Chapter 30
"Kaibigan? Subalit ang higpit nga kung makasabit iyon sa braso mo may kaibigan bang ganoon?" Pagtatakang sabi ko sabay pagtaas ng boses ko habang palihim na nakaramdam ng kunting selos.
Napangiti naman siya at napatingin sa akin. "Eh bakit parang tumataas ang boses mo?"
"Wala nu!" Sabay iwas sa kaniyang mga tingin sa akin.
"Totoo naman ah. Hindi ko naman iyon girlfriend at wala pa naman akong girlfriend ah," wika pa ni Troy na tila pinagdidiinan na wala talaga siyang girlfriend.
Bigla naman sumagil sa aking isipan ang pangalang careen na binanggit kanina ng kaibigan niyang si Lynx sa restaurant. Kaya't napaisip ako.
"At sino naman si Car_, I mean bakit mo naman sinasabi iyan?" Ani ko pa sabay pagtaas ng aking kaliwang kilay.
"Wala lang gusto ko lang naman na e-share sa iyo,"
Sa ilog habang nagkatuwaan ang mga kaibigan ni Troy sa pagliligo.
"Tgnan niyo 'yung dalawa parang nagkakamabutihan yata," wika pa ni Carlo habang kanina pa tumitingin sa among dalawa ni Troy na nag-uusap.
"Oo nga! Nako magpapadala na naman si Kristina sa karisma at pambobola niyang si Troy," sambit pa ni Lynx sabay tumawa.
"Hoy tumahimik ka nga diyan baka marinig ka pa diyan ni Kristina," ani pa ni Joshua sabay binatukan si Lynx sa ulom
"Ay sorry, maligo na nga lang tayo," sabay kamot sa ulo at nagpatuloy sa pagliligo.
Habang paganda nang paganda ang pag-uusap namin ni Troy ay siya rin ang pagsabay nang paglubog ng araw.
"Oyy. nakalimutan ko pa lang sabihin sa inyo. Masisilayan niyo pala ang paglubog ng araw dito. Talagang mamamangha kayo sa ganda," sabi ko pa sa kanila habang nakatayo kami malapit sa ilog.
Ilang saglit lang ay nagsimula ng mag-sunset at nasaksakihan naming lahat ang ganda nang paglubog ng araw.
Unti-unti na ngang lumulubog ang araw kaya't na pagpasyahan na rin ng lahat na umuwi na habang may kunting liwanag pa.
Sa labas nang hidden forest kung saan naghahanda na kami sa aming pag-alis.
"So, uuwi ba tayo?" Palakas na tanong ni Carlo sabay unat ng kaniyang katawan.
"Oo umuwi na taayo habang hindi pa lumalalim ang gabe," sagot namang ni Ivan habang abala sa pagsusulat ng buhok niya.
"Sandali lang pala Kristina, saan ka nga ba nakatira?" Biglang tanong ni Troy sa akin sabay nilapitan ako na siyang nakatayo malapit sa aking motorbike.
"Oo nga naman Kristina, kanina pa man lang tayo nag-uusap subalit ni hindi man lang namin alam ang lugar mo o kung saan ka nakatira," sambit pa ni Carlo sabay napangiwi.
"Oo nga nu, napansin ko rin iyon. Nakatira pala ako sa Brgy. Buenavesta St. San Jose. Kayo saan ba kayo nakatira? For sure iisang lugar lang kayong lima," ani ko pa sabay ngumiti sa kanila.
"Hindi naman pala kalayuan sa lugar namin ang lugar mo Kristina," sambit pa ni Joshua habang nakaupo sa loob ng sasakyan katabi ng driver's seat.
"Bakit saan ba kayo nakatira?" Tanong ko
"Alim St. Hinayawan Subdivision. Pareho kami roon nakatira," sagot naman ni Troy.
"Kalahating oras lang naman ang byahe papunta sa inyo Kristina. Magkalapit lang pala tayo ng lugar," pangiting sabi namang ni Lynx habang umiinom ng beer.
"Sabi ko nga naman maliit lang itong Laguna para sa akin," ani pa ni Troy sabay ngumiti at kinindatan ako.
Napangiti na lamang ako at hindi na nagsalita pa.
Sa hindi inaakala ay magkakalapit lang pala ang lugar namin ni Troy sa Laguna. Talaga ngang pilit kaming ipanaglalapit ng tadhana kahit na hindi naman namon ito inaasahan o ginusto na mangyari.
"So, papaano siguro naman ay umulis na tayo at nang makauwi na tayo gayon din at makapagpahinga na," saad pa ni Ivan sa lahat habang tinitingnan ang oras sa kaniyang cellphone.
"Mabuti pa nga dahil unti-unti ng dumidilim ang piligid," ani ko pa sabay dukot ng susi sa aking bulsa.
"Mag-ingat ka sa pagda-drive Kristina, gabe na at delikado pa," tugon pa ni Troy sa akin na halata ang pag-aalala sa tono ng kaniyang pananalita.
Ngumiti naman ako at hindi na pinaalahanan din siya na mag-ingat sa kaniyang pagmamaneho.
Bigla naman naghiyawan ang mga kaibigan ni Troy dahil sa tila kilig na kanilang nadarama mula sa aming pagpapaalala na mag-ingat ni Troy sa isat-isa. Kasama na rin ang pambibiro na pinangbabato nila kay Troy.
"Mga loko-loko talaga sila," napatawa na lang ng malakas at sabay napakamot sa ulo si Troy dahil doon.
Maatpos 'yun ay agad na rin kaminf umalis at nagsimulang bumyahe pauwi sa amin.
Umalis kami na medyo maliwanag pa. Dahil sa malayo at inabot pa ng halos sobra ng isang oras ay ginabi na kaming makarating sa Brgy. Buenavesta kung saan ako nakatira.
"Oh paano nandito na ako sa barangay namin. Mag-ingat na lang kayo sa byahe niyo pauwi at hindi na rin ako magtatagal at ako'y aalis na rin baka hinahanap na ako ng mga magulang ko," pamamaalam na sabi ko sa kanila habang sinisilip ko sila sa bintana ng kanilang sasakyan.
"Sege Kristina. Mag-ingat ka rin papunta sa bahay niyo," tugon pa ni Carlo.
"Malapit na ba ang bahay niyo rito?" Tanong naman ni Troy habang nagmamasid masid sa paligid ng lugar.
"Medyo malapit lang naman, siguro mga 20 minutos pa na byahe," wika ko sabay ayos ng aking suot na helmet.
"Ihahatid ka na lang namin sa bahay niyo ng masiguro namin na ligtas kang makakuwi. Gabe na at isa pa babae ka pa naman," pag-aalalang sabi pa ni Troy sabay paandar ng kaniyang sasakyan.
Agad naman akong tumanggi sa alok ni Troy na ihatid ako sa bahay.
"Nako hindi na. Nakakabala pa ako. Umuwi na lang kayo at babyahe pa naman kayo ng mga kalahating oras. Ayos lang naman ako at kaya ko naman na umuwi na mag-isa. Malapit lang namang ang bahay namin, just don't worry about me," ani ko pa.
"Sigurado ka ba Kristina?"
"Oo naman, sege na umalis na kayo at medyo malayo pa ang byahe niyo,
"Paalam Kristina sa muli nating pagkikita," sabay kumaway si Carlo sa akin habang nakangiti.