Chapter 42

Napangiti naman si Troy habang napakamot sa kaniyang noo.

"Actually pinag-iisipan pa namin iyon lolo," ani pa ni Troy sabay tingin sa akin.

Nagulat naman ako at nagtaka sa naging sabi ni Troy. "Haa? Ah eh_,"

"Hindi ba Kristina?"Sabay pa kindat ng mga mata ni Troy habang nakakagat labi.

Napataas naman ang aking mga kilay at napapansin na sabayan na lang din ang sinabi ni Troy. "Ah oo nga po lolo siguro matagal tagal pa. Kailangan pa po kasing mag-ipon at tsaka pagplanohan ng mabuti," sagot ko namn sa sinabi ni Troy sabay ngumiti ng kunti habang hindi nagpapahalata sa lolo niya na sinasabayan ko lang ang sinabi ni Troy.

"Mag-ipon? Eh marami naman iyang naipon si Troy ang apo ko. Kayang kaya ka naman niyang buhayin. Kaya niya ng bumukod ng isang pamilya kahit na nga apat-apat pa ang magiging anak niyo. Masaya iyon maraming anak, marami rin akong apo," sambit naman ni Lolo Jack na halatang seryoso sa mga sinabi niya.

"Nako, parang napasobra naman po yata iyan lolo," palakas na boses na pagsabi ko dahil sa pagkagulat sabay lunok ng aking laway.

"Abay ganyan dapat, gusto ko kasi maraming apo at gusto ko bago ako mamatay ay maraming mga apo ang makikita ko," ani pa ni lolo sabay napapaisip ng husto.

"Lolo naman ano ba 'yang sinasabi niyo," wika ko sabay tinitigan si lolo.

"Darating din iyan lolo gusto mo ba talaga ng maraming apo? Abay ibibigay ko sa iyo iyan," palakas na boses na pagkasabi ni Troy na tila seryoso ang kaniyang pagkasabi.

"Nako talagang pinapangarap ko iyan. Kailan ba ha?" Seryosong tanong pa ni lolo Jack.

"Maghintay lang po kayo ng kunti lolo. Eh magpapakasal pa nga kami ni Kristina," sabay akbay ni Troy sa aking balikat.

"Kasal? Abay magpakasal na kayo bukas na bukas din,"

Napangiti na lang ako at hindi na umimik pa dahil tila lumalalim na ang mga salitang binibitawan ni Lolo Jack.

"Ang aga naman po yata lolo. Pinaplanohan pa kasi namin ng mabuti iyan ni Kristina. Siguro malayo pa dahil pareho kasi kaming abala sa trabaho ni Kristina lalo na po siya lolo. Kaya kailangan pa po talaga ng mahabang panahon para sa pagpapakasal namin. Subalit 'wag po kayong mag-alala dahil mabibigyan ko talaga kayo ng apo sa tamang panahon," paliwanag pa ni Troy sabay huminga ng malalim habang nakangiting tumitingin sa kaniyang lolo.

"Oo nga po lolo kailangan pa talaga ng medyo mahaba pang panahon," ani ko pa sabay pagtaas ng aking dalawang kilay.

"Eh kailangan pa ba iyan ha? Baka naman uugod-ugod na ako sa tanda o 'di kaya nakahilata na lang sa kama bago niyo ako mabigyan ng apo sa tuhod ha," sambit pa ni lolo Jack sabay pinag-cross ang magkabilang braso.

"Lolo naman talaga oh. Eh ang tibay-tibay niyo pa nga oh at ang lakas niyo pa kaya, wika pa ni Troy sabay lumapit sa kaniyang kina-uupuan at hinawakan sa kaniyang ulo.

"Hay sana nga. 'Di katulad ng Daddy mo hindi na hiya man lang naabutan ang magiging apo niya sa'yo. Sayang lang naman at napakalungkot isipin. Naalala ko tuloy ang Daddy mo," sabay huminga nang malalim habang mayroong lungkot na makikita sa kaniyang mukha dulot sa labis na pangungulila sa kaniyang anak na Daddy ni Troy.

"'Wag mo ng problemahin si Daddy lolo. Alam kong masaya na iya kung na saan man siya ngayon at natitiyak kong palagi kita tayong binabantayan kahit na hindi man natin siya nakikita," sabi pa ni Troy sabay ngumiti kahit halatang mayroong lungkot sa kaniyang puso na nadarama.

"Sabagay nga iho. Osya total ginagabi na kumain muna taayo ng mainit pa ang mga pinaluto ko,"

Sabay kaming tatlong kumain ng hapunan ni Troy at lolo niya. Kasabay ng masarap na usapan sa masarap na hapag kainan.

Matapos namin kumain ni Troy ay pumunta kami sa labas ng bahay nila habang nakaupo lang sa kanilang hardin malapit sa Christmas tree na kinatatayuan.

Masayang nag-uusap at nagku-kwentuhan sa isat-isa.

"Kay lamig nga talaga nang pasko. Alam mo Troy magandang tambayan dito sa inyo lalo na pag gabi," wika ko sabay huminga ng malalim.

"Kaya nga rito ako palaging tumatambay umag at gabi kong wala akong gagawin," ani pa ni Troy sabay tingin sa paligid.

"Ang ganda naman kasi at marami pa kayong mga tanim na bulaklak. Kay ganda tignan,"

Pasaya at pasarap ang usapan namin ni Troy hanggang sa napunta ang usapan namin patungkol sa pag-ibig.

"Um, bakit nga ba wala ka pang boyfriend Kristina?" Pag-aalinlangan na tanong ni Troy sa akin habang napapaisip at nagtataka.

"Anong tanong naman iyan?" Gulat na tanong ko sabay napatawa.

"Seryoso ako sa tanong ko sa iyo bakit nga ba?" Sabay titig sa akin na halatang seryoso sa kaniyang tanong sa akin.

Napalunok ako ng laway. "Ah eh, simple lang dahil hindi ko pa siguro na hanap 'yung lalaking para sa akin 'yung magmamahal ng tapat at totoo sa akin," mahinang boses na pagsabi ko sabay pagkagat ng aking mga labi.

"Eh ikaw ba?" Dagdag ko pa sabay tinitigan siya habang napapaisip.

"Ah ganoon ba? Um, well iwan ko ba kung nakita ko na siya," maikling sagot niya sabay balin ang tingin sa Christmas Tree.

"Bakit ganyan naman ang naging sagot mo?" Pag-aalinlangan na tanong ko sa kanya

"Siguro nahanap ko na siya at baka nga siguro nasa harapan ko lang siya," ani oa ni Troy habang dahan-dahan na tinitingnan ako.

Nabigla ako at nagulat sa sinabi ni Troy. Sumagil agad sa isipan ko na baka ako itong tinutukoy niya.

"Alam kong nahulog na ang loob ko sa'yo Troy ngunit pinipigilan ko lang ang sarili kong bumigay sa'yo baka sa huli ay masaktan lang ako kagaya nu'ng dati, " bulong ko sa aking sarili habang napapaisip ng husto.

"Kristina, ayos ka lang ba? Bakit bigla kang natahimik diyan?" Pagatatakang tanong ni Troy na halatang napapaisip.

"Ha? Ah wala may naisip lang ako. Um, mabuti naman kung gayon na nahanap mo na siya. Eh 'di hindi kana mahihirapan na hanapin ang the one mo," mahinang boses na pagsabi ko sabay iwas sa kaniyang pagtitig sa akin.