Chapter 21

Natauhan ako sa mga sinabi ni Troy ng mga sandaling iyong kung kaya't pinagbigyan ko na lang siya na magpaliwanag sa akin at sabihin ang mga gusto niyang sabihin.

"Okay, pagbibigyan kita Troy," wika ko sabay buntong hininga.

"Pwedi ba akong pumasok?" Tanong pa niya na tila nag-alinlangan pa.

"Okay come in," sabay pinapasok ko siya sa loob ng aking bahay.

"Salamat," sabay pumasok.

"Maupo ka at ikukuha lang kita nang maiinom mo," ani ko pa sabay umalis at tumungo ng kusina.

After 5 mins.

Matapos kung maiabot sa kanya ang mainit na kape.

"Okay sabihin mo na ang gusto mong sabihin, 'wag lang pakitagalan sapagkat marami pa akong ililigpitin na mga gamit ko dahil may lakad pa ako bukas," sabay tumingin sa bintana.

"Bakit saan ka ba pupunta bukas?" Pagtatakang tanong niya sa akin sabay humigop ng kape.

Agad naman akong napalingon sa kanya.

"Wala ka na roon!"

"Sege, pasensya kana kung marami pa akong tanong sa iyo," ani pa niya sabay huminga nang malalim.

"Buti naman at alam mo," wika ko sabay umupo sa sofa habang nakatirik ang mga mata sa kanya.

"Um, actually Kristina gusto ko lang sana na malinawan mo kung bakit nawala na lang ako bigla-bigla noon na hindi man lang nagpaalam o kahit pasabi man lang sa iyo," mahinang boses na pagkasabi ni Troy habang napapaisip.

"Bakit mo naman sa akin sinasabi iyan ngayon?" Agad akong tumingin sa kanya. "Well, sabihin na nga nating biglaan ang nangyari sa atin noon," ani ko pa sabay tumingin sa ibabaw ng kisame.

"Yeah, I know pero_" bigla siyang napahinto sa kaniyang pagsasalita. "Okay, alam kong may mali ako dahil nga iniwan na lang kita ng basta-basta pagkatapos ng lahat ng iyon. Okay, isipin mo nang masama akong tao I will not blame you. But andito ako ngayon handang magpaliwanag sa iyo kahit na mahigt isang taon din bago ako muling nagpakita sa iyo," wika pa niya na tila parang may kaka-ibang tono ang paraan ng kaniyang pananalita ngayon.

"So, ano pa ba ang dapat mong sabihin sa ngayon? Sabihin mo lang habang may gana pa akong makinig sa mga sinasabi mo," wika ko naman na tila parang baliwala lang ang lahat ng mga sinasabi niya.

Napakunot ang noo niya na halatang kumukuha ng bwelo para sa kaniyang pagpapaliwanag sa akin.

"Okay, um, I'm really sorry Kristina. Gusto ko lang sana humingi nang patawad sa kabastosang nagawa ko sa iyo noon. At gusto ko lang din sanang marinig galing sa iyo ang salitang pinapatawad mo na ako," ani pa niya sabay tinitigan ako sa aking mga mata.

Napataas naman bigla ang aking mga kilay. "Bakit nga ba Troy? Bakit ba pagkatapos ng lahat na nangyari sa atin ay parang aso na lang ako na bigla-bigla na lang iniwan? Alam kong malaking pagkakamali ang nangyari sa atin noon!" Palakas na boses na pagsabi ko sabay tumayo at tumungo sa bintana. "Okay, sabihin na nating one night stand nga iyon. Pero bakit hindi ka man lang nagpaalam o kaya nagpakita man lang bago ka tuluyang naglaho na parang isang bula. Kahit na text man lang, tawag o kahit na sulat galing sa iyo ay wala man lang. And then after a year, ay bigla-bigla ka na lang magpapakita?" Dagdag ko sabay huminga nang malalim habang may makikitang galit sa paraan ng aking pagkilos at pananalita sa kanya.

"I'm sorry," maikling sagot niya na halatang may lungkot ang tono ng kaniyang pagkasabi.

"Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Wala namang namamagitan sa ating dalawa, we even don't know each other. Isang araw lang nga tayong nagkakakilala, oras nga lang pala. But I wonder_ " sabay napapaisip ng husto. "Sege, hindi na ako mag papaligoy pa. Yes Troy, galit ako sa'yo at malaki ang galit ko sa iyo. Sabihin mo nang assuming ako or over acting, na kahit hindi mo naman ako girlfriend ay umaasta ako na parang girlfriend mo. Tapos galit na galit sa nangyari dahil iniwan mo ako ng wala man lang paalam o kahit pasabi! At matapos ang matagal na panahon ay ngayon ka lang nagpakita, despite of everything happened between us! So weird!" Palakas na boses at galit na pagsabi ko sabay tumawa na halatang napipilitan lang.

Dahan-dahan siyang tumayo habang tinitingnan akong nakatalikod sa kanya.

"Alas kwatro nang umaga noon ng biglang tumunog ang cellphone ko. I get my phone and read the message. I was shock nang mabasa ko ang message, na ang father ko is in critical condition, inataki sa puso ang father ko. Kailangan ko siyang puntahan dahil sabi ng pinsan ko ay nag-aagaw buhay na siya at hinahanap niya ako. Matanda na ang father ko at matagal na siyang may sakit sa puso. Kaya ng mga sandaling iyon ay dali-dali akong umalis ng Pinas upang tumungo nang Canada kung saan nandoon siya. Almost 5 years na rin ang father ko sa Canada at naging residente na siya doon. Inisip kita Kristina kung anong magiging reaksyon mo pagkagising mo na madatnan mo akong wala na sa tabi mo," paliwanag pa niya sabay niyuko ang ulo habang napapaisip ng husto.

"Mahimbing kasi ang tulog mo noon kaya ayaw na kitang gisingin o abalahin pa. Kaya umalis na lang ako ng hindi na nagawang magpapaalam sa iyo, kahit na alam kong ikakasama ito ng loob mo. Bukod pa roon ay talagang nagmamadali ako sapagkat hinahabol na ako ng oras. Ayaw kung madatnan ang father ko na wala ng buhay na hindi man lang kami nagkita dalawa. I'm sorry." dagdag na paliwanag pa ni Troy habang may lungkot sa kaniyang puso na nadarama.

Napatigil naman ako, at tila parang bigla-bigla na lang akong naliwanagan sa kaniyang mga sinabi. Lalo na nang ibahagi niya sa akin ang kalagayan ng kaniyang Ama. "And how's your father?" mahinang boses na tanong ko sa kanya sabay lumingon ng dahan-dahan at tiningnan siya sa kaniyang mukha.

Sumiryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "He's dead, hinintay lang ng father ko ang aking pagdating sa Canada, then after an hour ay binawian na rin siya ng buhay," wika pa niya habang malungkot na tiningnan ang kaniyang relo na siyang regalo pa ng father niya noong nakaraang kaarawan niya.