Chapter 43

"Um, siguro. Pero iwan ko lang kung napapansin niya ako," sabay huminga ng malalim.

"Bakit naman?" Tanong ko pa sa kanya habang nagkukunwari na walang alam sa kaniyang tinutukoy na tao.

Huminga ulit ng malalim si Troy habang kumukuha ng bwelo sa kaniyang sasabihin sa akin.

"Mahal ko na siya Kristina at nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Actually, hindi pa talaga kami lubusang magkakilala subalit sa pakiramdam ko ay matagal na matagal na kaming magkakilala. Close na nga kami sa isat-isa," paliwanag pa ni Troy habang idinidiin na sana ay makuha ko ang punto niya.

"Mabuti naman kung sa ganoon. E 'di ligawan mo na siya bag pa iyan makuha ng iba," ani ko pa sabay lunok ng laway.

Napatil siya at natagalan bago pa siya makapagsalita muli. "Pwedi ba kitang ligawan?" Palakas na boses na pagsabi ni Troy sabay titig sa aking mukha.

Napatigil ako at nagulat sa naging sinabi ni Troy. "Ha? Ah loko ka talaga Troy dinadala mo pa ako sa mga biro mong iyan tumigil ka nga diyan," wika ko sabay napatawa ng kunti na halatang napipilitan lang.

"Totoo kristina. Hindi ako nagbibiro. Naiisip ko kasi na ang saya natin sa isat-isa at panatag ang loob ko kapag kasama kita. Masaya ako pag kasama ka at pakiramdam ko ay tumataba itong puso ko kapag nasa tabi kita. Ayokong may nagaganap sa pagitan natin na wala man lang tayong label at ugnayan sa isat-isa. Mahal na kita Kristina nahulog na ang loob ko sa'yo. I love you Kristina," wika pa ni Troy sabay hinawakan ang aking dalawang kamay habang matiim akong tinititigan.

Napahinto naman ako habang napapaisip sa aking sasabihin sa sinabi niya. "Baka nagkamali ka lang ng taong sinabihan mo niyan Troy," ani ko pa sabay dahan-dahan na inaalis ang aking kamay mula sa kaniyang pagkahawak.

"Look at me Kristina,"sabay hawak sa aking mukha.

"Sandali lang Troy. Gustuhin ko man subalit ayaw ko," malakas na boses na pagkasabi ko sabay dumistansya sa kanya ng kunti.

"What? Bakit ? Ayaw mo ba sa akin Kristina?" Gulat na tanong ni Troy habang nabigla sa aking naging sabi sa kanya.

Tumayo ako habang napapaisip ng husto kasabay ng paghawak sa aking noo. "You know Troy. Hindi pa natin lubusang kilala ang isat-sa hindi mo pa ako kilala at mas lalong hindi pa kita kilala. Although marami na tayong bonding together at kilala mo na 'yung family side ko at nakilala ko na rin 'yung lolo mo subalit hindi pa iyon sapat para sabihin nating magkakilala na nga tayo. Minsan na akong nasaktan at ayoko ng maulit pa iyon Troy," paliwanag ko pa sa kanya sabay huminga ng malalim.

Agad tumayo si Troy at hinawakan ang aking kamay. "Mahal kita Kristina maniwala ka sa akin. Nagawa ko man noong saktan ka at iwan ka ngunit alam kong malaking pagkakamali iyon at pinagsisihan ko kung bakit ko ginawa iyon sa iyo. And I told you this how many times. Ilang ulit ko pa ba dapat sabihin sa iyo na pinagsisihan ko na ang nagawa ko noon sa iyo.

Bumalik ako rito para hanapin ka Kristina at para humingi ng sorry sa mga maling nagawa ko sa iyo," paliwanag pa ni Troy sabay pagtaas ng kaniyang boses.

"Nasaktan nga ako ng umalis ka Troy. Wala nga tayong relasyon even small label and yes aksidente lang ang nangyari sa atin noon but I realize and I found out na makabuluhan sa akin ang nangyari sa atin noon. Nasaktan ako dahil_,"

"I'm sorry Kristina! Hindi ko akalain na hahantong ang lahat ng iyon sa ganito."

"Nasaktan ako dahil ibinigay ko ang sarili ko sa iyo Troy. Alam mo na ikaw 'yung kauna-unahang taong nakagalaw sa akin and_," biglang naputol ang aking pagsasalita dahil sa biglang sumulpot si Troy.

"Tama na Kristina. Alam ko lahat ng iyon and I came here para ipagpapatuloy natin ang ating sinimulan," sabay hawak sa aking braso.

"Ayaw ko ng masaktan pa Troy please," mahinang boses na pagsabi ko habang may lungkot ang tono ng aking pagsasalita.

"Trust me Kristina, please give me a second chance para ma patunayan ko sa iyo na karapat dapat ako para sa iyo. Papatunayan ko sa iyo iyan at itatama ko ang naging pagkakamali ko sa iyo noon," sabay titig sa aking mga mata.

"Matagal na kitang mahal Troy. Una pa lang ay minahal na kita,"

Bigka akong niyakap ni Troy ng mahigpit sabay paghalik sa aking noo.

"I love you Kristina. Promise mamahalin kita alagaan at hinding hindi kita sasaktan just what you think. Tandaan mo mawalay man ako sa tabi mo subalit hinding hindi kita ipagpapalit sa iba kahit kailan," paliwanag pa ni Troy na halatang mula sa puso ang kaniyang pagsabi nito sa akin.

"Magtitiwala ako sa iyo Troy," maikling sabi ko sabay hinawakan siya sa kaniyang likod.

Sabay na nagyakapan at naghalikan kaming dalawa ni Troy sa gitna ng malamig na pasko.

Natapos na ang pasko at dumaan na rin ang pagsapit ng bagong taon.

Pero bago ang lahat ng iyon year 2020 December 31 ay naging officially in a relationship kami ni Troy. Doon nagsimula na magbago ang lahat sa pagitan naming dalawa ni Troy.

Kahit na ilang araw na lang ang natitira ko rito sa Laguna ay ginugol talaga Nmnamin ni Troy ang oras at panahon na magkasama kami.

Araw-araw siyang dumadalaw sa bahay at nagdadala ng mga chocolates prutas at bulaklak sa akin.

Naging legal din agad kami ni Troy sa Mommy at Daddy ko ganoon din sa lolo niya. Subalit sa aking pagkaka-alam ay hindi pa alam ng pamilya ni Troy sa Canada ang patungkol sa aming relasyon dalawa.

Pagsapit naman nang gabi ay lumalabas kami ni Troy para gumala at kumain sa labas. Pagkatapos ay diritso sa bahay nila kung saan doon na kami maglalambingan pariho magyayakapan at maghahalikan. In short gabi gabing may nangyayari sa amin ni Troy mismo sa kaniyang kwarto.

Super close agad kami ni Troy kahit na sabihin natin na days pa lang kami nagsimulang mag-on.