabay inilagay sa aking bag ang phone ko.
"Ah eh sino ba? Anyway Kristina may sasabihin sana ako sa iyo actually matagal ko na sanag sabihin sa iyo ito na ma_," biglang napahinto at napatigil ang pagsasalita ni Mike ng bigla akong sumulpot.
"Si Troy ang boyfriend ko. Siya 'yung kausap ko kanina sa phone.
Tila parang natigilan at nabingi si Mike sa biglaang pagsabi ko sa kanya ng salitang iyon. Lalo pa at ipinakilala ko sa kanya na boyfriend ko ang naging kausap ko kanina sa phone.
Ito na rin sana ang araw na magtapat siya ng kaniyang pag-ibig sa akin subalit hindi na lamang na tuloy dahil sa kaniyang nalaman.
Simulat simula pa lang kasi ay nahulog na ang loob ni Mike sa akin. Matagal na sana siyang nagpa-plano na magtapat ng pag-ibig niya sa akin ngunit hindi niya magawa sapagkat wala pa siyang lakas ng loob o sapat na loob para sabihin ito sa akin.
Hinihintay lang naman sana ni Mike ang pagbalik ko rito sa General Santos upang magawa niya na ang ipagtapat na sa akin ang matagal na niyang pag-ibig na noon pa niya naramdaman sa akin. Ngunit nabigo lamang siya sa kaniyang pagbabalak na magtapat ng pag-ibig sa akin nang marinig niya ang aking sinabi at huli na siya upang magtapat pa ng pag-ibig niya sa akin dahil mayroon ng laman itong puso ko.
"Oh Mike bakit parang napatigil ka?" Pagtatakang tanong ko sa kanya habang tinitigan siya mula sa kaniyang pagkatulala.
Natagalan pa bag'o muling nakapagsalita si Mike.
"Ah wala. Anyway congrats pala," ani pa ni Mike habang palihim na nasasaktan sa kaniyang nalaman subalit patuloy lamang siya sa pag-ngiti sa aking harapan habang palihim na nahihirapan.
"Ah ganoon ba, oy salamat ha. Alam mo hindi nga ako makapaniwala na ang taong kinamumuhian ko noon ay magiging boyfriend ko pala ngayon. But I'm thankful to have him in my life," wika ko pa habang may makikitang saya at kilig sa aking reaksyon at pagkilos.
"Ganoon ba. Ang swerte niya naman," mahinang boses na pagsabi ni Mike sabay huminga ng malalim at tsaka uminom ng tubig.
"Teka nga pala ano pala ang sasabihin mo sa akin?" Tanong ko sa kanya habang humihiwa ang steak.
"Ah wala nevermind nakalimutan ko na at hindi naman iyon importante. Sege tapusin mo na iyalang pagkain mo at nang makauwi na tayo," ani pa ni Mike habang pinipigilan lamang ang sakit na kaniyang nadarama ngayon.
Matapos ang dinner namin ni Mike ay agad niya akong inihatid sa bahay ko.
Pagakatapos ay dumiritso na rin siya pauwi sa kanilang bagay.
Habang bumabyahe si Mike pauwi sa kanila ay bigla-bigla na lamang mapatudlo ang kaniyang mga luha dahilan sa sakit na kaniyang nadarama ng malaman niya at matuklasan na mayroon na pala akong boyfriend at iyon ay si Troy.
Hindi na naiwasan pa ni Mike ang hindi maging emosyonal sapagkat hindi niya maitatanggi o maikakaila sa kaniyang sarili na siya ay lubos na nasaktan lalo pa at minsang niyo na akong minahal at inibig ng totoo.
Hindi niya akalain na masasaktan siya ng ganito dahil lamang sa kaniyang nalaman at natuklasan.
"I can't believe na masasaktan pala ako ng ganito. I can't imagine na magiging bigo na naman ako at magiging sawi sa pangalawa kong pag-ibig. Why Kristina?! Sinaktan mo ako ng sobra. I love you very much subalit huli na pala ang lahat at malalaman ko na lang na may boyfriend kana," bulong ni Mike sa kaniyang sarili habang emosyonal at patuloy sa pag-iyak.
Ilang araw ang nagdaan ay napapansin kong malimit na akong yayain ni Mike kumain sa labas at gumala. Napansin ko rin na parang bigla-bigla nalang siya nagbago.
Malimit niya na din akong tawagan at at daanan sa trabaho.
At kapag magkakasama nman kami ay parang nabawasan ang pagiging madaldal niiya at malimit niya na din akong kausapin hindi kagaya noong dati.
Tila parang nag-iba na yata ang pakikitungo niya sa akin sa hindi ko man lang malaman na dahilan kung bakit.
Ibang iba na talaga si mike nagbago siya bigla hindi na siya kagaya nu'ng dati na isang madaldal at masayahing tao.
Subalit hindi ko iyon pinnasin at inisipan ng iba dahil baka nagkataon lang na may problema siya.
Isang araw, January 25 kung san day off ko at niyaya ko si Mike na kumain sa labas.
Ako na ang nagyayaya sa kanya hindi noong dati na siya talaga itong unang nagyayaya sa akin.
Pilit ko talagang niyaya siya para lang pumayag siya ng sa ganoon ay makausap ko siya ng mabuti at matanong ko siya kunng bakit bigla-bigla na lang siyang nag-iba at nagbago ng pakikitungo sa akin.
Dahil hindi ko na talaga carry na nagkakaganito kami lalo pa at nalalapit na rin ang loob ko sa kanya.
Tinawagan ko siya nang araw na iyon at nagkausap kai sa phone. Sa tagal ng pamimilit ko sa kanya ay pumayag din ito.
Gabi iyon ng lumabas kami ni Mike at bago 'yun ay tinawagan ko muna si Troy upang magpaalam na may lalakarin ako ngayong gabi. Hindi ko na binanggit sa kanya kung sino ang makakasama ko para iwas na sa away.