Chapter 39

Mayamaya pa ay dahan-dahan siyang tumingin sa akin hanggang sa 'di niya na kayanan at lumapit siya sa akin.

Nang makalapit sa akin si Troy ay dama ko na agad na mayroon siyang gagawin sa akin. Sa kilos niya pa lang at paraan ng kaniyang reaksyon at pagtitig sa akin ay alam kong gusto niya akong halikan.

Mayamaya pa ay hinawakan ni Troy ang aking labi habang siya'y kagat labing nakatitig sa aking mukha.

Ang kanang kamay niya naman ay naramdaman kung dahan-dahan na humahawak sa aking bewang.

Kasunod nito ay ang pagdikit niya ng kaniyang hubad na katawan sa aking katawan.

Napapikit ako sa ginawa ni Troy sa akin na tila parang napapaisip ako kung hahayaan ko na lamang ba siya sa kaniyang ginagawa ngayon sa akin o pahihintuin ko siya at lalayo ako sa kanya.

Mayamaya ay nanginig ang aking batok dahilan sa nakakiliting paghalik-halik ni Troy sa aking taenga. Hanggang sa inilapit na niya ang kaniyang mukha sa akin at gayon din ang paglapit ng kaniyang labi sa aking labi.

"Hahalikan na ba ako nito ni Troy? Pero dapat pakipot muna ako," bulong ko pa sa aking sarili habang walang kislap mata na nakatitig sa isat-isa.

Habang palapit nang palapit ang mga mukha namin ni Troy sabay din nang paglapit ng labi nya sa mga labi ko ay napapikit na lang ako ng diritso. Na sa aking pag-aakala ay sisimulan niya ng ilapat sa aking mga labi ang kaniyang kissable red lips ng biglang_,

"Kristina?" Mahinang boses na pagsabi na Troy na siyang nagpangiti sa akin ng kunti.

"Yes Troy?" Mala-sweet na tono ng boses na pagsabi ko sa kanya habang naghihintay sa kaniyang paghalik sa akin.

"Ang damit ko, kasi nasa likuran mo hindi ko makuha dahil naharangan mo. Kukunin ko lang sana," wika pa ni Troy na siyang ikina-bigla ko ng husto.

Bigla-bigla na lang ang pagdilat ko ng aking maga mata dahil sa labis na nagulat at nagtaka ako sa sinabi niya.

Sa pag-aakala ko na ang paglapit niya sa akin ay hahalikan niya na ako subalit ay hindi naman pala. Naging sobrang assuming lang naman ako sa part na iyon at siyang ikinahiya ko sa aking sarili ng sobra.

Kukunin niya lang naman pala ang damit niya na nasa aking likuran na. Damn! Nakakiinis!

"Akala ko pa naman ay hahalikan mo na ako Troy, sayang naman," bulong ko pa sa aking sarili sabay huminga ng malalim.

"Can I?" Palakas na boses na pagsabi ni Troy habang nakangiting tumitingin sa akin.

"Ah, I'm sorry nasa likod ko pala ang damit mo," sabay isog ng kunti at ngumiti na lamang kahit napipilitan lang.

"Naharangan mo kasi ang damit ko," ani pa niya sabay tingin sa kaniyang damit.

"Kaya nga," maikling sabi ko sabay kamot sa aking ulo habang palihim na tinatago ang hiyang naramdaman.

Agad na kinuha naman ni Troy ang kaniyang mga damit. "So, papano pupunta mo na ako roon sa kabilang kubo at doon ako magbibihis just like what you said to me earlier," pangiting sabi ni Troy sabay dumistansya sa akin.

"Ah oo ganoon nga 'yung sinabi ko kanina, sege at magbihis kana roon Troy, " ani ko pa sabay lunok ng laway at tsaka ngumiti na lang din ng kunti upang di mahalata na ako'y nagkamali ng pag-aakala.

Ngumiti na lamang si Troy at tumungo papunta sa kabilang kubo upang magbihis.

"Tanga ka talaga Kristina napaka-assuming mo. Pangalang beses kanang naging assumera na

gayong araw. Kaso sayang talaga at hindi pa natuloy ang mga iniisip ko kanina," bulong ko sa aking sarili sabay kamot sa aking ulo at sabay pagbuntong hininga.

Matapos ang pagbibihis naming dalawa ay pareho kaming tumungo malapit sa ilog kung saan nakatayo kami roon at naghinhinta sa paglubog ng araw.

"Mag-aalas singko na at mayamaya lang ay lulubog na ang araw, matatanaw ulit natin ang kung gaano kaganda ang sunset," wika ko habang abala sa pag-abang sa paglubog ng araw.

"Oo nga kristina, tignan mo ayan na at unti-unti nang palubog ang araw," sabay turo ng kaniyang daliri.

"Oo nga, wow ang ganda talaga,"

At unti-unti na ngang lumubog ang araw.

"Napakaganda nga parang ikaw Kristina ang ganda na siyang hindi nakakasawang tignan," ani pa ni Troy sabay tingin sa akin.

Dahan-dahan akong lumingon kay Troy habang siya ay titig na titig sa akin.

Mayamaya lamang ay nilapit niya ang kaniyang mukha sa akinng mukha.

Tinitigan niya ako ng mabuti kagaya ng kaniyang ginawa kanina nu'ng nandoon kami sa kubo at sabay na hinawakan ang aking magkabilang pisngi.

Habang unti-unti ang palubog ng araw ay unti-unti rin na inilapit ni Troy ang mga labi niya sa labi ko.

Hanggang sa tuluyan niyang inilapat ang kaniyang labi sa aking labi na pareho naming sinaluhan dalawa.

At sa pagkakataong ito ay hindi na ako naging assuming dahil nga sa natuloy ang paghalik ni Troy sa akin.

Talaga namang damang dama namin pareho ang paghahalikan namin sa isat-isa at pagsasalo namin ng aming laway na tumagal ng sampong minuto.

Iyon nga lang ay parang may mali sapagkat nagagawa namin ang isang bagay kagaya nito kahit na wala naman kaming relasyon dalawa ni Troy. As a matter of fact hindi namin alam pareho kung anong meron sa aming dalawa. Basta kung ano ang nasa isipan namin at gusto naming gawin at nagagawa na lang namin ng basta-basta sa hindi namin inaasahang pagkakataon.

Subalit isa lang ang aking nararamdaman at sinasabi ngayon ng aking puso na parang may nararamdaman na akong kaka-iba kay Troy.

Gabe na nang makarating kami ni Troy sa bahay namin dahil sa naghintay pa kami sa paglubog ng araw.

Sa labas ng gate kung saan napahinto kami ni Troy

"Ito na pala ang bahay namin," wika ko sabay pagtaas ng aking dalawang kilay.

"Oo nga sege na pumasok kana baka hinhintay kana ng mga magulang mo," wika pa ni Troy sabay unat ng kaniyang kamay.

"Um, baka gusto mong pumasok muna sa loob Troy. Dito kana kaya maghapunan sa amin," ani ko pa sabay napapaisip.