Chapter 40

"Nako hindi na Kristina nakakahiya naman," tanggi pa ni Troy sabay tumawa ng kunti.

"Ano ka ba Troy 'wag ka ng mahiya. Halikana pumasok na tayo sa loob," saad ko pa sa kanya dahilan upang hindi siya makatanggi.

"Oh sege na nga mapilit ka kasi eh"

At pumasok kami ni Troy sa loob ng bahay namin.

"Hi Mommy magandang gabe po," sabay yakap at halik.

"Oh hello sweetie na pagabi na yata ang uwi niyo. Siguro ay enjoy na enjoy kayo sa ride niyo. Oh hi iho andiyan ka pala," wika pa ni Mom sabay tingin kay Troy.

"Hello po tita magandang gabe po sa inyo," bati mamang ni Troy kay Mom sabay yuko ng kaniyang ulo.

"Actually enjoy na enjoy nga Mommy. Hindi ba Troy?" Ani ko pa sabay ngumiti at tsaka tumingin kay Troy.

"Ah oo nga," maikling sagot mamang ni Troy sabay ngumiti at kumindat sa akin.

"Asan nga pala ang Daddy Mommy?" Sabay tingin sa palibot ng bahay.

"Umalis ang Daddy mo may binili lang ,"

"Ah ganoon po ba,"

"Oh anyway tamang tama lang ang dating niyo nagbake pala ako ng cake kanina. Gusto kong tikman niyo ito," sambit pa ni Mom sabay punta sa kusina.

"Oh sege ba Mommy siguradong masarap iyan,"

"Oh sandali lang ha at ipag-slice ko kayo ng bi-nake kong cake, okay!"

"Sure po Mommy,"

Napangiti naman si Troy habang nakikinig sa usapan namin ni Mom.

"Close na close nga kayo siguro ng Mommy mo kristina,"

"Tama ka nga Troy. Actually kaming tatlo talaga ang close na close sa isat-isa. Anyway punta na tayo sa kusina at naghihintay sa atin doon si Mommy," pangiting sabi ko sa kanya.

"Oh sege," ani niya.

Sa kusina pagdating nami ay insaktong nakapag-slice na si Mommy ng cake para sa amin ni Troy.

"Oh ito na ang cake na ginawa ko kanina. Umupo kayo at tikman ang cake ko," sabay lapag ni Mom ang cake sa mesa.

Nang makita ko ang cake

"Wow ang ganda naman ng pagkagawa siguradong masarap ito.

"Well, ako pa ba? Sege na tikman niyo na iyan," wika pa ni Mom sabay tumawa ng kunti.

"Wow napakasarap Mommy the best ka talaga," sabay lasap sa sarap ng lasa ng cake ni Mom.

"Oh really, oh thank you,"

Nang tikman namam ni Troy ang cake. "Masarap nga po ma'am ang sarap niyo naman po mag-bake.

"Oh what a lovely response thank you iho. Oh by the way don't call me ma'am just call me Tita na lang okay?"

Saad pa ni Mom kay Troy habang napangiti.

"Walang ano man po, sege po tita," ani pa ni Troy sabay ngumiti.

"Oh sege maiwan ko na muna kayo ha. Hihintayin ko lang sa labas ang asawa ko siguro parating iyon," sabay umalis si Mom papuntang sala.

"Sege Mommy"

"Bye,"

"Oh Troy kumain ka pa , ito oh isa pang slice ng cake para sa'yo," pinag-slice ko pa ng cake si Troy.

"Nako ang laki naman ng slice mo,"

"Ito oh icing pa. Ops I'm sorry na pahid ko tuloy sa mukha mo," talagang sinadya kong pahidan ng icing ang mukha ni Troy.

"Talagang sinasadya mo ha. Oh ito icing din para sa'yo. Ops napahidan ko rin iyong mukha mo, sorry ha," pagkunwari pa ni Troy sabay tumawa ng malakas sa aking harapan.

Nagsipahidan kami ni Troy ng icing sa mga mukha namin hangang sa nagkatuwaan kami sa isat-isa.

"Oh ayan tignan mo napuno tuloy ng icing iyang mukha mo,"

"Nakakatuwa no, tignan mo ang pangit mo," sabay napatawa ng malakas habang panay ang tingin ko sa mukha ni Troy na balot na balot ng icing.

"Aba ikaw din naman ah," ani pa ni Troy sabay pahid ulit ng icing sa aking mukha.

Naging masaya ang gabi namin noon ni Troy at syempre memorable rin ang araw na iyon para sa aming dalawa. Tila hindi na alintana sa akin na minsan na akong nagtanim ng puot at galit sa kanya. Subalit nang lumipas din ay napalitan naman ng saya at tuwa ang aking naramdaman para sa kanya.

Unti-unti na rin na naging mas malambot pa ang loob namin ni Troy sa isat-isa.

Hindi ko man masasabi kong among may ugnayan meron kami subalit isa lang ang aking naramdaman. Masaya ako at komportable kapag kasama ko si Troy. Parang pakiramdam ko na ligtas ako kapag siya ang kasama ko.

Bago pa man sumapit ang bagong taon ay marami na kaming memories ni Troy sa isat-isa na magkasama, ginugol talaga namin ang araw at panahon na pariho kaming nandito sa Laguna.

Marami na kaming lugar na napuntahan at magagandang pasyalan na napuntahan.

Ni lubos-lubos namin pareho ang natitirang araw ko rito sa Laguna na kasama siya.

Halos araw-araw kami kung lumabas dalawa. Kung hindi makapag-ride ay kumain sa kami sa labas na isa sa naging paborito naming gawin.

Minsang nga napagkamalan na kaming magsyota dalawa dahil sa araw-araw laming magkasama. Kahit na mga magulang ko nga ay nagtataka at nagdududa patungkol sa aming dalawa. Subalit pa ulit-ulit ko namn na ipinapaliwanag sa kanilang dalawa na magkaibigan lang kami ni Troy at walang ugnayan sa isat-isa.

Padalas din ng padalas ang pagpunta namin ni Troy sa Hidden forest na kung saan bawat pagpunta namin doon ay may magaganap talaga sa aming dalawa na siyang pareho naming gusto at ginustong gawin.

Habang padalas nang padalas ang pagkikita namin ay mas naging mas strong pa ang aming relationship together.

Sabihin na lang nating mutual understanding o 'di kaya friends with benefits. Ganoon!

December 31 noon nang gabi, hindi pa sumasapit ang alas dose ay niyaya ako ni Troy na pumunta sa bahay nila upang ipakilala niya ako sa lolo. Gayon din upang makapasyal man ako sa kanila bago ako bumalik nang General Santos.

Alas syete nang gabi ng sunduin ako ni Troy sa amin gamit ang motorbike niya kung saan aangkas ako sa kanya. Ganoon pa man bago ako umalis ng bahay ay nagpaalam ako sa parents ko at kailangan bago mag-alas dose ay makauwi na ako ng bahay.