Chapter 19

"Ops ano ba iyan isa-isa lang ang tanong. Mahina ang kalaban," ani pa niya sabay huminga ng malalim.

"Ano ba talaga ang kailangan mo ha?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Kararating ko pa nga lang mainit na agad ang ulo mo. At tsaka napansin ko, agad-agad naman yata ang paglabas mo ng pinto ng makita mo ako. Siguro inaabangan mo ako nu o di kaya nag-expect kana na ako ang paparating. Oy aminin," pangiting sabi niya habang nagawa pang magbiro sa akin.

"At nagawa mo pang mabiro ha! Pwedi ba umalis ka na lang dito, wala akong panahon makipag-usap sa'yo okay?" Galit na pagkasabi ko sabay tumalikod at lumakad palayo sa kanya.

"Sandali lang gusto lang naman kitang makausap eh," sabay sumunod sa akin at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay.

Napatigil at napahinto namn ako sa aking paglakad.

"Makausap? For what!?" sabay pag-alis ng kaniyang kamay mula sa pagkahawak sa aking kamay.

"Baka siguro pweding papasukin mo muna ako sa loob ng bahay mo ng sa ganoon ay maging maayos ang pag-uusap natin dalawa. Bisita mo ako remember," wika pa niya sabay huminga ng malalim habang nakatitig sa aking mukha.

At hindi na ako umimik kaya pinagbigyan ko na lang siya. Pinapasok ko na lang si Troy sa aking bahay.

"Sege maupo ka aking bisita," sabi ko sa kanya sabay ngumiti na halatang napipilitan lang.

Agad naman siyang umupo na tila may paakit na ngiting patingin pa sa akin.

"So, anong sasabihin mo?" Tanong ko kay Troy sabay tiningnan siya habang nakaupo sa sofa.

"Hindi ba pweding bigyan mo naman ako ng inumin like coffee or kaya tea? Sa pagkaka-alam ko ganyan ang tamang pagtanggap ng bisita," wika pa niya sabay ngumiti sa akin habang tinititigan ako sa aking mga mata.

Nanggigigil ako dahil nagawa pa nitong mag-demand sa akin.

"Hooh! Oh sege anong gusto mo?" Tnong ko pa habang nanggigil na sa kanya.

"Iyan, ganyan dapat. Um, coffee na lang Kristina, please," sabay ngumiti na halatang nasisiyahan sa pag-utos sa akin.

"Okay walang problema," pangiting sabi ko naman na halatang napipilitan lang sabay umalis at pumunta ng kusina.

Tinimplahan ko nga ng kape si Troy. Kahit na naiinis na ako at nanggigigil sa kanya ay pinagbigyan ko pa rin siya sa gusto niya.

Nang matapos kong magtimpla ng kape para sa kanya ay agad akong bumalik sa sala upang ihatid ang inumin niyang kape. "Oh eto na pala ang kape mo, mahal na hari," pataray kong pagsabi sa kanya habang inaabot sa kanya ang inumin niyang kape.

"Thank you Kristina," sabay inabot ang kape at ngumiti sa akin.

"So, hindi na ako magpaligoy ligoy pa. Sabihin mo sa akin kung anong ginagawa mo rito," biglang tanong ko sa kanya sabay umupo sa sofa habang kaharap siya.

"Alam mo Kristina kahit na masungit at galit ka pala ay maganda ka pa rin. At hindi ka pa rin nagbabago ang ganda pa rin ng katawan mo," ani pa ni Troy sabay tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Napaupo naman ako sa sofa.

"Pwedi ba Troy tama na nga 'yang pambobola mo. Hindi mo ako madadala sa mga ganyan-ganyan mong gawain!" Palakas na boses at galit na pagsabi ko sa kaniya sabay huminga ng malalim.

Napatigil naman si Troy at tila na bigla sa sinabi ko kaya't nagawa niyang magseryoso at tumigil sa mga pambobola niya. "Talagang sadya ko ang puntahan ka Kristina. Actually, matagal ko na talaga ang plano na puntahan ka. Kaso palaging wrong timing. Kung wala ka sa bahay mo kasama mo naman Aag boyfriend mo. Boyfriend mo nga ba siya talaga?" Wika pa ni Troy sabay huminga ng malalim habang tinitingnan ako.

"Wow! Ang galing mo rin pa lang magrason ano. At wala ka nang pakialam kung ano ko siya!" Ani ko pa habang napalakas ang aking boses sa pagsabi dahil sa aking galit sa kanya.

"Alam kong galit ka sa akin Kristina. Gusto ko lang sana na malaman mo kung ano ang totoong nangyari o naging dahilan ko kung..." biglang naputol ang kaniyang pagsasalita dahilan sa bigla akong sumulpot sa aming pag-uusap dalawa.

"Dahilan? Well, tama na Troy, ayos na naman ako at nakalimutan ko na rin iyon. One year na ang nakalipas at nabura na iyon sa isipan at alaala ko. So please, 'wag mo nang guluhin pa itong pag-iisip ko gayon din ang buhay ko. Tigilan mo na ako!" Wika ko pa sabay tumayo at pumunta malapit sa bintana habang pinapakalma ang aking sarili.

"Hindi kita masisisi kung bakit ka nagkakaganyan ngayon sa akin. I know na nangyari na nga lang iyon ng basta-basta sa hindi natin pareho inaakala. Subalit hindi ibig sabihin na wala iyong kahulugan o kabuluhan sa akin. Pareho nating ginusto ang nangyari hindi ba?" Ani pa ni Troy sabay tumayo at tiningnan ako habang nakatalikod sa kanya.

Agad naman akong lumingon sa kanya dahil sa kaniyang sinabi.

"Tapos ka na ba sa mga sinasabi mo? Kasi inaantok na ako baka naman pwedi patulugin mo muna ako. Pasensya kana ha, pero gusto ko lang talaga iparating sa iyo kug anong na fe-feel ko ngayon. And I felt sleepy na eh," wika ko pa sabay ngumiti ng kunti na halatang pinapakita ko sa kanya na baliwala na sa akin ang lahat ng aming mga nakaraan kahit na ibinabalik pa niya ito ngayon at sinasabi sa aking harapan.

Napatigil naman si Troy sabay paglungkot ng kaniyang mukha.

"Okay kristina. Maybe nextime, mauunawaan mo rin ako. Anyway thanks for the coffee and also for your time. Um, goodnight!" Mahinang boses na pagsabi ni Troy sabay iwas sa aking bawat tingin sa kanya, na masakit na pagtingin.

"Goodnight din Troy. Ops, 'wag mo naman sana isipin na pinapaalis na kita. Talagang antok na antok na ako," ani ko pa sabay ngumiti sa kanya na halatang plastik.

"It's okay, sege at hindi na ako magtatagal at aalis na rin ako. Parang nakaabala na kasi ako sa iyo," wika pa ni Troy na halatang may lungkot na makikita sa kaniyang mukha at tono ng kaniyang pananalita.