Chapter 29
"At pano naging hidden forest ito?" Dagdag pa hi Ivan na tila naguguluhan dahil sa ibang-iba namang ang lugar na sinasabi ko sa kanila kanina.
"Ito na ba 'yung paborito mong lugar Kristina? Sigurado ka ba?" Tila nagdadalawang isip pa si Troy na sabihin ito sa akin.
Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa kanilang pagkalito at pagtataka. "Alam kong nagtataka kayo sa ngayon. Sumunod lang kayo sa akin at makikita niyo rin ang hinahanap niyo," wika ko sa kanila sabay napataas ang aking dalawang kilay.
Nagsimula akong lumakad papasok ng gubat habang nakasunod naman sila sa akin.
Sa unang pagkakita mo ng gubat ay talagang magtataka ka nga dahil sa masalimuot ang lugar na ito at bukod pa roon ay madilim at parang nakakatakot ang lugar.
Ilang minuto lang nang paglalakad namin ay nakarating na kami sa hidden forest na siyang tinutukoy ko. "So, ito na ang talagang hidden forest," sabay buntong hininga.
Makikita mo ang lawak ng ilog, mga magagandahang tanawin, malalaking puno, sari-saring tunog ng ibon at agos ng ilog. Kasama pa roon ang tatlong kubo na nakatayo malapit sa ilog na siyang kay ganda ng pagkakagawa.
Nang makita nina Troy ang Hidden Forest ay talagang nagulat sila at namangha sa pagkaganda ng lugar na ito. Tila mala-paraiso dahil sa napakamaaliwalas at sobrang ganda ng ambiance rito.
"Ang ganda naman dito," palakas na boses na pagsabi ni Troy habang abala sa pagtanaw sa kapaligiran ng hidden forest.
"Totoong hidden forest nga parang gusto ko na rito tumira," ani pa ni Ivan habang namangha sa pagtanaw sa malawak at napakalinaw na ilog.
"Ito na 'yung sinasabi kong paborito kong pasyalan. Maganda ba?" Sabi ko pa.
"Napakaganda Kristina. Paano mo naman nalaman ang lugar na ito?" Tanong pa ni Lynx sa akin.
"Mahabang kwento kung bakit, basta memorable place ito sa akin," maikling sagot ko sabay ngumiti ng kunti.
"Nako may kubo roon, pumunta tatlo roon ng makapagpahinga naman tayo."
Pumunta agad sa mga kubo sina Carlo, Ivan, Lynx at Joshua samantalang nagpaiwan naman si Troy sa aking tabi.
"Palagi ka pa lang pumupunta rito," wika ni Troy sabay napahawak sa kaniyang magkabilang bulsa.
"Um, oo sa katunayan palagi akong pumupunta rito tuwing umuuwi ako rito nang Laguna," mahinang boses na pagsabi ko habang tiningnan ang pag-agos ng tubig sa ilog.
"Kay ganda nga ng lugar na ito, alam mo kanina parang nagtaka ako bigla ng nasa labas pa tayo at hindi pa taayo nakapasok dito. Akala ko nga ay iyon na talaga ang hidden forest," ani pa ni Troy sabay humalakhak sa pagtawa.
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa paghalakhak niya.
"Advance kasi kayo. Actually, pinangalanan itong hidden forest ay dahil sa nakatago ang lugar na ito. Kung nandoon ka lang kasi sa labas malapit sa kalsada ay hindi mo talaga makikita at matatanaw ang ganda sa loob nito, bukod pa roon ay iilan lang ang nakakaalam sa lugar na ito kaya binansagan nila itong hidden forest"
"Ganoon ba kaya naman hidden forest ito. Paano mo naman pala nalaman ang lugar na ito?" Tanong pa niya.
"Um, sa isang kaibigan sa isang matalik kong kaibigan since childhood," ani ko pa sabay ngumiti.
"Kaya pala pagdating natin dito ay walang ibang ka tao-tao at tayo-tayo lang ang nandirito," sabi pa niya.
"Kunti lang kasi ang nakakaalam sa lugar na ito,"
"Teka lang asan na pala 'yung matalik mong kaibigan?"
" Wala na andoon na siya malayo,"
"Ganoon ba talaga?"
"Oo naman bakit ba?"
"Wala para kasing may tinatago ka na ayaw mong sabihin."
"Ani? Wala kaya"
"Anyway pumunta naman tayo roon malapit sa ilog at doon natin ipagpatuloy itong pag-uusap natin kasi maganda tambayan doon," wika pa ni Troy sabay turo sa isang upuan malapit sa ilog.
Habang nakaupo kaminf dalawa ni Troy malapit sa ilog.
"Oy tignan mo 'yung tropa mo parang nag babalak maligo," habang nakikita kong nasisihubadan ng pang-itaas na damit ang mga kaibigan ni Troy.
"Sa palagay ko nga," ani pa ni Troy habang pinagmamasdan ang kaniyang mga kaibigan.
Mayamaya lang ay may sumigaw galing sa kubo na pinagtambayan ng mga kaibigan ni Troy. "Kristina? Pwedi ba ditong maligo?
Agad naman akong napalingon sa lakas ng pagkasigaw. "Oo naman, pweding pwedi.
Pagkasabi ko pa lang ay agad nang nagsihubad ang mga tropa ni Troy ng mga suot nilang damit at tsaka pantalon.
Tanging boxer na lang ang suot at pagakatapos ay sabay na nagsitalon sa ilog. Naghiyawan sigawan at tawanan silang apat habang naliligo sa malamig na ilog.
"Mga loko talaga itong mga kaibigan ko," palakas na pagsabi ni Troy habang napatawa sa kapapanood sa kanilang pagliligo.
"Nakaka-aliw silang tignan, anyway mga Piloto rin ba mga kaibigan mo o_?
"Actually hindi ibat-iba ang trabaho namin."
"Ah ganoon ba so, ikaw lang pala itong Piloto," maikling sabi ko sabay napatingin sa malayo.
Ilang saglit pa ay natagalan si Troy sa kaniyang pagsasalita dahil sa tila may malalim siyang iniisip. "Matanong nga kita Kristina. Boyfriend mo ba 'yung lalaking kasama mo noong isang araw sa mall?" Biglang tanong niya sa akin na hatalang seryoso itong pagkasabi niya.
Napatigil namang ako at dahan-dahan na tumingin sa kanya.
"Ah si Mike? Bakit mo naman natanong?" Pag-aalinlangan kong sabi ko sa kanya.
"Ah wala, siguro nga boyfriend mo iyon," maikling sabi ni Troy sabay tingin sa mga kaibigan niyang naliligo sa ilog.
Napaisip naman ako habang pinagmamasdan siya. "Hindi ko boyfriend si Mike, kaibigan ko lang sya. Sabihin na nating malapit na kaibigan," sabi ko sa kanya sabay ngumiti ng kunti.
"Kaibigan nga lang ba?" Ani pa ni Troy na tila may pagtataka at pag-aalinlangan sa kaniyang isipan.
"Oo, um, sino naman pala 'yung babae na kasama mo noong araw din na nagkita tayo pareho sa mall sa iisang restaurant?" Mahinang tanong ko sa kanya na tila nagdadalawang isip na itanong ang bagay na ito sa kanya.
"Ah, kaibigan ko lang din iyon?" Mabilis na sagot ni Troy na tila parang nagdadalawang isip sa kaniyang sagot.