Chapter 20

"Oh sege bye," kinawayan ko naman siya na may kasama pang ngiti sa aking mga labi habang palihim na nagkukunwari lang.

Umalis na lang si Troy ng hindi man lang na tapos ang pag-uusap namin dalawa. Gayon din ang hindi niya magawang makapagapaliwanag sa gusto niyang ipaliwanag sa akin.

Gusto ko rin naman sanang kausapin si Trooy, sa katunayan ay natuwa ako ng makausap ko siya lalo na at pumunta talaga siya rito sa bahay ko.

Kaso nga lang ay gusto ko na talagang ilayo ang sarili ko sa kanya. Dahil sa lubos akong nasaktan at nagalit sa kanya nu'ng basta-basta na lang ang pag-alis niya at pag-iwan sa akin ng wala man lang paalam.

Alam ko sa sarili ko na kahit isang araw lang kami noon nagkakilala ni Troy ay naging makabuluhan sa akin ang maikling panahon na iyon.

Hindii ko nga alam kung bakit galit ako at kinamumuhian ko siya. Dahil ba sa umasa lang ako sa wala o dahil sa ibinigay ko na sa kanya ang katawan ko ng ganoon-ganoon lang kadali.

It was an accident na bigla-bigla na lang nangyari but we know each other na ginusto na nga namin iyon. And beside that, we enjoy doing it.

Hindi ko naman masisisi si Troy sa nangyari sa katunayan ay wala dapat akong ikagagalit sa kanya dahil ginusto ko rin naman ang nangyari sa aming dalawa nu'ng araw na iyon.

Hindi ko lang ma intindihan kung bakit nagkakaganito ako ngayon sa kanya.

"Hay ano ka ba self?" Tanong ko sa aking sarili sabay tingin sa labas ng bintana habang naguguluhan sa mga nangyayari.

Kinabukasan maaga pa lang ay sinundo na agad ako ni Mike sa bahay upang lumabas kami ng sa ganon ay bago ako umuwi sa amin ay magkasama muna kaming dalawa.

Pumunta kami ni Mike sa sikat na pasyalan dito sa Gen. San, nag ikot-ikot kami kung saan-saan at naglibang sa isat-isa.

Pagkatapos naming mamasyal at umikot-ikot ay nagdesisyon na rin kaming umuwi, sapagkat marami pa akong ililigpit na gamit para sa pag-alis ko bukas.

Mga alas tres na ng hapon nang makauwi kami ng bahay. Maaga pa para maligpit ko lahat ng mga gamit ko at ang mga kakailanganin kung dalhin sa aking pag-uwi.

Sa bahay pagdating ko ay agad akong humiga sa aking kama dulot sa pagod ng aming pamamasyal kanina.

"Hay nakakapagod pero masaya naman, marami pa pala akong kailangang iligpit na gamit dahil bukas na pala ang Alis ko pauwing Laguna. Makikita ko na rin at makasama sina Mommy at Daddy," habang kausap ang aking sarili.

Habang nasa kalagitnaan ako nang pagliligpit ng aking mga gamit ay may biglang kumatok sa aking pintuan na siyang ikinagulat at ipinagtaka ko ng husto.

Tok! Tok! Tok!

Napalingon ako bigla at napatingin sa pintuan. "Sino kaya ito?" Sabay napapaisip ng husto. "Ah siguro si Mike naiwan niya kasi ang binili niyang t-shirt kanina. Mabuti na lang at bumalik siya," bulong ko pa sa aking sarili sabay lumapit sa pintuan upang buksan.

Pagbukas ng pinto ay agad kong inayos ang t-shirt bago iabot sa kanya.

"Hay nako Mike mabuti na lang at bumalik ka. Naisipan mo 'yung t-shirt na naiwan mo sa bahay ko nu?" Wika ko pa sabay abot ng t-shirt habang abala sa pag-aayos nito.

Pag-abot ko ng t shirt at pagkakita ko ng mukha ay laking gulat ko ng makita kong si Troy pala ito at hindi si Mike.

"Ay nako kabayo! Palaka na boses at gulat na pagsabi ko habang aksidenting natapon ko sa sahig ang t-shirt.

"Ha? Sinong kabayo? Tanong pa ni Troy na halatang nagulat din sa aking sinabi at sa naging reaksyon ko.

"Ha ah wala!" Sabay pulot ng t-shirt sa sahig. "Teka lang nu! At ano naman ang gingawa mo rito? Talaga ba na hindi mo ako titigilan ha?" Pasigaw kong pagsabi sabay pagtaas ng aking mga kilay habang tinitingnan siya ng masakit sa mata.

"Sandali nga lang Kristina. Galit ka na naman. Ano ba talaga iyang kinagagalit mo sa akin ha?" Wika pa ni Troy na tila parang natatakot sa naging reaksyon ko sa kanya.

"E bakit ka ba nandito Troy? Diba ang sabi ko naman sa iyo na 'wag ka nang magpapakita pa sa akin kahit kailan!" Ani ko pa sabay tiningnan siya nang masakit mula ulo hanggang paa.

"Gusto lang naman sana kitang makausap, masama ba iyon?" Pautal na tanong ni Troy sabay umatras ng kunti mula sa akin.

"Sabi ko ayaw kitang makita! Well, obviously ayaw din kitang makausap kaya umalis ka nalang pwedi?!" Sabay tinalikuran siya at lumakad papasok ng bahay.

Agad naman sumunod si Troy at hinawakan ang aking kamay.

"Kakausapin lang naman kita ah."

Napahinto naman ako at agad na kinuha nang pilit ang aking kamay mula sa kaniyang pagkahawak.

"Nag-usap na tayo kagabe hindi ba? So, tapos na iyon, ano pa ba kailangan mo ha? Alam mo marami akong ginagawa sa ngayon kaya wala akong panahon sa'yo maliwanag ba iyon?"

"Hindi ako aalis dito kapag hindi mo ako kinakausap nang matino. Oo nag-usap nga tayo kagabe subalit hindi mo naman ako pinagbigyan upang maipagpatuloy ko ang aking mga sinasabi sa iyo. Gusto ko lang naman sana magpaliwanag kung bakit," paliwanag pa ni Troy na halata ang pamimilit sa akin na makipag-usap.

"Magpaliwanag? Ano pa ba dapat mong ipaliwanag ha?"

"Okay . Um, I'm sorry I know Im mistake." mahinang boses na pagsabi niya sabay niyuko ang kaniyang ulo at tumingin na lang sa sahig.

Napatigil naman ako bigla nang mag-sorry sa akin si Troy. "Ah, sorry for what?" Mhinang tanong ko sa kanya na tia may pag-aalinlangan.

"I know galit ka sa akin at hindi ko na itatanong pa iyon kung bakit at kung anong dahilan ng galit mo sa akin. Dahil alam ko, okay it was my fault hindi kita masisisi pero magpapaliwanag ako. Please," ani pa ni Troy habag dahan-dahan na tumitingin sa akin.