Chapter 32

Sa sala o living Area.

"Okay Mom, Dad, pwedi niyo na po bukasan iyang regalo ko para sa inyo,"

At sabay na binuksan ng Mommy at Daddy ang regalong ibinigay ko para sa kanila.

"Oh my goodness alam na alam mo talaga ang mga hilig ko anak. Oh I really love this, thanks for this make up set sweetie. I love you," wika pa ni Mom habang masayang nakatitig sa make up set na iniregalo ko sa kanya.

"You're welcome Mommy and I love you too"

"Wow a pair of shoes. Oh awesome! The color, I really really love it. Alam na alam mo na talaga anak ng gusto namin ng Mommy mo. Thank you so much sweetie I love you," ani pa ni Dad na talagang nagustuhan ang aking regalo sa kanya.

"I love you too Daddy"

"Ops hindi pweding wala kaming regalo ng Mommy mo para sa'yo," biglang sabi ni Dad na siya namang ikinagulat ko.

"Oh my God. Really Daddy Parang exciting iyan ha," napataas ang mga kilay ko dahil sa excitement na aking naramdaman.

"Honey kunin mo na ng regalo natin para sa kanya," tugon ni Dad kay Mom habang nakangiting tinitignan ako.

"Oh just wait for a while honey and I'll get it," agad naman na tumayo si Mom at pumunta sa kanilang kwarto.

"Oh my God I'm so excited,"

"Oh here honey, " dahan-dahan na inabot ni Mom ang isang maliit na supot kay Dad.

Marahan naman na ipinasa ni Dad sa akin ang supot na inaabot ni Mom sa kanya. "This is for you sweetie."

Dahan-dahan kong ianbot ito at unti-unting binuksan. At pagbukas ko ng supot na bigay na ay laking gulat ko sa naging laman nito sa loob.

"Nagustuhan mo ba anak?"

"Daddy, Mommy? This is too much," sabay paglaki ng mga mata ko habang tinitigan silang dalawa.

Isang kwentas ang naging regalo nila sa akin. Alam kong malaki ang halaga nito. Hindi ko naman hiniling ito ngunit kusa itong ibinigay ng parents ko kahit na manlulumo sa sobrang mahal ng halaga ng kwentas na 'to.

Alam ko talaga na mahal na mahal nila ako. Gayon din at mahal na mahal ko rin sila higit pa sa aking buhay.

"No sweetie walang halaga kung magkano ang halaga ng kwentas na iyan. Ang mahalaga sa amin ng Mommy mo ay ang makita kang masaya at maliagaya," wika pa ni Dad sabay hinawakan ako sa aking balikat.

"Masaya naman ako kahit wala kayong mabibigay na mamahaling bagay para sa akin. Kayo lang sapat na para sa akin at masayang masaya na ako makasama ko lang kayong dalawa ni Mommy," ani ko pa habang emosyonal na nagsasalita.

"Don't mind it anak. Binili talaga namin iyan ng Daddy mo para sa iyo. Kaya tanggapin mo," sambit pa ni Mommy sabay hinawakan ang aking kamay.

"Isuot na nga natin iyan sa liig mo anak for sure bagay na bagay sa iyo,"

Sinukat ni Daddy anng kwentas sa liig ko.

"Napakaganda, bagay na bagay sa'yo anak," mahinahon na pagsabi na Mom habang nakangiting pinagmamasdan ako.

"You look so beautiful my sweetie," wika ni Dad sabay huminga ng malalim.

"No words can explain how much I love you Mom and Dad. I'm so lucky and thankful to have you in my life and of course to the Lord na kayo ng naging magulang ko," sabay niyakap ko silang dalawa.

Natapos na kaming magbigayan ng kanya-kaniyang regalo at nagsimula na rin kaming kumain ng handabnamin para sa noche buena.

Sa kwarto habang nanood ako ng movie sa YouTube ay may biglang nag-chat sa akin sa messenger sa pangalang hindi ko kilala.

"Oh sino kaya itong nag-chat?" Sabay bukas ng message.

"Hello Kristina it's me Troy, I would like to greet a happy Merry Christmas to you and to your family as well, sana ay masaya ang pagdiwang niyo ng pasko," message ni Troy sa akin.

Napataas naman ang aking mga kilay at biglang napangiti nang mabasa ko ang message nya sa akin.

"Oh ikaw pala ito Troy,"

" Merry Christmas din sa inyo Troy and Godbless you," reply ko kaman kay Troy with happy and heart emoji.

"Siguro masaya diyan sa inyo?" Tanong pa ni Troy.

"Oo masaya kasama ko pamilya ko eh. Siguro masaya din sa inyo diyan?"

"Masaya naman kahit papaano, kahit dalawa lang kami ng lolo ko ang magkasamang nagpapasko."

"Bakit na saan ba ang Mommy mo at ibang ka mag-anak mo? Hindi mo ba sila kasama?"

"Nasa Canada sila at doon na sila magpapasko. Umuwi lang ako rito ng Laguna para may kasama namang si Lolo pagsumapit ang pasko at bagong taon."

"Mabuti namn at may kasama iyang lolo mo. Well, parihas lang din naman tayo nandoon din kasi sa Canada ang ate ko."

"Oo nga pero ayos lang naman kasama ko naman ang lolo ko. By the way Kristina available ka ba bukas?"

"Sa bagay nga naman," napatigil ako saglit sa aking pagta-type sa huling message niya sa akin. "Um, bakit?" Sabay napapaisip.

"Gusto ko sanang yayain kang mag-ride ulit bukas"

"Mag-ride? Sigurado ka ba?"

"Oo gusto ko mag-ride na kasama ka?"

"Tayong dalawa lang?"

"Oo tayong dalawa lang. May motorbike din naman ako rito kaya sasabayan kita sa pag-ride."

"Parang gusto ko iyan. Oo ba walang problema sa akin"

"Paano, dadaanan na lang kita diyan bukas, mga anong oras ba?"

"Paano subalit hindi mo namn alam kong saan ang bahay ko."

"Mahirap ba iyon. E 'di magtatanong tanong ako."

"Sege ba, danan mo na lang ako rito mga alas otso ng umaga. "

"Ayos, dadaanan kita diyan bukas"

"Okay, hihintayin lang kita rito"

"I like that"

"Hahaha"

At nagkayayaan nga kami ni Troy na mag-ride bukas na kaming dalawa lang. Hindi naman ako makakatanggi dahil sa kaniyang paanyaya sa akin kung kaya't pumayag na lang ako, bukod pa roon ay gusto ko talagang makita siyang muli kaya't isa rin sa naging dahilan na hindi sumagil sa aking isipan na tanggihan siya.

Inilihim ko na lamang na sumasaya ako ngayon ng dahil sa kanya.