Chapter 22
Nagulat naman ako at nanlumo ang aking mga mata sa aking narinig na balita patungkol sa kaniyang Ama.
"I'm sorry to hear that," malungkot na pagkasabi ko sabay huminga nang malalim.
"Ngayon ay napaliwanag ko na sa'yo kung anong dahilan ng pag-alis ko." maikling sabi niya sabay huminga nang malalim.
"I'm sorry. Condolence by the way," pakiramay ko pa sa kanya habang malungkot na tiningnan siya sa kaniyang katayuan.
"Sana ay maunawaan mo ako Kristina." wika pa niya habang dahan-dahan na tiningnan ako sa aking mukha.
Napaisip naman ako sa aking isasagot sa sinabi niya. "At bakit kay tagal bago ka nagpakita sa akin Troy?"
"Gustuhin ko sanang bumalik ng Pinas pero hindi pwedi. Kailangan ko na kasing bumalik sa trabaho ko ng panahon na iyon," paliwanag pa niya sabay lumapit sa akin ng kunti.
"At bakit ka ba bumalik pa rito?" Maikling tanong ko na tila may pag-aalinlangan.
"Because of you Kristina," mabilis na sagot niya sabay tinitigan ako sa aking mga mata.
Napatigil ako bigla sa sinabi ni Troy na tila parang hindi mapakali sa aking sarili.
"What?! Alam mo Troy luma na iyan," wika ko sabay lumakad papuntang sofa at umupo.
"Noong gabing may nangyari sa atin. It was a very memorable night for me at hinding hindi ko iyon makakalimutan," wika pa ni Troy sabay sinundan ako.
"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka at tila pag-aalinlangang tanong ko sa kanya.
"Gusto kong magkalapit ang loob natin sa isat-isa Kristina. Gusto kong makilala pa natin ang isat-isa." sagot niya habang may makikitang kunting tuwa sa kaniyang mukha.
Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa. "Sabihin na nga natin na naging makabuluhan din sa akin ang nangyari sa atin noon Troy," bulong ko sa aking sa sarili habang napapaisip ng husto kong sasabihin ko ba ito sa kanya o hindi.
"Pwedi bang makilala kita ng lubusan?" Maikling tanong pa ni Troy na tilla nag-alinlangan pang sabihin ito.
Huminga ako ng malalim at napakagat sa aking labi. "Sege, waala namang masama," mabilis na sagot ko sabay ininom ang kape na nasa mesa na siyang kape pala ni Troy.
"Hindi kana ba galit sa akin? Nang malaman mo na ang totoong nangyari?" Tanong pa niya habang tinitingnan ako.
"Naiintidihan kita. It's okay, walang problema," maikling sagot ko sa kanya sabay tumayo at tiningnan siya.
"Salamat kristina," malakas na boses na pagsabi ni Troy na halatang may saya at tuwa sa kaniyang mga mukha, kasabay nang pagyakap sa akin bigla nang mahigpit.
Nagulat naman ako sa biglaan na pagyakap ni Troy sa akin. Hindi na ako umalma pa at hinayaan ko na lamang siya na yakapin ako.
"I'm sorry Kristina. Masaya lang kasi ako dahil sa pinagbigyan mo akong magpaliwanag, gayon din nang patawarin mo ako sa aking nagawang pagkakamali sa iyo." wika pa ni Troy habang abala sa pagyakap sa akin.
"It's okay Troy, nauunawaan naman kita. Sorry din at naging judgemental ako sa'yo at pasensya na kung naging mataray ako at hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa'yo," ani ko pa habang dahan-dahan na hinawakan siya sa kaniyang likod.
"Ayos lang Kristina, naiintidihan naman kita kung bakit at hindi din kita masisisi kung nagkakaganyan ka ngayon."
"Tama na nga iyan," malakas na boses na pagsabi ko sabay tumawa ng kunti.
Matapos ang pag-uusap at pagpapaliwanag ni Troy sa akin ay naniwala agad ako sa kanya at nagawa ko na rin na alisin ang puot at pagkagalit sa aking puso na aking nararamdaman para sa kanya.
Naging maganda rin ang pag-uusap namin ng araw na iyon ni Troy. At kahit papaano ay naging maganda na rin ang pakikitungo namin sa isat-isa at naging malambot na rin ang loob ko sa kanya, simula nu'ng ipinaliwanag niya sa akin ang lahat.
Tila hindi na alintana sa akin ang mga nagawa niyang hindi maganda noon sa akin dahil sa bigla nalang na lumambot itong puso ko sa kanya matapos ang aming naging pag-uusap.
Kina-umagahan, araw kung saan lilipad akong Laguna.
Naligpit ko na ang mga gamit ko at kakailanganin kong gamit.
Pagakatapos ay pumunta agad ako sa Airport upang hindi mahuli sa aking flight papuntang Laguna.
Sa eroplano habang nakaupo ako sa aking upuan. At abala rin ang ibang tao para sa paghahanap ng kanilang pwesto.
Habang nakaupo ako at umiinom ng tubig ay may lalaking biglang tumabi sa kinauupuan ko.
Naka sombrero ito at nakasalamin kaya't hindi ko maliwanagan ang mukha nito.
Hindi ko na pinansin ang lalaki na aking katabi at nagpatuloy na lang ako sa pag-inom ng tubig, kahit na medyo hindi ako kampanti sa aking pwesto lalo na at parang kaka-iba ang lalaking ito ay hindi ko na lamang inisip pa iyon.
Ilang sandali na lang at lilipad na ang eroplano.
Nang makalipad na ang eroplano ay pinagmasdan ko ang nagagagndahang mga ulap. Nakapwesto kasi ako malapit sa bintana kaya matatanaw ko ang ibat-ibang tanawin sa ibaba.
Mayamaya pa ay biglang nagsalita ang lalaking katabi ko at tila parang ako itong kinakausap niya.
"Parang nawili kana diyan kakatingin sa mga tanawin at mga ulap," wika pa ng lalaking katabi ko habang abala sa pagtingin sa akin.
"Ah, oo nga," sagot ko naman sabay tumawa habang abala lang sa pagtanaw ng mga tanawin sa ibaba.
Matapos kong sumagot sa sinabi ng lalaki ay bigla akong natigilan dahil sa naging agaw pansin sa aking taenga nang marinig ko ang boses ng lalaking kausap ko at naging katabi ko ngayon sa upuan. Sapagkat parang pamilyar sa akin ang boses niya.
"Who are you?" Unti-unti kong pagtanong sa lalaking katabi ko habang dahan-dahan na lumilingon sa kanya.
Nang paglingon ko ay bumungad agad sa akin ang malaking ngiti ng lalaking katabi ko. Mayamaya pa ay inalis nito ang suot niyang sombrero kasunod din ang suot niyang salamin sabay sabing_
"Gulat ka nu!" Wika pa ng lalaking katabi ko sabay tumawa.
Laking gulat ko ng tumambad sa akin ang mukha ni Troy. Tila hindi ako makapaniwala at hindi ko talaga inaaakala na makakasama ko sa iisang eroplano si Troy.