Chapter 31
"Paalam at salamat sa pagsama sa amin sa hidden forest Kristina. Nextime ulit," ani pa ng inang kaibigan ni Troy sabay na kumaway sa akin.
"Sege papaano Kristina aalis na kami, magkita na lang tayo ulit. Paalam at mag-iingat ka," mahinahon na pagsabi ni Troy habang ngumingiti sa akin na tila parang may kunting lungkot sa kaniyang mata na makikita.
"Walang ano man. Sege, mag-ingat din kayo, til' nextime," pangiting sabi ko sa kanila sabay kumaway.
At umalis na sila ni Troy pauwi sa kanila, ganoon din ako ay bumyahe na rin pauwi sa bahay ko.
Pagdating ko ng bahay ay insaktong naabutan ko pa na kumain sina mom at dad sa mesa.
"Hi mom, hi dad, good evening to the both of you," masayang bati ko sa kanilang dalawa sabay hinalikan sila isa-isa sa kani-kanilang pisngi.
"Oh kamusta naman ang ride mo at bakit ginabi ka na yata sa pag-uwi?" Pagtatakang tanong pa ni Mommy Neneth habang napatigil sa kaniyang pagkain.
"Mabuti naman at nakauwi ka ng ligtas," sambit pa ni Daddy Tony sabay pahid ng tissue sa kaniyang bibig.
"Pumunta pa kasi ako sa hidden forest Mommy at medyo natagalan ako roon kasi hinintay ko 'yung pagsapit ng sunset. At daddy, syempre makakauwi ako ng ligtas dahil sa nag-iingat talaga ako," paliwanag ko pa sa kanila sabay lapag ng aking helmet sa bakanting upuan.
"Maganda ba roon? Punta naman tayo roon," wika pa ni Mom sabay napapaisip.
"Sure mommy pag 'di na kayo busy pareho ni Daddy,"
"Kaya nga dapat lang ang mag-ingat," sambit pa ni Dad na sabay pagtaas ng kaniyang mga kilay habang tinitignan ako.
"Oh anyway sweetie sumbay ka na sa pagkain namin ng Daddy mo maiinit pa itong pagkain," sabay abot ni Mommy ng mga pagkain sa akin.
"Susunod na lang po ako, wala pa akong ganang kumain kasi medyo pagod pa kasi ako sa byahe,"
"Oh sege sweetie. Mabuti pa nga sigurong magpahinga ka na muna,"
"Sege Mom, Dad aakyat na muna ako sa kwarto ko. Maiwan ko na muna kayo. Eatwell,"
Lumipas ang tatlong araw ay sumapit na ang ka paskohan. Abala ang lahat sa paghahanda gayon din kami ng Mom at Dad ko para sa pag-ceebrate ng pasko.
Hindi man kami kompleto sapagkat ang ate ko ay doon magpapasko sa Canada kasama rin ang kaniyang pamilya.
Ngunit kahit na sa video call lang kami nagkikita at nag-uusap ay parang kasama lang din naman namin ang ate ko ngayong araw ng pasko.
"Merry Christmas Mommy, Merry Christmas Daddy,"
Sabay yakap sa isat-isa
"Merry Christmas din sweetei we love you so much," sabay halik ni Mom sa aking noo.
"Merry Christmas my darling, may balak ka pa bang mag-asawa?" Biglang tanong ni Dad sa akin na halatang seryoso ang kaniyang pagkasabi.
Napatigil naman ako at biglang napaisip sa kaniyang sinabi.
"Nagulat ako Daddy ha. Hindi pa naman kasi dumarating ang lalaking mapapangasawa ko siguro na traffic pa iyon," dinaan daan ko na lamang sa pabirong usapan ang naging tanong niya sa akin.
"Ang daddy mo talaga oh," napatawa na lang din si Mom.
"Oh sege pero baka pweding madaliin mo na, 25 kana Kristina at medyo matanda na iyan para sa isang babae. Bihira ng makahanap ng lalaking mapapangasawa 'di basta-basta pinupulot lang iyan kung saan-saan. Mahirap na sa isang katulad mong wala man lang boyfriend kaya simulan mo na ang maghanap ng boyfriend habang maaga pa," tugon pa ni Dad sa akin na tila parang gusto na nga akong magkaroon ng asawa.
"Sege po Daddy kapag kako magkakaroon na ako ng boyfriend, ikaw talaga ang una kong sasabihan," ani ko pa sabay inakbayan sa Daddy habang pilit na pinipigilan ang aking pagtawa.
"Ay paano naman ako, huli na lang ba palagi sa balita," sambit naman ni Mom sabay lumapit sa aming dalawa ni Dad.
"Sege na nga sabay ko kayong pagsasabihan, okay?"
At nagtawanan na lang sina Mom at Dad.
"I love you so much Mommy and Daddy," sabay niyakap ko sila nang mahigpit.
Pagsapit ng noche buena ay sinimulan ko nang ilabas ang regalong pinamili ko para sa kanila at upang ibigay din ito sa kanila. Kahit papaano ay magawa ko silag pasayahin sa simpling regalong handog ko sa kanila.
Una kong tinawag ang pangalan nang Mommy ko kasabay nang pagbitbit ng regalong binalot ko para sa kanya.
" Mommy where are you?"
"Nandito ako sa kusina sweetie"
"Chaaaddaaa for you Mommy. My Christmas gift for you," sabay abot ng regalo ko para sa kanya at tsaka hinalikan siya.
"Oh what a lovely sweetie thank you so much," gulat at masayang pagsabi ni Mom sabay niyakap ako.
"You're welcome Mommy, ops 'wag mo munang buksan, dapat sabay kayo ni Daddy magbukas ng regalo okay?" Tugon ko pa kay Mom habang nakangiting pinagmamasdan siyang masaya sa kaniyang natanggap na regalo mula sa akin.
"That should be no problem," ani pa ni Mom sabay ngumiti at huminga ng malalim.
"Okay Mommy umupo muna kayo roon sa sofa at ibibigay ko rin ito kay Daddy, ang gift ko para sa kanya. I'll go ahead see you in the living area,"
Umalis ako at tumungo papunta sa labas ng bahay kung saan naroon si Dad nakaupo sa kaniyang paboritong tambayan.
"Daddy? Daddy? Where are you I have something to give for you.
Oh there you are," agad kong nilapitan si Dad habang hawak-hawak ang pasalubong ko para sa kanya.
"Hello sweetie, oh what was that?" Tila gulat at pagtatakang tanong niya sa akin ng makita niyang may dala akong malaking box na nakabalot.
"A christmas gift for my very handsome and hardworking father like you," sabay abot sa regalo at halik sa kaniyang noo.
"Oh thank you so much sweetie. I love you so much," saba abot ni Dad ang aking regalong ibinigay sa kanya na mayroong malaking tuwa at saya sa kaniyang mukha na makikita.
"I love you so much Daddy. Please follow me. 'Yung regalo mo mamaya mo na buksan ha," saad ko pa kay Dad sabay hinawakan siya sa kaniyang braso at sinamahan papuntang living Area.