Chapter 24

May bitbit na balloon ang Mom ko habang ang Dad ko naman ay may hawak na karatulang may nakasulat na "Welcome Home Kristina" at may mesa pa sa likod nila na may nakahanda ng pagkain.

Talaga namang pinaghandaan talaga ng mga magulang ko ang aking pagdating, na sa katunayan ay wala naman sana silang natatanggap sa akin na balita na dadating ako ngayong araw.

Ang Mommy Neneth ko pala at Daddy Tony ko.

Dahil sa surpresang ginawa nila sa akin ay subrang saya at tuwa ang aking nadarama na magkahalong emosyon.

"Oh my God! Mom, Dad hindi ko to en-expect ha. Talagang ako pa ng sinurpresa niyo!" Palakas kung pagsabi habang may malaking saya at tuwa na makikita sa aking mukha, sabay niyakap ko silang dalawa nang mahigpit.

"Nagulat ka ba anak? Alam mo ang Daddy mo ang may pakana ng lahat ng ito para sa'yo," wika pa ni Mommy Neneth ko habang subrang tuwa sa nangyari.

"SURPRISE anak naming maganda at masipag," palakas na sambit ni Daddy Tony habang may malaki rin na tuwa at ngiti sa kaniyang mukha na makikita.

"Kayo talaga oh. Alam niyo ba na nagtaka ako kanina dahil sa walang tao sa loob? Nilibot ko kaya ang loob ng bahay ngunit waala kayo. Kung hindi ko pa narinig kanina na may pumutok dito na kung anong bagay, at iyon pala ay balloon. Hindi ko pa talaga malalaman. Kayo talaga oh," ani ko pa sabay tumawa nang malakas na may halong emosyon.

"Nako pasensya kana anak, iyan tuloy nagtaka ka pa. Gusto ka lang kasi naming surpresahin ng Daddy mo," sambit pa ni Mommy sabay hinawakan ang aking mga kamay.

"Oo nga naman anak matagal din kayang nawalay ang anak namin sa amin kaya dapat lang na ma surpresa ka sa pagdating mo rito," wika pa ni Daddy Tony sabay tumingin kay Mommy.

"Alam niyo ba Mom, Dad ay dapat kayo 'yung su-surpresahin ko ngayon subalit ako pa pala itong na surpresa. Bakit ba parang tyming naman yata ang paghanda niyo nito subalit hindi ko naman pinaalam sa inyo na darating ako ngayong araw?" Pagtatakang tanong ko pa sa kanila sabay tingin sa lamesa na maraming nakahandang pagkain.

"Hay nako anak kahit na pa minsan-minsan ka lang kung makauwi rito ay tinatandaan talaga namin ng Mommy mo ang bawat araw na pag-uwi mo rito at oras ng pagdating mo kaya hindi na bago sa amin ng Mommy mo iyan. Alam namin na darating at darating ka ngayong araw at hindi nga kami nagkamali ng Mommy mo," wika pa ni Daddy sabay napatawa nang malakas.

"Sinadya ko nga na hindi ko ipagbigay alam sa inyo ang tungkol sa pag-uwi ko, para ng sa ganoon ay ma surpresa ko kayo. Subalit ako pa itong na surpresa. Payakap nga ulit sa inyong dalawa miss na miss ko na kayo eh," ani ko pa sabay tumawa at tsaka niyakap sila ulit nang mahigpit.

Matapos ang aming pag-uusap tatlo at pagyayakapan ay nagsalo salo kami sa mga pagkaing nakahanda sa lamesa.

Ilang araw na lang ay magsasapit na ang pasko. Abala ang lahat sa paghahanda gayon din kami ng pamilya ko.

Kinabukasan paggising ko ay agad sumagil sa aking isipan na bisitahin at tingnan ko ang aking motorbike sa garahe. Kung ito'y maayos pa ba o baka napabayaan na dahil sa tagal ng panahon bago ako muling nakabalik dito.

Pagpunta ko ng garahe ay agaw pansin sa akin ang isang napakaganda at bagong-bago na motorbike na tila hindi lalayo sa dating motorbike ko na bagong bili.

Napaisip ako kung bakit may bagong motorbike rito subalit sa aking pagkaka-alam ay hindi naman gumagamit si Dad ng motorbike at ako lamang itong gumagamit.

Pagpunta ko sa sulok upang hanapin ang aking motorbike ay nagulat ako at nagtaka kung bakit wala na rito.

Tila nalilito ako ng mga oras na iyon, hanggang sa naisipan kong tignan ulit ng mabuti ang bagong motorbike na nakaparada sa garahe at doon ko nga napagtanto na ang motorbike na ito ay siya rin na motorbike ko noon.

Tila namangha at napabilib ako sa bagong anyo at desinyo ng aking motorbike. Talagang ang laki ng pinagbago at ang nakaka-intense ay mas naging maganda at astig ito kesa sa dati.

"Ang galing talaga mag-alaga ng Daddy ko. Pina-upgrade pa talaga itong motorbike ko," pangiting sabi ko sa aking sarili habang masayang pinagmamasdan ang bagong mukha ng aking motorbike.

Ilang saglit pa habang abala ako sa pagtitig sa aking motorbike ay naisipan kong mag-ride, lalo na at kay tagal ko itong hinintay na muling makapag-ride.

Sa katunayan ay mahilig talaga akong mag-ride at kung nandito nga ako sa lugar namin ay puros ride talaga ang ina-atupag ko.

Matagal din ang panahon na hindi ako nakapag-ride kaya susulitin ko itong araw na ito habang nandito pa ako sa Laguna.

Kahit walang kasama ay sanay na rin naman akong mag-ride mag-isa.

Halos lahat na kasi ng mga kaibigan ko at kabarkada sa lugar namin ay nag si-alisan na at pumunta sa ibang lugar. Nagtrabaho sa malayo, samantalang ang iba naman ay may kanya-kanya ng pamilya. Kaya paminsan minsan na lang sa isang taon kung magkakasama kaming magbabarkada.

Matapos ang mga sandaling iyon ay nagbihis ako at pagakatapos ay nagdesisyon na akong puntahan sina Mom at Dad upang pormal na makapagpaalam sa kanilang dalawa, patungkol sa aking pagra-ride ngayong araw.

Pagdating ko sa hardin kung saan abala sa pagbabasa ng dyaryo at pag-inom ng kape si Mommy.

"Hi Mom, good morning by the way!" Sabay halik sa kaniyang pisngi.

"Oh hi honey magandang umaga rin sa iyo. Tila maganda ang gising mo ngayong araw. Magkape ka muna at samahan mo kami mamaya ng Dad mo rito," wika pa ni Mom sabay ngumiti sa akin.

"No thanks Mom, hindi na kasi ako nasanay na magkape tuwing umaga,"

ani ko pa habang kumukuha ng bwelo sa aking gagawing pagpapaalam sa kanila patungkol sa aking pagra-ride mamaya.