Chapter 25

"Oh ganoon ba, bakit ka nga pala nandito. Tila para yatang nababasa ko na mayroon kang sasabihin sa amin ng Dad mo?" Sambit pa ni Mom na tila napapaisip ng husto.

"Um, sa katunayan po Mom ay magpapaalam po sana ako sa inyong dalawa ni Dad sa aking gagawing pagra-ride mamaya. Kung iyon po ay ayos lang sa inyo, total matagal tagal din namang akong hindi nakapag-ride hindi po ba?" Ani ko pa na tila may pag-aalinlangan.

Napatigil naman sa pagbabasa ng dyaryo si Mom. "Hay nako ikaw talagang bata ka. At Sino naman ang kasama mong mag-ride samantalang wala na naman dito ang mga kaibigan at barkada mo," wika pa ng Mom ko sabay huminga nang malalim.

"Ako lang po Mommy. Simula pa naman nu'ng una ay nakasanayan ko nang mag-ride mag-isa,"

"At saan na naman ba iyang destinasyon mo ha?" Tanong niya habang napapaisip.

"Maglilibot libot lang naman po ako Mommy. Siguro doon pa rin sa lugar kung saan palagi kong pinupuntahan noon," ani ko pa.

"Osya mag-ingat ka ha at hinay-hinay lang sa pagda-drive. Magpapasko na at delikado ang panahon ika pa ng mga matatanda," wika pa niya sabay uminom ng kape.

"Nako nagpapaniwala ka diyan. Nag-iingat maman po ako palagi Mommy. So, don't you worry okay?" Sabi ko pa sabay tumawa.

"Hay nakong bata ko. Oh ayan na pala ang Daddy mo," sabay tingin kay Daddy.

"Oh hi dad good morning," pangiting bati ko kay Daddy.

"Good morning din Sweetie. Saan ang punta natin bakit bihis na bihis at bakit may dala kang helmet aber?" Tanong pa ng Dad ko habang may pagtataka sa kaniyang mukha na makikita.

"Um, kasi Dad, magra-ride po sana ako ngayon," maikling sagot ko habang mahina ang boses ng pagkasabi.

Napatigil naman si Dad agad agarang nakaupo sa upuan.

"Ride? Dilikado ang panahon ngayon . Dito ka lang sa bahay at hindi ka magra-ride," ani pa ni Dad na tila ayaw talaga akong payagan umalis ng bahay.

"Daddy naman, nag-iingat naman ako palagi ha. Payagan niyo po ako para namang bata ako niyan subalit ang tanda ko na," wika ko sabay hinawakan siya sa kaniyang kamay at pilit na kinokombinsi upang payagan ako.

"Anak, naninigurado lang ako. Alam mo namang maraming riders diyan na kung maka-drive ay wagas, halos sakupin na buong daan. Eh paano kapag madamay ka ha?" Palakas na boses na pagsabi ni Dad sabay tinitigan ako.

"Daddy naman, nag-iingat nga ako," sabay pagtaas ng aking mga kilay na halatang nababagot sa mga sinasabi ni Dad na tila ayaw talaga akong payagan.

"Honey, payagan mo na iyan, minsan na nga lang kung makauwi iyan dito," sambit pa ng Mommy ko na tila gustong payagan ako.

"Ini-spoiled mo talaga itong anak mo," sabi pa ni Dad sa kanya sabay tiningnan siya.

"Daddy talaga, papayag na nga ang dami pang sinasabi," sambit ko pa habang napakamot sa aking ulo.

"Hay may magagawa pa ba ako, oh sege na nga at tandaan mo lang 'yung tugon at ibinilin ko sa'yo palagi. Ang mag-ingat!" Tugon pa ni Dad sabay napakamot sa kaniyang ulo dahil sa walang may nagawa kun'di ang payagan na lamang ako.

"Yes captain!" Palakas na boses na pagsabi ko sabay ngumiti at tumawa.

Nang pinayagan ako ng Daddy ko na mag-ride ay dali-dali agad akong pumunta ng garahe upang kunin ang motorbike ko at nang makaalis na.

"Oy Kristina umaalis kana kahit hindi ka pa kumakain. Kumain ka na muna." Pasigaw na pagsabi ng Mommy ko dahil sa malayo na ang distansya ko mula sa kanila.

"Doon na lang po ako kakain Mommy,"

palakas na sagot ko sa kanya sabay suot ng aking helmet.

"At iyon nagmamadali nakalimutan nang magpalam," zambit pa ni Dad sabay huminga nang malalim.

"Oh ayan bumalik." wika pa ni Mom nang makita akong pabalik sa kanila.

"Bye dad, bye mom!" Sabay halik sa kanilang pisngi at bumalik sa garahe.

Pagbalik ko ng garahe ay tumambad agad sa akin ang aking motorbike.

"Hay ang ganda mo pa rin kahit ang tagal ng hindi kita na alagaan, mabuti nablang at nandito si Daddy para sa'yo," bulong ko sa sarili.

Sumakay ako sa aking motorbike at sabay pinaandar tsaka umalis.

Nang buma-byahe na ako ay hatalang ka pansin-pansin ako sa mga tao. Halos tumitingin sa akin ang mga taong makasalubong ko sa daan o madaanan ko sa daan.

Bukod sa malaki at maganda ang motorbike ko ay maganda rin ako at kaaya-ayang tignan habang sumasakay sa aking motorbike.

Ilang oras din ang naging byahe ko dahil sa aking paglilibot libot. Nakakapagod man ngunit subrang saya naman at sulit talaga ang pagod sa pagra-ride ko dahil sa magagandang tanawin na madaanan at makikita ko.

Sa aking pagba-byahe ay nakaagaw pansin sa akin ang isang magandang tanawin na malapit lang sa daan.

Makikita ang nagagandahang bundok at lawak ng karagatan. Kung kaya't nagpasya muna akong huminto at magpahinga rito, gayon din upang mapagmasdan ko ang magandang tanawin at nang makasagap nang sariwang hangin.

Mga kalahating oras na ang aking pananatili sa lugar na ito. Maya-maya lang ay marami na ang nagsidatingan upang magpahinga sa biyahe at upang mapagmasdan din ang magandang tanawin. Gayon din upang kumuha nang magandang litrato sa magandang view rito.

Ang iba ay kasama ang pamilya, may magjowa at may mga magbabarkada. Smantalang nag-iisa lang ako at walang kasama. Pero kahit ganoon ay masaya pa rin ako.

Ilang saglit pa ay dumami nang dumami ang mga taong nagsidatingan, bukod pa roon ay dumami rin ang mga sasakyan at motorsiklong nakaparada sa daan.

Mayamaya lang ay nagdesisyon na akong umalis upang maghanap ng restaurant na pweding kainan. Dahil sa medyo nakaramdam na ako ng gutom ng mga sandaling iyon.

Bumyahe ako ng 10 minutos bago makarating sa isang restaurant na hindi lang din kalayuan sa na paghintuan ko kanina.

Sikat ito na restaurant at maraming mga tao ang kumakain dito, bukod sa masarap ang pagkain nila ay magaganahan ka rin na kumain at tumambay dito dahil sa makikita mo rin ang nagagagandahang tanawin at lawak ng dagat.