Chapter 27
"Ayos lang, sabay naman akong makisabay sa anong trip," maikling sagot ko sabay ngumiti ng kunti.
"Tubong Laguna ka rin ba Kristina?" Tanong pa ni Joshua sa akin habang kanina pa nakatitig sa akin.
"Ah yes, tubong Laguna ako," pangiting sagot ko sa kanya.
"Anyway matagal na ba kayong magkakilala nitong kaibigan namin na si Troy?" Tanong naman ni Ivan sabay tinitigan si Troy.
"Um, actually_" biglang naputol ang aking pagsasalita dahil sa biglang sumulpot si Troy sa aming pag-uusap.
"Actually matagal tagal na rin kaming magkakilala nitong si Kristina. Honestly we meet in General Santos where she is currently working as Nurse roon," sulpot pa ni Troy sabay tiningnan ako.
"Kaya naman pala. Siguro hindi alam iyan ni Careen," sambit pa ni Lynx na siya namang binanggit ulit ang pangalan ni Careen.
"Who's Careen?" Palakas na tanong ko sabay nagtaka at napapaisip.
Palihim naman na binunggo ni Joshua si Lynx sa kaniyang balikat na siya namang ikinabalisa nito.
"Careen? May sinabi ba akong ganoon?" Pagkukunwari pa niya.
"Nako, 'wag mo na lamang pansinin ang sinasabi nitong si Lynx. Hindi mo lang siya maiintindihan," wika pa ni Ivan sabay huminga ng malalim at napatawa ng kunti.
"It's okay, hindi naman iyon big deal para sa akin," pangiting sabi ko pa sabay tiningnan si Troy habang hindi mapakali sa kaniyang sarili.
"Don't listen to them Kristina. Mga baliw kasi itong mga kaibigan ko. Kung ano-ano na lang itong isinasali sa usapan," ani pa ni Troy sabay na patawa habang palihim na napipilitan lamang.
Ngumiti na lamang ako at hindi na kumibo pa.
"By the way Kristina, ano pala ang ginagawa mo bakit ka Rrn na padpad sa lugar na ito?" Biglang pag-iba ng tanong ni Carlo sa akin.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Um, actually nag-solo ride lang ako. Medyo boring kasi sa bahay kaya naisapan kong mag-ride,"
"So, you mean ikaw lang mag-isang nag-ride at wala man lang kasama?"
"Oo Tama ka,"
"Hindi ba parang ang lungkot naman niyan?" Tanong pa ni Ivan habang abala sa kaniyang kinakain.
"Nasanay na naman ako na mag-isa. Wala na kasi ang mga kaibigan ko rito, nagtrabaho sa malayo at ang iba naman ay may sarili ng pamilya. Kaya't heto, mag-isa na lang talaga ako," wika ko sabay uminom ng tubig.
"All this time ikaw lang talaga mag-isa?" Pag-aalinlangan na tanong ni Troy na halatang may pagkabahala na makikita sa kaniyang mukha
"Yes Troy at wala naman iyong problema sa akin dahil sabi ko sanay na akong mag-isa," dahan-dahan ko siyang tinitigan at tsaka tinaasan ng isang kilay.
Kumagat labi na lamang si Troy at hindi na nagsalita pa sa sinabi ko sa kanya.
"Iba rin naman iyang trip mo Kristina nagra-ride ka ng ikaw lang mag-isa. At tsaka babae ka pa naman," sambit naman ni Carlo na halatang nababahala.
"Well, sa katunayan ay nagagawa ko lang naman ito kapag umuuwi ako rito ng Laguna. Minsan lang kasi sa isang taon kung makauwi ako. Kaya kapag nandito ako ay ride talaga ang unang pumapasok sa isip ko. Nakahiligan ko na rin kasi ang mag-ride," paliwanag ko pa.
"Ang astig mo naman," maikling sabi niya sabay ngumiti.
"Hindi naman sa ganoon,"
"Maiba nga ako ng usapan. Um, bakit 'di mo kaya isama ang mga kaibigan mong may pamilya na. Masaya pa rin naman iyon, minsan ka lang naman makauwi rito. Pwedi namang pagbigyan iyan ah," wika pa ni Troy sabay napapaisip.
"Nako malabo atang mangyari iyan Troy. May pamilya na sila at mas priority nila ang kanilang pamilya kesa sa barkada nila"
"Sabagay may point ka rin naman."
"Maaga bang nagkapamilya ang mga barkada mo kristina? Tanong naman ni Lynx sa akin. "
Napatingin naman ako sa kanya at napaisip. "Ah, oo 'yung iba pagka-graduate ng college ay nag-asawa na agad, meron din namang iba na inuna ang trabaho kesa sa mga ganyang bagay katulad ko," ani ko pa sabay napataas ang dalawang kilay
"Mabuti nga iyan subalit 'wag naman puro trabaho lang kailangan din na lumugar o magbuklod ng pamilya right?"
"Yeah right, in the right time and in the person as well,"
"Ikaw ba Kristina kailan mo ba planong mag-asawa ha?" Biglang tanong ni Carlo na halatang seryoso ang pagkasabi niya.
"Nagulat naman yata ako sa tanong mo na 'yan," tila gulat kong pagsabi sabay tiningnan siya.
"Oh, I'm sorry madaldal lang siguro ako. Pasensya kana at ayos lang naman kahit 'di mo sagutin 'yang tanong ko. Parang personal na kasi 'yang tanong ko," ani pa niya sabay napatawa at mabilis na tinakpan ang kaniyang bibig.
Hindi ko naman napigilan ang tumawa. "No it's okay. Gusto ko nga 'yang may madaldal akong kausap. Um, actually hindi pa naman sumagil sa isipan ko 'yang pag-aasawa na iyan. Sa akin ay trabaho muna at pamilya ko sa ngayon. Sa katunayan hindi naman 'yan minamadali, kusa lang naman iyang dadating. Dadating at dadating talaga iyan sa bandang huli ang taong nakalaan o nakatdhana para sa iyo na siyang magiging kabiyak ng iyong puso," wika ko sabay ngumiti at napabuntong hininga.
"Hindi mo pa ba siya nahanap?" Sambit maman ni Roy na halatang seryoso ang kaniyang pagkasabi.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya sabay tinitigan siya sa kaniyang mata.
"I mean hindi mo pa ba nakita o nahanap ang lalaking sa tingin mo ay siya na 'iyang magiging kabiyak ng puso sa huli?"
Napagalaw ako ng kunti sa aking kina-uupuan. "Um, sa tingin ko hindi pa siguro. Parang hindi ko pa nakita 'yung tao na sinasabi mo," ani ko pa sabay iwas sa kaniyang tingin sa akin.
"Ah ganoon ba. Sege sabi mo eh," sabi pa niya sabay napasandal sa likod ng upuan na tila parang napapaisip sa aking sinabi.
"Bakit ba Troy?"
"Wala gusto ko lang malaman," maikling sagot niya sabay huminga ng malalim
"Anyway maiba ako ng usapan saan ka ba pupunta pag lkatapos nito kristina?" Sambit ni Carlo
"Ah may pupuntahan lang akong lugar actually naging paborito ko itong pasyalan since childhood," pangiting sabi ko sabay tingin sa labas.