Chapter 34

"Talaga nga namang makisig matipuno at gwapo si Troy," bulong ko sa sarili habang matiim siyang pinagmamasdan at pinapantasyahan

Mayamaya pa ay naisipan kong lumabas ng bahay upang sunduin siya sa gate .

"Hi Troy andiyan kana pala kanina ka pa ba rito?" Tanong ko sa kanya na tila hindi ko alam at nakita ang kaniyang pagdating kanina.

"Oh hi , ctually kararating ko lang," agad siyang napalingon sa akin.

"Mabuti naman at hindi ka siguro naligaw sa paghahanap sa bahay namin," ani ko pa sabay ngumiti sa kanya ng kunti.

"Hindi naman, sabi ko naman sa iyo na madali lang kitang mahahanap," ani pa ni Troy sabay kinindatan ako.

Napangiti naman ako ng kunti sabay pagkagat ng aking labi.

"Um, pumasok ka muna sa loob at may aayusin lang ako saglit,"

"Sege ba,"

At pinapasok ko si Troy sa bahay namin dahil sa kagustuhan ng parents ko na makilala siya.

Sa loob ng bahay

"Umupo ka muna Troy,"

Mayamaya lang din ay dumating ng parents ko na tila parang nabigla ng makita nila akong may kasamang lalaki sa loob.

"Oh hi sweetie, may bisita ka pala hindi ka man lang nagpasabi," wika pa ni Mom sabay tinitigan si Troy mula ulo hanggang paam

Tumayo naman agad si Troy sa kaniyang kina-uupuan

"Magandang umaga po ma'am magandang umaga rin po sa'yo sir," masayang pagbati ni Troy sa kanila.

"Magandang umaga rin sa iyo iho. Sege maupo ka lang," sambit pa ni Dad habang tinitingnan si Troy sa kaniyang ayos.

"Ganoon din sa'yo iho," pangiting sabi ni Mom sa kanya.

"By the way Mom, Dad. Siya nga pala si Troy isa sa mga kakilala ko kaibigan ko," pakilala ko pa sa kanila habang palihim na hindi mapakali sa aking sarili.

"Ikaw pala Troy. Ako nga pala ang Daddy ni Kristina tawagin mo na lang akong Tito Tony," ani pa ni Daa sabay abot ng kaniyang kamay kay Troy upang makipag-kamay.

"Hi Troy by the way I'm Kristina's mother I'm Neneth," sabi pa ni Mom.

"Kinagagalak ko po kayong makilala," sabay nakipag-kamay si Troy sa mga magulang ko.

"Ang gwapo mo namang lalaki. Magaling nga talagang pumili ang sweetie ko," biglang sabi ni Mom na siyang ikanbigla at ikinagulat ko naman.

"Mom_,"

"Oh wala naman akong sinabing hindi maganda," ani pa ni Mom sabay tumawa at tsaka tinakpan ang kaniyang bibig.

Napangiti na lamang si Troy sabay tinitigan ako sa aking mukha.

"Saan nga ba kayo pupunta? Kayong dalawa lang ba dalawa ang magkasamang mag-ride?" Pag-aalinlangan natanong ni Dad habang tinitingnan kaming dalawa ni Troy.

"Ah yes sir. Anyway gusto ko po sanang ipagpaalam sa inyo si Kristina na mag-ride kasama ako at iyon po kung ng ayos lang po sa inyo," sagot namang ni Troy habang lakas loob na pinapaalam ako sa aking mga magulang.

"Ah oo naman basta ganyan ba ang paraan ng pagpapalaam ay walang problema, hindi ba Kristina?" Pangiting sabi ni Dad sabay tingin sa akin.

"Ah oo, oo nga_," maikling sagot ko sabay napakamot sa aking ulo.

"Anyway don't call me sir just call me Tito Tony," ani pa ni Dad. "Osya sege umalis na kayo ng maaga kayong makarating sa pupuntahan niyo," dagdag pa ni Dad sabay ngumiti sa akin.

"Mag-ingat kayo ha. And iho ingatan mo ang anak namin, okay?" Saad pa ni Mom kay Troy na halatang may pag-aalala.

"Yes po ma'am makakaasa po kayo," maikling sagot ni Troy sabay ngumiti ng kunti sa kanya.

"Pagkakatiwalaan kita Troy," dagdag pa ni Dad sabay hawak sa kaniyang bulsa.

"Don't worry Mommy, Daddy mag-iingat naman kami," ani ko pa sabay ngumiti sa kanila.

"Okey sege basta mag-ingat kayo ha,"

"Sege Daddy hindi na kami magtatagal at aalis na kami,"

"Just enjoy the ride and keep safe,"

"Thanks Mommy"

"Sege po ma'am and Tito Tony aalis na po kami ni Kristina," sabi pa ni Troy habang nagpapaalam sa kanila.

"Bye Mom, bye Dad," sabay yakap at halik sa kanilang dalawa.

Na una na si Troy na lumabas ng bahay at doon niya na lamang ako hinintayin sa labas samantalang pumunta muna ako sa garahe at kinuha ang motorbike ko.

Sa labas ng gate habang inaabangan ako ni Troy.

"Alis na ba tayo?" Habang nakangiting tinitignan ako.

"Oo bakit?"

"Wala naman tinanong lang kita "

"Sege paandarin mo na 'yang motor mo at aalis na tayo," sabi ko sa kanya.

"Isuot mo na rin 'yang helmet mo,"

"Ay oo nga ganoon din sa'yo Troy"

At nagsimula na kaming bumyahe ni Troy. Nag-ride kami ni Toy sa lugar na pareho naming hindi pa napuntahan .

Malayo rin ang naging byahe namin ngunit sulit at masaya naman. Habang sa kalagitnaan ng byahe namin ni Troy ay may nadaanan kaming cafeteria kung kaya't nagpasya kami pareho na magkape muna, kumain at magpahinga dahil sa napagod kami ng kunti at nakadalaw na rin ng gutom.

Pagpasok namin ni Troy sa cafeteria ay marami rin doon na mga tao at may roon din mga grupo ng lalaki na puros rider.

Habang papalakad kami ni Troy papunta sa sulok upang doon umupo ay mapapansing ang lakas makatitig ng mga lalaking rider sa akin.

Napansin din ito na Troy kaya ang ginawa niya ay hinawakan niya ang aking kamay na parang girlfriend niya ako kung maka-asta siya sa harapan ng mga lalaking rider.

Bigla na lang din ako nagulat at nagtaka ng biglang hawakan ni Troy ang kamay ko sa hindi ko alam na dahilan.

Subalit hindi ko maikakaila na kinikig ako ng mga sandaling iyon.

Nang makahanap kami ng pwesto ay nagsimula na rin kaming um-oder at kumain.

Pagkatapos ng ilang sandali ay pumunta naman kami ni Troy sa labas nang cafeteria kung saan may bakanting mesa at upuan. Kung kaya't nagpahangin muna kami pansamantala at nag-usap usap patungkol sa kung ano-anong mga bagay.

"Hanggang saan ba itong byahe natin Kristina?" Tanong ni Troy sa akin sabay huminga ng malalim habang nilalasap ang malamig at sariwang hangin sa labas.

Nabalin naman ang aking tingin sa kanya. "Um, iwan ko ba, bakit uuwi na ba tayo?"