Chapter 26

Habang kumakain ako mag-isa ay pinagmasdan ko ang hampas ng mga alon.

Mayamaya pa ay may dumating na grupo ng mga ka lalakihan.

Makaka-agaw talaga sila ng pansin dahil sa maingay ito. Subalit hindi ko na iyon pinansin pa dahil sa abala ako sa aking pinapanood.

Pagkatapos kong kumain ay nagpasya na akong umalis upang puntahan ang paborito kung lugar.

Pero bago iyon ay kailangan ko muna na pumunta ng counter upang magbayad. Well, ako na lang ang mag a-adjust sapagkat abala ang lahat ng waiters at crews sa dami nang kumakain.

"Tamad pa naman akong pumunta ng counter dahil sa medyo malayo. Kay lawak naman kasi ng restaurant na ito. Hay makapunta na nga lang ng counter nang makabayad at maka-alis na rin," bulong ko pa sa aking sarili sabay napasandal sa likuran ng upuan.

Mayamaya pa ay pumunta na ako sa counter at bumayad sa in-order ko.

Pabalik na sana ako sa aking pwesto upang kunin ang helmet ko ng may naka-bangga akong lalaki sa hindi ko inaasahang pangyayari.

"Oh my God!" Palakas at gulat kong pagsabi sabay lumingon sa lalaking nabangga ko.

"Gosh! I'm sorry miss. Hindi ko sinasadya. Pasensya kana talaga," wika pa ng lalaking nakabangga ko na halatang nagulat din sa nangyari.

"No it's okay. Hindi naman ako napano and I'm sorry din," ani ko pa sabay napakamot sa ulo.

Nang mapatingin sa akin ang lalaking nakabangga ko.

"Kay ganda mo naman pala," sabay tinitigan ako sa mukha. "Um, anyway I'm sorry talaga hindi ko sinasadya promise," sabay napakamot sa kaniyang noo.

Ngumiti naman ako ng kunti sa kanya

"Ayos lang, alam ko naman iyon eh," wika ko pa sabay ngumiti ulit ng kunti sa kanya.

"Pasensya na talaga. By the way I'm Carlo and you?" Sabay abot ng kaniyang kamay upang makipag-kamay sa akin.

"I'm Kristina," agad din akong nakipagkamayan sa kanya.

Mayamaya pa habang abala kami sa pag-uusap dalawa ng lalaking nakabangga ko na si Cralo ay may lalaking tumawag sa kaniyang pangalan.

"Oy pare andiyan ka lang pala kanina ka pa namin doon hinihintay. Saan na ba ang in-order mo?" Tanong pa ng lalaking kausap niya.

"Nako pare pasensya kana may inayos lang kasi ako, by the way meet my friend," wika pa ni Carlo sabay tiningnan ako habang nakatalikod.

Nakatalikod ako ng mga sandaling iyon dahil sa may kinausap din akong waiter. Ilang saglit lang ay natapos na ang pag-uusap namin ng waiter at agad din na binanggit ni carlo ang pangalan ko.

"Meet my new friend bro, Kristina," sabay tingin sa akin habang ngumingiti.

"Kristina?" Pagtatakang sabi pa ng kasama niya.

Napalingon agad ako nang banggitin ni Carlo ang pangalan ko at paglingon ko ay nabigla ako at laking gulat ko sa aking nakita.

"Whaaa.. What?!" Gulat at palalakas kong pagsabi habang hindi makapaniwala sa aking nakita.

Napatigil ako bigla ng sa aking paglingon ay si Troy ang nakita ko na siyang kausap ng lalaking nakabangga ko na si Carlo.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Troy ng makita ako.

"Oww Kristina! Is that you?

Nagtaka naman at tila nalito si Carlo sa naging reaksyon ni Troy.

"Woow wooow, wait don't tell me mag kakilala kayo?" Sabay tinitigan kami isa-isa ni Troy.

"Ah yes bro. Actually magkakilala nga kami ni Kristina," wika pa ni Troy sabay napahawak sa kaniyang batik at tsaka napangiti na tila parang hindi makapaniwala na ngakita kami muli sa iisang lugar.

"At ma kakilala rin kayo?" Tanong ko naman sa kanilang dalawa sabay turo ng aking daliri sa kanila.

Napatingin naman sa akin si Carlo.

"Ah yes Kristina actually magkabarkada kami niyan ni Troy since high school," sambit pa niya sabay napakagat sa kaniyang labi.

"Ah okay kaya pala,"

"Nagkita na naman tayo ulit Kristina, sabi ko naman sa'yo na maliit lang itong Laguna para sakin," wika pa ni Troy na panay ang pag-ngiti sa akin.

Napatingin naman ako sa labas sapagkat hindi ko rin maikakaila na nasiyahan at natuwa ako sa muling pagkikita namin ni Troy.

"Actually nagulat ako, hindi ko in-expect 'to. Talaga nga namang maliit lang itong Laguna akalain mo ba naman na rito pa talaga tayo magkikita. Subalit kahapon lamang ang huli nating pagkikita dalawa.

"Sabi ko namn sa iyo lahat may dahilan at paraan," ani pa ni Troy habang pinagmamasdan akong mabuti.

"Oh wait lang, siguro mas mabuti pag mag-uusap tayo nang nakaupo. Nakatayo lang tayo kasi rito at ilang minuto na. Hindi ba nangangalay iyang mga tuhod niyo?" Sambit pa ni Carlo sabay napatawa.

"Ohh I see," pangiting sabi ko.

"If you don't mind Kristina. Ayos lang ba sa'yo na yayain ka namin sa table namin ng sa ganon ay makilala mo rin ang iba pa naming tropa? Sa amin kasi mas mabuti iyon," sabi pa ni Carlo sabay napatingin sa table na kina-uupuan nila.

"Sure, kung ayos nga sa inyo,"

"Syempre naman Kristina ikaw pa ba. Halika na at ipakilala kita sa mga kaibigan ko," sabay hinawakan ni Troy ang aking kamay.

Pagdating namin sa table nina Troy kung saan masayang nagku-kwentuhan ang mga kaibigan nila.

"Matindi talaga itong karisma ni Troy, akalain mo ba naman at pati rito sa Laguna ay may bebot siya. Nako Careen," wika pa ng isang kaibigan ni Troy na si Lynx ng makita niyang magkahawak kami ng kamay dalawa.

Natigilan naman ako at nabigla sa sinabi ng isang kaibigan ni Troy lalo na nang may ibinaggit siyang pangalan na Careen.

"Itikom mo nga iyang bibig mo Lynx," sambit pa ng isang kaibigan mila na si Ivan sabay bunggo sa kaniyang balikat.

"Siraulo ka talaga Lynx. By the way guys I would like you to meet my friend, Kristina. Kristina mga kaibigan ko pala, si Ivan, Joshua at si Lynx," pakilala pa ni Troy sa mga kaibigan niya.

"Hi guys, ikinagagalak ko kayong lahat na makilala," ani ko pa sabay ngumiti ng kunti.

"Maupo ka pala Kristina," sabay inabot sa akin ni Troy ang upuan. "Anyway pasensya kana medyo malakas kasi mangtrip itong mga kaibigan ko. At 'wag mong seryosohin ang bawat sasabihin nila sapagkat sasakit lang iyang ulo mo sa kakaisip," dagdag pa ni Troy na tila parang may kaka-ibang ikinikilos.