Chapter 28

"Saan ba iyon?" Tanong naman ni Troy sabay dampit ng kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa.

"Medyo hindi naman kalayuan dito, siguro mga isang oras na byahe pa,"

"Parang malayo na medyo malapit nga," sabay napatawa si Carlo.

"Pwedi ba kaming sumama diyan sa sinasabi mong paborito mong lugar para kasing maganda iyan," wika 0a ni Troy sabay napangiti at napatitig sa akin.

" Well, maganda nga para sa akin maganda naman kasi at naging memorable pa kasi 'yung place na iyon sa akin kaya't napakaganda iyon para sa akin, iwan ko lang sa inyo kung magagandahan kayo. May tambayan naman doon actually nasa tabing ilog itong sinasabi kong lugar," paliwanag ko pa sabay napahawak sa aking liig.

"Tabing ilog? Nako tiyak na maganda nga iyan. Makaka-relax ka talaga lalo na kapag marinig mo 'yung agos ng tubig sa ilog hindi ba ? Dugtong pa ng kaibigan ni Troy na tila parang may makikitang excitement sa kaniyang mukha."

"Tama nga, so pwedi ba kaming makisabay o sumama sa'yo Kristina? If iyan ay ayos lang sa'yo," saad pa ni Carlo.

"Sure that should be no problem," malakas na boses na pagkasabi ko sabay ngumiti sa kanilang lahat.

"Thank you Kristina," ani pa ni Troy sabay kinindatan ako ng palihim.

Napaganda at napatagal ang usapan namin ni Troy kasama ang mga tropa niya. At tungkol naman sa amin dalawa ni Troy ay talagang nag-iba na nga ang pakikitungo namin sa isat-isa mas naging close kami ng kunti kompara nu'ng dati. At tila parang hindi na alintana sa aming dalawa ang mga nangyari noon na para bang maliit na bagay lamang iyon at hindi na big deal.

Pagkatapos ng aming pag-uusap ay nagpasya na kaming umalis upang puntahan ang lugar na sinasabi ko sa kanila

Sa labas ng restaurant.

"So, aalis na ba tayo ngayon?" Palakas na sabi ni Carlo sabay suot ng kaniyang jacket.

"Ano pa ba sa tingin mo, syempre aalis na tayo kaya nga nandito tayo sa labas ng restaurant," sambit naman ni Ivan.

"Pilosopo talaga 'to," sabay binunggo ang balikat ni Ivan. "By the way Kristina, sasakay ka ba sa amin?" Tanong pa niya sa akin.

"Ah hindi siguro kasi dala ko naman 'yung motorbike ko," ani ko pa sabay suot ng aking salamin.

"Ay oo nga pala nakalimutan ko," sabay napakamot sa kaniyang ulo.

"Ito talagang si Carlo paano nga ba makakarating dito si Kristina kung wala siyang dalang motor," sambit namang ni Lynx sabay binatukan siya at tumawa.

"Ikaw talaga kanina ka pa, baliw talaga itong tao na 'to," sabay hinabol si Lynx.

Napatawa namang si Troy

"Magsitigil nga kayo diyan. Anyway Kristina saan na ba ang motorbike mo?" Tanong pa ni Troy habang abala sa pagtingin tingin sa paligid.

"Ah, nandoon sa likod nakaparada, saglit lang at kukunin ko muna iyon," ani ko pa sabay lumakad papuntang parking lot upang kunin ang motorbike ko.

Matapos kong kunin ang motorbike ko sa likod ay agad akong bumalik sa kinaroononan nina Troy.

Nang paparating na ako malapit sa kanila sakay ng aking motorbike ay kitang kita ko sa kani-kanilang mga mata ang pagkamangha at pagiging tulala ng makita nila akong astig na nakasakay sa isang malaking motor.

Ka pansin-pansin din ang pagkatulala ang pagnganga ng mga bibig ni Troy habang matiim akong pinagmamasdan. "Shit! Napaka-hot, napaka-astig at napakaganda niyang tignan. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi makatitig sa kanya ng husto at paghanggaan siya ng ganito. Ibang-iba na nga talaga ang Kristina na siyang nakilala ko one year ago. She's a damn sexy!" Bulong pa ni Troy sa kaniyang sarili na parang hinuhubadan niya na ako sa paraan ng kaniyang matiim na pagtitig sa akin.

"Wow ang HOT niya dude!" Mangha na pagsabi ni Lynx na talagang na aakit siya sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin.

"Oo nga dude, ang angas at ang astig niyang tignan hindi nakakasawa," dagdag pa ni Joshua na siyang tulala rin na nakatitig sa akin.

"Ang ganda-ganda niya at ang astig," sambit naman ni Carlo sabay napabuntong hininga.

"Sobrang hot at astig mo Kristina. Hindi nga ako nag kamali sayo," bulong ulit ni Troy sa kaniyang sarili.

At nang makalapit ako sa kanilang apat. "Shall we go?" Sabay tinitigan ko sila isa-isa.

"Ang sarap mo!" Biglang sabi ni Lynx na siyang ipinagtaka ko naman.

"What?" Palakas at gulat na pagsabi ko sabay napapaisip.

"Ang ibig niyang sabihin ang sarap daw ng kinain niya kanina," biglang pagsulpot naman ni Troy sabay palihim na binunggo ang balikat ni Lynx.

"Ah ganoon ba? Oh paano aalis na ba tayo?"

"Ang astig mo Kristina bagay na bagay nga sa'yo ang mga big bike. Maganda na nga 'yung big bike mo maganda pa 'yung rider," wika namang ni Carlo sabay napangiti habang nakatitig sa akin.

"Oyy iba na 'yan," pabiro pa ni Ivan sabay tumawa ng kunti.

"Oy tumigil nga kayo diyan. So, paano aalis na ba tayo?" Sambit pa ni Troy sabay napatingin sa kaniyang relo.

"Oh sege na nga ng makapunta na tayo sa lugar na sinasabi ni Kristina. Parang gusto ko kasing matulog at magpahinga roon," ani pa ni Carlo sabay napakamot sa kaniyang ulo.

"Tamang tama dahil may mga kubo roon na pweding pagpahingaan," wika ko

"Oh tayo na"

Nagsimula na kaming umalis.

Nauna akong binyahe sa kanila at sumusunod lang sila sa likoran ko upang sundan ang aking bawat daraanan papunta sa aming distinasyon.

Sa sasakyan nila Troy habang nagmamaniho siya.

"Parang sinayang yata kita ng iwan kita Kristina. Sana naman ay wala pang namamagitan sa inyo ng lalaking kasama mo noong isang araw sa mall," bulong ni Troy sa sarili habang napapaisip ng husto.

Umabot ng mahigit isang oras ang pagbabyahe namin bago kami makarating sa destinasyon namin.

At ng makarating na kami ay agad kung pinahayag sa kanila ang lugar.

"Anyway boys welcome to my favorite place. The hidden forest,"

"Ito na ba 'yung lugar na sinasabi mo? Eh asan na 'yung ilog at kubo na sinasabi mo?" Pagtatakang tanong ni Carlo na tila parang na cu-curious sa lugar.