Chapter 44

Unlike before na parang magkaibigan lang talaga ang turingan namin sa isat-isa even though may nangyayari na sa amin.

Subalit ngayon ay pakiramdam ko ay parang mag-asawa kami sa sobrang lapit namin sa isat-isa. Wala na kaming hiyang nararamdaman kahit pa sabihin nating hubot-hubad kami minsang nag-uusap.

Na-realize ko na mas naging maganda ang naging mag-on kami ni Troy kesa sa naging mag friends with benefits lang.

Year 2021 January 4 araw kung saan lilipad na ako pabalik nang General Santos.

Hinatid ako ni Troy sa Airport.

Sa bahay na lang ako nagpaalam sa Mom at Dad ko na aalis ako. Hindi na sila sumama sa akin sa airport ay dahil sa may trabaho sila pareho nu'ng araw na iyon. Ipinagkatiwala na lamang nila ako sa boyfriend kong si Troy.

Sa Airport kung saan ilang minuto na lang ay magsisimula na ang flight ko.

"Ma mi-miss kita love," malungkot na pagsabi ni Troy sa akin.

"Ma mi-miss din kita love. Susunod ka lang din naman sa akin doon sa General Santos yon nga lang sa susunod na buwan ka pa makakapunta roon.

"Kaya nga matagal pa iyang isang buwan. Hindi ko pa kasi kailangang iwan si Lolo at isa pa marami pa akong aasikasuhin dito sa Laguna para sa pagbabalik tranho ko. Hayy magmumukmok na naman ako nito sa bahay," ani oa ni Troy habang may lungkot sa kaniyang mukha na makikita.

"Ano ka ba, 'wag kang mag-alala dahil araw gabi tayong magtatawagan. Ako rin naman ah nasanay kasi ako na kasama ka palagi. Kaya malamang malulungkot ako nito dahil hindi kita makakasama ng isang buwan," wika ko sabay tingin sa aking dalang malita.

"Ako rin love 'wag ka na lang siguro umalis," ani oa ni Troy na tila seryoso sa kaniyang pagkasabi.

"Baliw may trabaho na ako bukas. 'Wag kang mag-alala malayo man ako andito ka naman sa puso at isipan ko. At ano ba iyan parang hindi na tayo magkikita ha," napatawa na lamang ako.

Napatawa na lang man din si Troy.

"Susundan naman kita doon eh. Mag-ingat ka palagi love ha. Palagi mong tandaan na mahal na mahal kita at hindi kita ipagpapalit sa kahit kaninong babae," ani pa ni Troy sabay hinalikan ako sa labi.

"Ang sweet naman ng love ko," sabay hinalikan ko siya sa kaniyang noo.

"Aalis kana talaga," habang hinahawakan ang aking kanang kamay.

"Oo love, sege na at hindi na ako magtatagal baka maiwan ako ng flight ko mag-ingat ka palagi rto ha. Umuwi ka agad pagka-alis ko. I love you so much," tugon ko pa sa kanya sabay niyakap siya ng mahigpit.

"I love you so much. Sege na baka maiwan ka pa ng eroplano," sabay niyakap baki ng mahigpit at hinalikan sa labi at noo.

"Bye love take care always," unti-unti na akong umalis sakay ng escalator.

"Bye love, tawagan mo agad ako pagdating mo nang General Santos ha," palakas na boses ni Troy habang panay blang sa pagkaway kaway sa akin.

"Yes love see you soon," sabay kinawayan siya habang paakyat sakay ng escalator.

Lumipad na ako patungong General Santos at ganoon din si Troy ay umalis na pauwi sa kanilang bahay.

Habang sumasakay ako ng eroplano ay tinitignan ko ang mga katawan namin ni Troy na magkasama. Agad-agad ko din siyang na miss.

Kapag nasanay kana pala na araw-araw mong kasama ang taong mahal mo ay parang ayaw mo na itong mawalay sa iyo.

Masarap pala sa pakiramdam ang may minamahal at nagmamahal.

Pagdating ko nang General Santos ay balik trabaho naman. Sumagil din sa isipan ko si Mike na siyang naghihintay sa aking pagbabalik.

Gabi-gabi kaming nag-uusap ni Troy sa telepono pagkatapos ng trabaho ko. Kahit papaano ay naibsan ang pangungulila namin sa isat-isa ni Troy.

Araw nang Merkules noon kung saan pauwi na ako sa bahay galing trabaho.

Naghihintay ako ng taxi sa daan ng mayamaya lang ay may humintong sasakyan sa aking harapan.

Pagkabukas ng pintuan ng sasakyan ay tumambad agad sa aking harapan si Mike na mayroong malaking saya at tuwa sa kaniyang mukha na makikita.

"Mike ikaw ba iyan?" Matiim na tinitigan si Mike.

"Hi Kristina long time no see," wika pa ni Mike sabay ngumiti sa akin.

"Ikaw nga, kamusta kana," malakas na boses na pagsabi ko habang natuwa nang makita ko sita.

"Well, ito okay lang naman ikaw ba?" Pangiting sabi pa niya sabay bumaba ng kaniyang sasakyan at lumapit sa akin.

"Ayos lang din naman. Saan ka ba nanggaling?" Tanong ko pa sa kanya

"May pinuntahan lang ako. Siguro mamaya na natin pagpatuloy ang pag-uusap natin. By the way pwedi ka ba ngayon ? Yayain sana kitang kuamin sa labas kung gusto mo," paanyaya pa ni Mike sa akin sabay hawak sa kaniyang bulsa.

"Ha ah eh, Uuwe na kasi ako Mike," ani ko sabay kamot sa aking ulo habang napapaisip kung papayag ba ako sa paanyaya niya sa akin.

"Ihahatid kita pauwi pagkatapos nating mag-dinner sa labas,"

"Ah eh_,"

"Sege na naman oh 'di mo ba ako pagbibigyan. Sabi mo pa sa akin noon na lalabas tayo pagkabalik mo rito," pamimilit pa ni Mike sa akin.

"Ah oo nga no. Um, sege na nga pero hindi lang tayo magtatagal ha kasi marami pa akong gagawin mamaya," sabi ko sa kanya sabay kamot sa aking ulo.

Pinagbigyan ko na lang si Mike sa kaniyang paanyaya sa akin. Kahit na ayaw ko dahil baka pagmalaman ito ni Troy ay maging dahilan pa ito ng away namin.

Habang kumain kami ni Mike sa Restaurant.

"Siguro ay masaya ang bakasyon mo roon sa inyo,"

"Oo nga masaya talaga,"

Habang patuloy kami sa aming pag-uusap ni Mike ng bigla-bigla namang tumawag si Troy sa akin.

Nang marinig ni Mike na tila tumutunog ang aking cellphone.

"I think someone's calling on your phone Kristina,"

Napahinto naman ako sa pagkain at pinakinggan mabuti ang tunog.

"Oo nga nu, wait lang ha maiwan mo na kita at kakausapin ko lang itong tumawag. Excuse me," sabay pahid ng tissue sa aking bibig tsaka kuha ng aking cellphone sa bag at lumabas nang Restaurant