Chapter 35
"Hindi ah, wala naman akong sinabing uuwi tayo at maaga pa naman para umuwi. Ang sakin lang kung hanggang ssan aabot itong pagra-ride natin," ani pa ni Troy sabay umupo sa aking tabi
"Ah ganoon ba. Um, siguro kapag nagyaya ka ng umuwi e'di hanggang doon na lang ang pagraride natin," palakas na boses na pagsabi ko sabay tumawa.
Napatigil naman siya at bigla na la g din napatawa. "Nakatuwa ka talaga nagawa mo pang magbiro ha. Mahaba pa itong araw at marami pa tayong gugugulin na oras sa pagra-ride natin. Kaya lubos lubosin na natin itong pagra-ride natin na magkasama tayong dalawa,"
"Ikaw kasi, ikaw kaya ang unang nagtanong sa bagay na iyan," wika ko pa sabay huminga ng malalim habang ngumingiti sa kanya. "Sabagay nga naman sa susunod na araw kasi balik trabaho na naman at matagal tagal din bago ako makapag-ride ulit," dagdag ko pa sabay tingin sa mga tanawin.
"Bakit kailan ba magsisimula ang trabaho mo? I mean kailan ang balik mo nang General Santos?" Tanong pa ni Troy na tila may kaka-ibang reaksyon sa kaniyang pagkasabi.
"Dito naman ako magpapasko iyon nga lang at pagkatapos ng pasko ay babalik na naman ako ng General Santos para magbalik trabaho," sabi ko.
"Ah ganoon ba? Kailan naman ang balik mo nang General Santos?"
"Sa January 4 ako lilipad pa balik nang General Santos. Kasi kinabukasan niyan ay magsisimula na ang trabaho ko,"
"Babalik kana pala. Ilang araw na lang pala ang stay mo rito"
"Oo nga kaya lubos lubusin ko na itong pagkakataon na nandito pa ako sa Laguna. Lubus lubusin ko na ang pagra-ride ko at gugugulin ang panahon at oras na kasama ko ang pamilya ko rito," pangiting sabi ko sabay titig sa kanya.
"Tama ka nga naman. Malay mo ilang taon naman bago ka makabalik ulit rito," wika pa ni Troy na tila parang may lungkot na makikita sa kaniyang mukha.
"Well, tama ka nga taon pa ang bibilangin ko bago ako makabalik dito. Eh ikaw ba Troy hindi kana ba babalik ng General Santos?" Sabay huminga ng malalim.
Napakamot si Troy sa kaniyang batok.
"Ah, actually sa susunod na buwan. Babalik na ako sa trabaho bilang Piloto."
"Ah ganon ba, ngunit papaano siguro ay na sulit mo naman siguro itong bakasyon mo.
"Oo naman kaya ito lubos lubusin ko pa lalo ang panahon at pagkakataon na hindi pa ako bumabalik sa barko. Lulubos lubosin ko na ang paglabas labas ko kasama ang tropa at gayon din ang lolo ko tzaka ang pag-ride na kasama ka," biglang akong tinitigan ni Troy sa aking mga mata na tila ba parang may nais siyang sabihin sa akin.
"Um, pwedi nga naman," agad ko namn na binalin ang aking tingin sa iba upang maudlot ang among pagtitigan dalawa ni Troy.
"Siguro kapag makabalik kana nang General Santos malamang may naghihintay na sa iyo roon," wika pa niya habang panay lamang ang pagtitig sa akin.
Nabigla naman ako sa pag-iba ng mga sinabi niya. "Naghihintay? Anong ibig mong sabihin?" Pagtatakang tanong ko sa kanya sabay napapaisip.
"Wala Kristina, just don't mind it," ani pa niya sabay ngumiti ng kunti na tila parang napipilitan ngumiti sa aking harapan.
"Um, I think siguro kailangan na nating umalis habang maaga pa at nang sa ganoon ay marami pa tayong lugar na mapuntahan," sabi ko sa kanya sabay huminga ng malalim habang palihim siyang pinagmamasdan.
"Tama ka nga Kristina, medyo napatagal yata ang pag-uusap natin at nakalimutan natin na may byahe pa pala tayo at lugar na pupuntahan," wika pa niya sabay tumayo at tsaka unat ng kaniyang kamay.
"Oo kaya nga,"
"Anyway Kristina, pwedi ba na kapag bago man lang tayo umuwi ay dadaan muna tayo ulit doon sa hidden forest sa paborito mong lugar? Kasi parang nagustuhan ko na rin," pahabol pa ni Troy na pagsabi sa akin.
Napahinto naman ako sa paglakad at napalingon sa kanya.
"Are you sure?" Sabay ngumiti ng kunti na tila may pag-aalinlangan.
"Ah bakit ayaw mo? It's okay lang kung ayaw mo hindi naman kita pipilitin," ani pa ni Troy sabay kamot sa kaniyang ulo tsaka iwas sa aking tingin.
"Nako hindi, actually natuwa nga ako kasi ikaw pa 'yung unag nagyaya eh," pangiting sabi ko namn sa kanya sabay huminga ng malalim.
"Talaga ba mabuti naman kung ganoon," biglang napatingin sa akin si Troy at agad na ngumiti ng malaki na tila ba parang sobrang saya niya.
"Oo ba pupunta tayo roon. Pero sa ngayon kailangan na nating umalis,"
Pagkatapos nu'n ay nagsimula na kaming umalis at bumyahe ni Troy. Habang nagra-ride kami sa 'di kalayuan sa cafeteria na aming unang pinaghintuan ay umagaw pansin sa amin ni Troy ang isang lugar kung saan dinadaluhan ng maraming turista dahil sa taglay nitong angking ganda ng tanawin ang "Hillside Mountain"
Kung kaya't napahinto kami ni Troy dito upang pagmasdan ang kay gandang lugar.
Makikitang maraming mga sasakyan ang nakaparada sa daan at maraming mga taong makikita na pumupunta sa Hillside Mountain upang masilayan ang napakagandang tanawin sa kabundukan.
Dahil dito ay pareho rin naming napagdesisyonan ni Troy na tumungo roon upang mapagmasdan at masilayan kung ano kaganda ang lugar.
Pinarada namin ang aming motorbike sa gilid ng daan at agad na umakyat sa taas sa tinatawag nilang Hillside Mountain.
Medyo may kahabaan ang lalakarin mo para makapunta sa pinakadulo ng Hillside Mountain upang magawa mong matanaw at masilayan ang nagagandahang tanawin sa ibaba nito.
At nang makarating na kami da pinakadulo nang Hillside Mountain ay tumambad sa mukha namin ni Troy ang napakagandang tanawin na makikita mo. Ang mga paliko-likong daan, ang mga bundok at ang kabuuang lawak ng lawa. Nakaganda tignan at talagang hindi ka masasawa sa kakatingin.
Sulit nga naman talaga ang pagpunta mo rito kahit na nakakapagod ang umakyat ng bundok dahil sa haba ng iyong lalakarin. Subalit mawawala naman lahat ng pagod mo oras na mapagmasdan mo na at masilayan ang buong tanawin at nagagandahang tanawin sa ibaba.