Chapter 23

"Troo.. Trooy is that you?" Palakas at pautal kong pagsabi habang hindi mapakali sa aking sarili dulot ng labis na pagkagulat at hindi makapaniwala.

"Oh bakit parang gulat na gulat ka?" Pangiting tanong ni Troy sabay tumawa dahil sa naging reaskyon ko.

"Anong ginagawa mo rito bakit ka nandito?" Palakas na boses na tanong ko sa kanya sabay tingin sa ibang pasahero.

"Eto sumasakay ng eroplano," maikling sagot ni Troy habang panay lang sa pag-ngiti sa akin.

"Oo nga . Teka lang bakit nga ba? Saan ka ba pupunta ha? Sinusundan mo ba ako?" gulat at pagatatakang tanong ko sa kanya sabay napapaisip ng husto.

"Saan ba ang punta eroplanong sinsakyan natin?" Tanong pa niya sabay tinitigan ako sa aking mga mata.

"Sa Laguna," maikling sagot ko sabay napapaisip.

"E'di sa Laguna ang punta ko," wika pa ni Troy habang panay lang sa pag-ngiti at pagtawa habang kinakausap ako.

"Teka lang, hindi ba't isa kang Piloto at nagtatrabaho sa eroplano? Eh bakit_?

"Nag-leave muna ako sa trabaho. Dahil magbabakasyon ako," mabilis na sagot niya habang mas nilalapit pa ng husto ang kaniyang mukha sa aking mukha.

"Sinusundan mo ba ako?" Pagdududang tanong ko sa kanya sabay pag-atras ng aking mukha palayo sa kanya.

"Actually, Kristina pupunta ako sa bahay nang Lolo ko sa Laguna . Taga Laguna rin kasi ang Lolo ko. Ikaw bakit ka papuntang Laguna?"

"Ah, ganoon ba?" Sabay napapaisip ng husto habang palihim na nakaramdam ng hiya dulot ng mga sinabi ko kanina sa kanya na sinusundan niya ako. "Eh dahil sa taga Laguna rin ako," ani ko pa sabay iwas sa mga tingin niya sa akin.

"Ang liit lang talaga ng mundo natin para sa isat-isa," pangiting sabi pa niya na tila parang kinikilig pa.

"Nakakahiya naman naging assuming ako sa part na sinusundan niya ako, Hay nako." bulong ko pa sa aking sarili habang palihim na tinitingnan siya, sabay napakamot sa aking ulo.

Talaga ngang napakaliit ng mundo para sa aming dalawa ni Troy. Akalain mo ba naman ay makakasabay pa kami ng eroplanong sasakyan at ang mas nakaka-intense ay parehang iisang lugar lang ang distinasyon namin o siyang patutunguhan namin. Napakaliit nga talaga ng mundo.

Nag-usap lang kami nang nag-usap ni Troy habang nasa byahe kami. Hanggang sa nakarating na kami ng Laguna Airport.

"So, paano Troy. Hanggang dito na lang ang pag-uusap natin. Pupunta na ako roon at maghahanap ng taxi pauwi sa amin," sabi ko kay Troy sabay ngumiti ng kunti habang hawak-hawak ang isang malitang dala ko.

"Sege, Kristina pupunta rin ako doon sa kabila. Mag-ingat ka," wika pa ni Troy sabay ngumiti at tinitigan ako sa aking mga mata.

"Sege ikaw din," maikling sabi ko sabay tinitigan siya sa kaniyang mukha.

Bago pa man kami naghiwalay ng daan ni Troy ay may binitawang salita siya sa akin.

"Malawak din itong Laguna para sa ating dalawa Kristina. Ngunit kung magkikita man tayo muli, isa lang ang ibig iparating nu'n. Na gumagawa talaga ang tadhana ng paraan para sa ating dalawa na muling ipaglapit at ipagtagpo tayo," wika pa ni Troy sabay ngumiti sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata na halatang parang may nais siyang iparating sa akin.

"Kung iyan nga ay magkikita pa tayong dalawa. Hindi naman natin masasabi iyan," maikling sagot ko sabay ngumiti.

"Hahanapin na lang kita. Maliit lang naman itong Laguna para sa akin. Alam kong magkikita tayo dito,"

Matapos ang aming pag-uusap dalawa ni Troy ay nagkanya-kanya na kaming sumakay ng sasakyan papunta at pauwi sa aming lugar.

Kanya-kanya na kaming sakay ng taxi ni Troy patungo sa magkaibang lugar namin sa Laguna.

Habang nasa ako taxi pauwi.

"Bakit parang ang gaan ng loob ko kay Troy? Kahit na kahapon lang kami nagsimulang magkamabutihan dalawa ay parang ayos na ang lahat na parang walang may nangyaring galit, puot at tampuhan dito sa aking puso," sabay napapaisip. "Um, bakit kaya? Ang dali ko namang magpatawad ano," bulong ko pa sa aking sarili habang abala sa pagtanaw sa madadaanan ko sa daan.

Sa taxi habang pauwi rin si Troy papunta sa kanilang lugar ay bigla-bigla na lang din siyang napangiti. "Parang ang bilis lang ni Kristina magpatawad, parang ayos na agad sa kanya ang lahat. Kahit papaano ay hindi pa rin syia nag-iba, kahit di ko man siya lubusag kilala alam kong mabuting tao si Kristina," bulong ni Troy sa kaniyang sarili sabay napatingin sa bintana ng sasakyan at ngumiti ng kunti.

Alas tres na nang hapon nang makarating ako sa bahay namin.

Tumambad agad sa akin ang napakagandang tanawin na aking tinubuan mula sa aking kabataan. Sariwa ang hangin at malayo pa sa polusyon.

Pagpasok ko ng bahay ay tahimik ito, tila nagtaka pa ako dahil sa wala man lang akong ingay na narinig at wala akong may narinig na kahit pag-uusap nina Mommy at Daddy.

"Saan kaya ang mga tao rito? Bakit ang tahimik? Paano ko nito ma su-surprise sina Mommy at Daddy kung wala sila rito?" Habang kausap ko ang aking sarili na siyang abala sa paghahanap sa kanila sa bawat sulok ng aming bahay.

Sa katunayan ay balak ko talagang surprisahin ang Mom at Dad ko, kaya hindi ko na nagawang ipagbigay alam sa kanila ang tungkol sa aking pagdating ngayong araw.

Ngunit walang tao at tahimik lang ang bahay namin. Nakapagtataka lang at hindi naman nakakandado ang pintuan at ang gate pero walang tao sa loob.

"Hay paano ko sila ma su-surpresa. Parang ako pa yata ang na surpresa nang pagdating na pagdating ko ay walang tao," bulong ko pa sa aking sarili habang abala sa pagtingin sa palibot ng bahay.

Ilang saglit lang ay may narinig akong may pumutok na kung anong bagay sa likod ng bahay namin. Kung kaya't agad akong pumunta roon upang alamin kung anong bagay ang pumutok.

Paglabas ko ng bahay kung saan ko narinig na may pumutok na bagay ay laking gulat ko nang surpresahin ako ng Dad at Mom ko. Imbis na ako ang dapat na magsurpresa sa kanilang dalawa ay ako pa itong sinurpresa nang dalawa.