Chapter 38
Dali-dali kong hinubad ang sapatos na suot ko at walang pag-aalinlangan na hubadin ang mga suot kong damit na halos naka bra at panty na lamang ako ng suot na saplot. At agad-agad na sumulong sa ilog.
Napailang ulit na akong sumulong sa ilog subalit hindi ko pa rin siya mahanap.
Sumulong na ako sa ibat-ibang parti ng ilog ngunit wala pa rin, hindi ko pa rin siya makita at mahanap.
Hanggang sa isang beses ay may narinig akong may bumanggit ng pangalan ko na siyang ikinagulat ko at biglang ipinagtaka.
"Kristina?"
Nagulat ako at napalingon bigla dahil sa narinig kong boses ito ni Troy.
"Troy? Pasigaw na pagsabi ko habang abala sa pagtingin sa paligid ng ilog.
Mayamaya pa ay may biglang nagsalita hindi malayo sa aking kinaroononan.
"Akala ko ba ay hindi ka maliligo dahil ang sabi mo ay hindi ka marunong lumangoy. E malalim na iyang nilulugaran mo ngayon," palakas na boses na pagsabi ni Troy na halatang may pagkagulat sa kaniyang mukha na makikita.
Dali-dali naman akong napalingon sa kanya. "Troy? Pero paanong nandyan ka subalit hindi kita nakitang umahon sa tubig," sabay nanlaki ang aking mga mata sa gulat.
"Eh sumulong kasi ako sa tubig at doon ako pumunta sa kabilang banda. Doon na rin ako umahon, may nakita kasi akong ibon na hindi makalipad kaya pinutahan ko. Ito nga oh dala ko pa," wika pa niya sabay ipinakita sa akin ang ibong nasa palad niya.
"Oh my God Troy! Alam mo ba na muntik na akong mamatay sa kaba at pag-aalala sa iyo dahil sa akala ko kung na paano ka na. Imagine mahigit isang oras na akong naghihintay na umahon ka sa ilog subalit hindi ka pa rin umaahon. Alam mo bang sumulong ako sa ilog na ito upang hanapin ka. Ni ilang ulit kong tinawag ang pangalan mo subalit hindi ka man lang sumasagot. My goodness Troy mamatay ako sa takot sa'yo," palakas na boses na pagsabi ko sabay huminga ng malalim.
"Really nag-aalala ka pala sa akin?" Wika pa ni Troy habang may ngiti sa kaniyang mga labi.
"At nakangiti ka pa ha. My God, kainis talaga nakaligo tuloy ako sa akala kong nalunod kana. My God Troy tinakot mo ako at pinag-alala ng sobra. Next time magpaalam ka man lang bago ka kung saan-saan pumunta ng hindi namn ako mag-alala, mabahala sa ito at mag-isip ng hindi magandang bagay patungkol sa iyo!" Tugon ko pa sa kanya habang may kunting galit sa aking nadarama para sa kanya dulot ng labis na pag-aalala lamang.
"Narinig ko nga na tinawag mo ang pangalan ko ngunit isang beses lang kaya nga agad akong pumunta rito," paliwanag pa ni Troy na halatang napapaisip.
"Anong isang beses halos maka-ilang ulit kaya akong tumawag sa pangalan mo," sabi ko.
Napabuntong hininga siya at napangiti sa akin. "Talaga ba na nag-aalala ka sa akin Kristina? Kay sarap naman sa pakiramdam na nag-aalala ka," pangiting sabi pa niyo na hindi alintana ang kaba at pagkabalisa na aking nadarama kanina ng dahil sa kanya.
"Tumigil ka nga diyan Troy. Wala akong panahon sa mga biro na iyan. Ang alam ko galit ako dahil. Ugh, kainis!" Palakas na boses na pagsabi ko na halatang naiirita.
"Dahil ba sa akala mo nalunod na ako? Anyway thank you sa paghahanap at gayon din sa pag-aalala mo sa akin Kristina. Napaligo ka pa tuloy ng wala sa oras," sabay ngumiti at napakamot sa kaniyang ulo.
"Buti naman at alam mo," sabay buntong hininga at napakamot sa aking noo.
Napakamot naman siya sa kaniyang batok habang pinagmamasdan akong nakalubog pa rin sa tubig.
"Osya umahon kana diyan. Alam kong ginginaw kana,"
"Kanina pa," pataray na pagsabi ko sabay tirik ng aking mga mata sa kanya.
Sumulong ako ng tubig papunta sa ma abaw na parti ng ilog upang makaahon at mayamaya lang din ay umahon na ako ng tubig.
Nang makaahon na ako mula sa ilog.
Ay tila napansin kong malakas at matiim ang pagtitig sa akin ni Troy. Hatalang may malaking pagkagulat sa kaniyang mukha na makikita.
Tila parang natulala siya sa kaniyang nakita sa hindi ko naman alam na dahilan kung bakit.
Nang lumakad na ako papalapit sa kanya ay napansin ko ang aking mga damit malapit sa kinatatayuan niya.
Kung saan naalala ko bigla na hinubad ko pala ang aking nga suot na damit bago ako sumulong ng ilog. At doon ko na napansin na nakasuot lang pala ako ng bra at panty.
Tinignan ko ang katawan ko at talaga nga namang bra at panty lang ang siyang suot ko. Dahil dito ay agad akong nabalisa dahil sa nahihiya ako lalo pa at kaharap ko si Troy na ganito lamang ang saplot na suot ko.
Hindi ko na kasi napansin na nakaganito lang ang suot ko ng sumulong ako sa ilog dala na rin ng takot at pagmamadali ko na hanapin siya.
Agad kong dinampot ang aking mga damit sa damuhan at dali-daling lumakad papuntang kubo.
"Nahihiya ka pa ba sa akin?" Biglang tanong ni Troy sa akin habang tinitingnan akong lumalakad palayo sa kanya.
Napahinto naman ako sa paglakad.
"Kailangan ko nang makabihis nanlalamig na kasi ako. Um, pwedi bang sa kabilang kubo ka na rin magbihis Troy?"
"Pwedi naman subalit kailangan ko talagang pumunta diyan sa kubo mo sapagkat nandoon mang mga damit ko," ani pa ni Troy sabay napakagat sa kaniyang labi.
"Tatapusin ko lang muna ang pagbibihis ko, " maikling sabi ko sabay nagpatuloy sa paglakad papunta sa kubo.
Ilang sandali lang ay natapos na akong magbihis kung kaya't tinawag ko si Troy upang papuntahin sa kubo at kunin ang mga damit niya.
"Tapos na akong magbihis Troy pwedi mo nang kunin ang damit mo rito," saad ko pa kay Troy na siyang nakatayo hindi kalayuan sa kubo.
Lumapit naman si Troy at dahan-dahan na pumasok ng kubo.
Nang makpasok ng kubo si Troy ay napansin kong tila parang hindi siya mapakali sa kaniyang sraili.