Chapter 33

Ilang saglit lang matapos kaming mag-chat ni Troy at tumawag naman sa akin si Mike.

"Oh hello Mike. Merry Christmas sa iyo ano ba atin diyan ha?" Masayang pagbati ko kay Mike sa kabilang linya.

"Hello Kristina Merry Christmas din kamusta kana diyan?"

"Okey lang naman masaya naman ako dito kasama ko ang pamilya ko," sabay higa sa aking kama.

"Mabuti naman kong ganoon. Masaya rin naman dito Kasi kasama ko ang Dad ko."

"Mabuti rin kung ganoon"

"Nakita ko 'yung IG post mo nagra-ride ka pala. Angas mong tignan ha at ang gaganda pa ng lugar na pinupuntahan mo." Habang tinitingnan ang aking IG post sa kaniyang laptop.

"Nako salamat, hayaan mo at sa susunod ay ipapasyal kita rito sa amin."

"Totoo ba iyan?" Sabay napangiti at tila kinilig si Mike.

"Oo naman pero siguro matagal pa iyon as sunod ko na naman na balik dito."

"Ah basta tatandaan ko iyan ha. Anyway kailan ka ba babalik nang General Santos?"

"Tatapusin ko lang ang pasko at bagong taon ay babalik din ako diyan, siguro mga January 4 kasi may trabaho ako sa 5 eh."

"Matagal pa pala."

"Nako ang bilis lang kaya ng oras at panahon."

"Miss na yata kita Kristina"

"Ahh ano?" Gulat at palakas kong pagsabi sa tawag.

"Ah ang ibig kong sabihin miss ko ng gumala na tayong dalawa na magkasama," palusot namon ni Mike habang napapautal sa pagsasalita.

"Ah ganoon ba. Sabagay nga naman kaka-miss din naman iyon"

"Pagbalik mo dito labas tayo ha"

"Oo ba walang problema"

"Osya dito na lang muna ang pag-uusap natin Kristina babalik pa kasi ako sa Bar marami pa akong aasikasuhin doon."

"Nako paskong-pasko, business pa rin talaga iyang inaatupag mo."

"Haha kailangan eh. Sege na ibababa ko na itong phone."

"Haha ang sipag naman talaga oh, sege goodbye and Merry Christmas again."

"Merry Christmas din ulit Kristina mag-ingat ka palagi"

"Ikaw din Mike. Sege na at pumunta ka na doon sa bar mo."

"Hahah okay bye"

Kinabukasan ay araw kung saan ay magra-ride kaming dalawa ni Troy .

Maaga akong nagising upang magligpit ng gamit ko.

Paglabas ko ng kwarto ay pumunta agad ako sa labas ng bahay kung saan nagkakape sina Mom at dad.

"Hi Mom hi Dad good morning," sabay halik sa kani-kanilang mga pisngi.

"Oh ang aga mo naman yatang nagising ngayon, " pagtatakang tanong ni Mom saa akin.

"Halika at umupo sabayan mo kami ng Mommy mo magkape," ani pa ni Dad sabay iniabot sa akin ang bakanting upuan.

"Oh sege Dad, actually pumunta talaga ako rito para magkape kasama kayo," ani ko pa sabay umupo.

"Um, sa palagay ko ay may lalakarin ka na naman ngayong araw, para kasing nababasa ko sa paraan ng iyong mga kilos at galaw. Ang aga kasi ng gising mo samantalang alas 9 kana ng umaga kung gumising pwera na lang kung may lalakarin ka ay maaga talaga ang paggising mo," wika pa ni Mom habang napataas ang kaniyang dalawang kilay sabay ng pag-ngiti ng kunti.

"Um, actually Mommy aalis po talaga ako ngayong araw," mahinang boses ko sabay ngumiti ng kunti.

"At saan ka na naman ba pupunta?"

"Magra-ride po ulit Mommy," sabay lagay ng kape sa baso ko.

Bigla naman napatigil si Dad sa paghigop ng kape niya.

"Magra-ride na naman?

"Yes Dad actually may kasama na akong mag-ride ngayon," pangiting sabi ko pa sabay pagkagat ng aking labi.

Tila bigla naman napatigil ang dalawa sa sinabi ko na may kasama na ako sa aking pagra-ride.

"Ohh and who's that person?" Sabay inabot sa akin ang asukal.

"Aba at may kasama ka na rin mag-ride ha. Sino ba iyan?" Ani pa ni Dad sabay napapaisip.

"Kaibigan ko lang po, nakilala ko sa General Santos at taga dito din siya sa Laguna. Actually hindi lang kalayuan ang lugar nila sa lugar natin," wika ko sabay paglagay ng gatas sa aking kape.

"Siya na ba?" Tila seryosong tanong ni Dad na may kunting biro sa tono ng kaniyang pananalita.

"Daddy naman oh kaibigan ko nga lang, ano ba," sabay napatawa ako.

"Gusto ko muna makilala iyang makakasama mo sa pag-ride at baka naman hindi mapa kakatiwalaan iyan, mmm," sambit pa ni Mom na tila may pagdududa.

"Mommy naman 'di naman yata ako basta-basta sasama sa taong hindi ko kilala,"

"Well, gusto ko lang makasiguro. m

Mahirap na,"

"Gusto ko iyang makilala. Ano ba ang pangalan niya?" Tanong pa ni Dad sabay lapag ng dyaryo sa mesa.

"Troy po ang pangalan niya Dad,"

"Mmm, nice name Troy," sabay tinitigan ako at ngumiti.

"Daddy talaga oh. By the way dadaan po pala siya rito mamaya ipakilala ko na rin po siya sa inyo ng sa ganoon ay magkakakilala naman kayo," ani ko pa sabay kamot sa aking ulo.

"Dapat lang para naman malaman namin ng Daddy mo kung iyan ba ay mabuting tao," sambit pa ni Mom na halatang desidido na makilala si Troy.

Napangiti na lang ako at nagpatuloy sa pag-inom ng kape.

Nang matapos kaming magkape ay agad kong sinimulan ang pag-aayos ng sarili ko at paghahanda para sa gaganapin naming long ride mamaya.

Ilang sandali na lang ay mag-aalas otso na. Nakaupo lang ako malapit sa hardin namin habang hinihintay ko ang pagdating ni Troy.

Mayamaya lang ay may narinig akong tunog ng motor na siyang humihinto sa labas ng gate namin.

Agad ko itong tinignan upang alamin. Nang tinignan ko ito malapit sa gate namin ay nakita ko si Troy na sakay ng kaniyang big bike na kulay itim.

Mayamaya pa ay inayos niya ang kaniyang hand gloves kasabay ng pagtanggal niya ng kaniyang suot na helmet.

Shit! Tumambad agad ang mistiso at gwapong mukha ni Troy. Kahit among anggulo ang gwapo na pa rin tignan. Malapitan man o malayo.

Naalala ko tuloy na ang gwapo pala ng lalaking naka one night stand ko noon 1 year ago.

At napaka-hot pa rin ni Troy tignan kahit na balot na balot siya sa suot niya. Ang angas-angas niya rin tignan pagnakamotor.