Chapter 36

Nagpalipas oras muna kami ni Troy dito, nagmasid masid sa palagid, nagpahangin at gayon din ay nagsikuhanan kami ng litrato sa isat-isa for remembrance ng Hillside Mountain.

"Pu-mwesto ka rito Kristina maganda ang view tiyak na maganda rin ang kuha mo. Hali kana at kukunan kita ng litrato," sabi ni Troy sa akin sabay kuha ng kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa at humanap ng magandang anggulo para pag-picturan.

Pumunta naman agad ako malapit sa kinatatayuan ni Troy at kinunanan niya ako ng litrato gamit ang kaniyang cellphone. Ganoon din at kinunanan ko rin siya ng litrato.

"Patingin nga ng pictures natin," sabay kuha sa cellphone ni Troy. "Wow ang ganda naman, ang gaganda ng view," pangiting sabi ko habang masayang tinitignan ang mga kuhang pictures.

"Maganda nga syempre maganda rin 'yung kinuhaan ng picture at kumuha ng picture," wika pa ni Troy sabay ngumiti

Nagumiti na lang ako habang palihim na kinikilig sa sinabi niya.

Mayamaya pa habang abala kami ni Troy sa pagkuha pa ng ibang mga litrato sa lugar ay may isang babae na dumaan sa amin na siyang agad na tinawag ni Troy upang humingi ng pabor na kunan kami ng litrato na magkasama.

"Ah excuse me miss. Pwedi bang humingi ng pabor at kung iyan ay ayos lang sa iyo," sabi ni Troy sa babaeng dumaan sabay nilapitan ito.

"Ah yes ano po iyon?" Tanong pa ng babae sa kanya.

"Um, pwedi mo ba kaming makunan ng litrato dalawa kami ng kasama ko?" Saad pa ni Troy sa babae sabay tingin sa akin sa likuran.

"Sure no problem," ani namn ng babae sabay ngumiti.

Agad naman na ibnigay ni Troy ang cellphone niya sa babae.

"Okay I'll take the picture. Um 1., 2., ay wait closer nga kayo," tugon pa ng babae sa amin ni Troy na siya naman na sinunod namin.

"Oh ayan nga, closer pa nga ng kunti. Ano ba iyan parang 'di naman kayo magsyota niyan. Dapat closer di'ba," wika pa ng babae na halatang kinikilig sa among dalawa ni Troy.

Tinitigan ako ni Troy sa aking mga mata at gayon din ako sa kanya.

Mayamaya pa ay nilapit pa lalo ni Troy sa akin ang katawan niya at sbay na umakbay sa akin na tila ba nagpapakita na totoong magsyota kaming dalawa kahit na hindi naman.

"Iyan ganyan dapat. Okay 1., 2., 3 shot!!

At iyon nga ang naging ka una-unahan naming litrato ni Troy na magkasama kaming dalawa na parang isang magsyota kung pagmasdan ng mabuti.

Makikitang ang sweet namin ni Troy sa picture na sa unang tingin mo pa lang ay talagang magsyota ang iyong magiging reaksyon. Ngunit sa likod ng katotohanan ay magkaibigan lang kaming dalawa at kahit kunting label ay walang namumuo sa pagitan naming dalawa.

"Anyway Kristina magpalipas oras muna tayo rito at mamaya na lang tayo babyahe. Ang ganda kasi ng lugar parang gusto ko pang manatili rito ng ilan pang sandali.

"Naisip ko nga rin iyon Troy. Kaya magpalipas muna tayo rito, malayo layo na rin din naman ang na byahe natin and for sure need natin ng mahabang pahinga,"

"Oo nga halika ka doon tayo sa may kubo at parang maganda roon tambayan," sabay turo ng isang bakanting kubo.

Sa kubo habang nagpapalipas oras at nagpahinga kami ni Troy.

"Oy Kristina dadaan tayo roon sa hidden forest ha," saad pa kita sa akin.

"Oo nga bakit ba?"

"Baka kasi makalimutan mo"

"Hindi ah gusto ko nga talagang pumunta roon eh, bakit ko naman makakalimutan,"

Napaganda ang usapan namin ni Troy pagkatapos lang din ang kalahating oras na pagpalipas oras namin ay nagpasya na rin kaming umalis ni Troy papunta sa hidden forest bago kami umuwi sa kanya-kanya naming lugar.

Bumayhe kami ni Try na aabutin ng dalawang oras bago makarating sa hidden forest. Medyo malayo kasi itong napuntahan namin kompara noong una kung kaya't malayo layo rin ang babyahiin namin papuntang hidden forest.

Nang matapos ang humigit dalawang oras ng pagba-byahe namin ni Troy ay nakarating din kami sa wakas sa hidden forest.

Sabay unat ni Troy ang kaniyang mga katawan. "Hay finally nakarating din tayo sa hidden forest. Wooohhh ang ganda talaga rito hindi talaga ako magsasawang magpabalik balik dito," palakas na boses na pagsabi ni Troy sabay singhop ng sariwang hangin.

"Ganoon din naman ako. Kahit na araw-arawin ko pa ang magpabalik balik dito ay gagawin ko talaga," sambit ko pa sabay tanggal ng aking suot na helmet.

"Maganda kasi tambayan dito, tahimik na lugar, malayo sa maingay at mapolusyon na lugar," ani pa ni Troy sabay lapit sa aking kinatatayuan.

Habang nag-uusap kami dalawa ni Troy malapit sa ilog at minamasdan ang magandang tanawin sa paligid ay bigla-bigla na lamang siyang tumayo at walang pag-aalinlangan na hinubad ang suot niyang damit pang-itaas.

Nagulat naman ako at napatigil bigla sa aking nakita nang humubad na ito lalo pa nu'ng mabalin ang aking mga tingin sa kaniyang nanlalakihang mga pandesal sa tiyan at mga balahibi sa ilalim ng pusod nito papunta sa kaniyang pribadong parte ng katawan.

Marahan akong napatayo habang nakatitig sa kaniyang nanlalakihang katawan.

"Oh my God! Bakit ang laki I can't believe and I can't imagine, shit!" Bulong ko pa sa aking sarili habang tulalang nakatitig sa 8 packs abs ni Troy.

"Kristina ayos ka lang ba?" Biglang tanong ni Troy sa akin na halatang may pagtataka sa kaniyang mukha na makikita

Nagising naman ako bigla sa aking pagkatulala. "Ah., ah ayos lang naman ako bakit?" Pautal-utal na pagsabi ko sa kanya sabay lunok sa aking laway na muntik ng tumulo.

"Kasi parang nakatulala ka kanina eh," wika pa ni Troy sabay napapaisip.

"Ah hindi ah. Teka lang bakit ba bigla-bigla ka na lang na humubad?" Pagtatakang tanong ko sa kanya habang hindi mapakali sa aking kinatatayuan.

"Bakit ayaw mo?" Wika namn ni Troy sabay titig sa aking mga labi at mata.

"Oh my God! Hindi pa ako ready sa second batch Troy," bulong ko sa aking sarili sabay dumistansya sa kanya ng kunti. "Ah ang init nu," sabi ko sabay huminga ng malalim habang palihim na iniiwasang tignan ang kaniyang 8 packs abs.