Chapter 41
"Um, Mom, Dad nandito na pala si Troy sinusundo niya na ako. Nandoon po siya sa labas ng gate saglit lang po at papuntahin ko siya rito.
Agad ko namang pinapasok si Try sa loob ng bahay namin upang pormal niya akong ipagpaalam sa magulang ko na pumunta sa bahay nila.
"Magandang gabi po Tito at Tita. Nais ko po sanang yayain si Kristina na pumunta sa bahay namin ng sa ganoon ay mapakilala ko po siya sa aking lolo. Ako po ang mananagot sa lahat oras na may mangyari sa kanya," saad pa ni Troy sa aking mga magulang na halatang pinaghandaan ang kaniyang pagpapaalam sa kanila patungkol sa kaniyang pagyaya sa akin na pumunta ng bahay nila.
Napaka-gentleman ni Troy ng kausapin niya ang mga magulang ko ng gabing iyon.
"Kung ganyan ba dapat ay walang problema. Total iho parang naging matalik na nga kayong magkaibigan ng anak ko ay papayagan ko siya na pumunta sa inyo. Kilala kana naman namin at alam kong mapagkakatiwalaan ka," wika pa ni Daddy na halatang malaki ang tiwala kay Troy.
"Daddy naman I'm already 25 . Para naman yata akong teenager diyan sa mga sinasabi mo," sambit ko pa sabay tumawa habang napakamot sa aking ulo.
"But you still our baby," pangiting sabi pa ni Dad.
"Syempre anak hindi mawawala sa amin nang Daddy mo ang mag-alala. Papayagan ka naman namin kahit saan ka pupunta. You are now independent woman at kailangan mo na talagang e-explore ang sarili mo," sambit pa ni Mommy.
"Tama nga naman. Actually sa mga ganyang edad ay hindi na kailangan magdala pa ng tao para may iharap na magpaalam sa magulang. Pero gusto ko 'yang ginawa mo Troy napaka-gentleman mo," paliwanag pa ni Dad sabay ngumiti kay Troy.
"Salamat po Tito gusto ko lang po kasi ipagpaalam sa inyo na hindi niyo na kailangan pa na mag-alala dahil na sa mabuting kamay po ang anak niyo," ani pa ni Troy sabay tingin sa akin habang may malaking ngiti sa labi.
"Oh I really love that word,"
"Alam ko naman na nasa mabuting kamay ako Troy. Sana tamang tao ka rin kung sakaling mahulog na talaga ako ng tuluyan sa'yo," bulong ko sa sarili sabay napapaisip ng husto.
"Oh sege na umalis na kayo habang maaga pa nang maka-spend time together kayong dalawa. Have fun and enjoy the new year. Anyway Happy New year Troy and also to your family," wika pa ni Dad sabay kapkap sa kaniyang balikat.
"Happy New Year din po sa inyo Tito at Tita Godbless po sa inyo," sabi naman ni Troy sabay ngumiti sa kanilang dalawa.
"Of course ganoon din sa'yo iho," sambit naman ni Mom.
Paano po Mom, Dad hind na kami magtatagal at aalis na kami ni Troy papunta sa kanila.
"Oh sege sweetie mag-ingat kayong dalawa.
"Um, Troy iho? Ikaw na ang bahala sa anak namin. Keep safe always.
"Makakaasa po kayo Tito,"
Matapos ang aming pag-uusap ay umalis agad kami ni Troy upang pumunta sa bahay nila.
Nang makarating kami sa bahay nila Troy ay tumambad agad sa akin ang napakalaking Christmas tree sa labas ng bahay. Halos kasing taas na ito ng bahay nilla.
"Wow ang ganda, ang laki nang Christmas tree niyo ah para yatang sasali kayo sa Christmas tree contest sa sobrang laki nang Christmas tree niyo. At ang ganda ha kaya naman pala ang liwanag dito sa inyo," manghang pagsabi ko habang titig na titig sa malaking Christmas tree.
"Nagawa mo pa ang magbiro," sabay napatawa si Troy. "Actually kami lang nng gumawa nito. Kaming tatlo ng lolo ko at Daddy ko. Um, sabihin na natin noong buhay pa ang Dad ko. Ito ang pinag-uukulan namin ng pansin noong nakaraang taon. Kaya kahit na ilang pasko man ang magdaan ay hindi namin pinapalitan itong Christmas tree kahit na medyo maluma na, talagang ito pa rin ang ginagamit namin. Kunting ayos lang kunting pintura para mag mukhang bago at mayamaya lang ay napakaayos na tignan. Higit sa lahat pecial kasi sa akin 'to kami ng lolo ko dahil naging alaala namin ito ng Dad ko tuwing sasapit ang pasko," paliwanag pa ni Troy sabay huminga ng malalim habang naalala ang kaniyang yumaong ama.
"Hindi ah akala ko nga bagong bili niyo ito kasi ang bago-bago pa tignan hindi ko akalain na matagal na pala ito at luma na. Um, nakakabilib naman kayo. Siguro close na close kayo ng Daddy mo sa isat-isa ganoon din ang lolo mo. Siguro pag nabubuhay pa ngayon ang Dad mo siguro tatlong Christmas tree na itong nagawa niyo," wika ko pa nay may kasamang biro.
Napatawa naman bigla si Troy.
"Natawa tuloy ako bigla. Sana nga buhay pa si Dad, siguro kung buhay pa siya tiyak na nandito siya at sana makilala mo pa siya," sabay tingin sa akin.
"Um, sayang lang at hindi ko siya naabutan para makilala," ani ko pa sabay huminga ng malalim
"Oo nga, teka pasok muna tayo sa loob ng sa ganoon ay mapakilala kita sa lolo ko,"
"Oh sege ba"
Pagpasok namin ni Troy sa bahay nila ay nakaabang sa amin ang lolo niya habang may malaking ngiti na pagsalubong sa amin.
"Hi po lolo," sabay mano sa kaniyang lolo. "Nais ko po pa lang ipakilala sa inyo si Kristina ang kaibigan ko," sabay tingin ni Troy sa akin.
"Hello po lolo magandang gabi po sa iyo masaya po akong makilala kayo," mahinahon na pagsabi ko sabay lapit sa kaniyang lolo at nag mano.
"Kristina ang lolo ko nga pala si Lolo Jack," pakilala pa ni Troy.
"Hello po lolo Jack," pangiting sabi ko sa lolo Jack ni Troy.
"Kaawaan ka ng diyos iha. Ikaw pala si Kristina napakaganda mo namang Bata. Magaling din naman talaga pumili ang apo ko. Kailan na ba ako magkakaapo sa tuhod ha?" Wika pa ng lolo ni Troy na siyang ikina-bigla ko at ikinagulat.
"Ah nako agad-agad maman po ata iyan lolo. Prino po muna lolo dapat hinay-hinay lang," pabirong sabi ko pa habang sinasakyan na lamang ang sinabi ng lolo ni Troy.