Chapter 18

Alam ko rin na gustong makipag-usap sa akin si Troy sapagkat kitang-kita ko sa kaniyang mukha at halata sa kaniyang ikinikilos, subalit kailangan ko na talagang iwasan siya. Para hindi na muli akong masaktan pa

Pagdating namin ni Mike sa bahay ko.

"Parang napapansin ko kanina, bakit parang nagmamadali ka yata?" biglang tanong ni Mike sa akin na tila may pagtataka.

Napahinto naman ako at napahawak sa aking magkabilang bulsa habang napapaisip. "Ah eh talaga namang nagmamadali ako Mike," palusot ko sa kanya.

"Bakit parang biglaan naman yata?. Ni hindi man lang kayo nagkausap ng mabuti ng ka-klase mo," wika pa ni Mike na tila parang napapaisip.

"Ah iyon ba? Eh kasi parang masama na 'yung tingin ng babae sa akin, girlfriend niya siguro iyon kaya umiwas na lang ako at nagkunwari na lang na nagmamadali tayo," palusot ko ulit sa kanya sabay iwas sa kaniyang doritsong tingin sa akin.

"Ah ganoon ba, parang hindi naman yata kasi nakangiti naman 'yung babae kanina at maganda naman ang pakikitungo niya," ani pa ni Mike sabay tinitigan ako sa mukha.

"Ah kasi, alam mo kaming mga babae nababasa na namin kung anong iniisip ng kapwa namin babae. Iba lang kasi ang tingin ko sa babaeng iyon. Kaya ayon na nga sinabi ko na lang sa kanila na nagmamadali tayo at may pupuntahan. Kunware lang para makaalis na tayo roon sa kanila," pangiting sabi ko pa sa kanya sabay kamot sa aking ulo.

Napahawak siya sa kaniyang noo.

"Sabagay nga naman. Sege na nga ikaw eh," agad napangiti sa akin.

"Anong ako?" Pangiting tanong ko sa kanya.

"Wala ang sabi ko maganda ka," sabay titig sa aking mga mata.

Napataas ang dalawang kilay ko at napanganga ako. "Ayan na naman binola na naman ako," wika ko sabay tumawa ng kunti.

"Teka lang maiba ako ng usapan, tuloy na ba 'yung pag-alis mo sa susunod na araw?" Sabay umupo sa sofa at sinandal ang kaniyang likod.

"Oo sa merkules na ang lis ko bakit naman?" Napaupo na rin ako habang humaharap sa kanya.

"Um, wala nagtatanong lang. Mag-ingat ka sa byahe mo ha,"

"Nako, salamat!"

Ilang saglit pa ay natagalan si Mike sa pagsasalita habang pinagmamasdan akong abala sa pag-aayos ng flower base sa mesa.

"Gusto ko na sanang ipagtapat sa iyo ang nararamdaman ko Kristina. Parang sasabog na itong puso ko para sa'yo. Nahulog na nga ang loob ko sa iyo at parang mahal na kita. Siguro ay sa susunod na araw ko na lang mins ipagtatapat sa iyo ang nararamdaman ko baka pagbalik mo na lang nang makapaghanda naman ako," bulong ni Mike sa kaniyang sarili habang palihim na napangiti.

Napatingin ako kay Mike dahil sa nagtaka ako bakit siya biglang tumahimik. "Oy Mike bakit parang tulala ka diyan? Hooyyy?" Palakas kong pagsabi sa kanya dahil sa tulala na siya at tila parang wala sa sarili.

Nagulat naman siya kung kaya't bigla siyang nakapagsalita. "Ah pasensya na Kristina may iniisip lang kasi ako," sabay napakurap at napagalaw mula sa kaniyang pagka-upo.

Tinitigan ko siya sa kaniyang mukha.

"Ano naman iyang iniisip mo ha?"

"Ah wala," maikling sagot niya sabay huminga ng malalim.

"Wala nga ba siguro?" Sabay kindatan ko siya at ngumiti sa kanya.

Napatawa naman siya.

"Wala nga, by the way Kristina hindi na pala ako magtatagal at uuwi na ako malalim na kasi ang gabi at baka hinahanap na ako ng dad ko may aasikasuhin pa raw kami sa bahay eh."

"Oh sege ba Mike gabe na nga delikado pa naman sa daan, sege mag-ingat ka sa pag-uwi mo ha."

Dahan-dahan na siyang tumayo mula sa kaniyang kina-uupuan.

"Salamat Kristina um, anyway available ka ba bukas?"

Napatayo naman ako at biglang napatitig sa kanya.

"Oo available naman basta umaga lang kasi pagkahapon marami na akong aasikasuhin para sa pag-slis ko."

"Oh sege ba tawagan na lang kita bukas ha. Sege Kristina aalis na ako, mag-ingat ka rin dito," wika pa niya at marahan na lumakad palabas ng pintuan.

"Sege Mike ikaw din mag-ingat ka, anyway goodnight," pangiting sabi ko sa kanya habang sinusundan siya.

Napatigil siya sa paglakad at tiningnan ako bago pumasok sa kaniyang sasakyan. "Okay goodnight bye,"

Umalis na si Mike upang umuwi sa kanilang bahay, pumasok na rin ako sa loob upang makapagpahinga na.

Ilang saglit lang ng pagkahiga ko sa aking kama ay napansin kong tila may paparating na kotse malapit sa bahay ko.

Nagtaka ako kung kaya't nakabangon ako. Dali-dali agad akong bumaba sa aking kwarto upang tignan at alamin kung sino ang paparating na kotse.

Nang makababa ako mula sa aking kwarto. "Sino kaya ito? Hindi naman kotse ni Mike to," tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan sa labas ng aking bintana ang kotsing iyon.

Habang tinitingnan ko ang kotse malapit sa aking bintana ay nakita kong may lumabas na lalaki sa sinasakyan nitong kotse.

Matiim kong tinitigan ang lalaking lumabas upang mapag-alaman ko kung sino na ito.

Nang makalapit siya sa harap ng aking bahay kung saan nakatuon sa kanya ang maliwanag na ilaw ay laking gulat ko na lang at pagtataka sa aking nakita na si Troy pala ang lalaking ito.

Dahil dito ay hindi na ako nagpaligoy- ligoy pa kaya't agad kong binuksan ang pintuan upang lumabas ng bahay upang tadtarin siya ng aking masasakit na salita para sa kanya.

Pagbukas ko ng pinto ay agad ko siyang sinalubong ng aking tanong kasabay ng pagtitig ng masama sa kaniyang mukha. "Naliligaw ka yata, Troy ?" Pagtatakang sabi ko sa kanya habang may kaka-ibang tono ang aking pagkasabi.

Tila nagulat naman si Troy sa biglang pagbukas ng pintuan at gayondin ang pagbubgad ko ng aking tanong sa kanya. "Hi Kristina," pangiting sabi naman ni Troy sabay lumapit sa akin ng dahan-dahan.

Pinag-cross ko ang aking magkabilang braso habang tinitirik ang aking mga mata sa kanya. "Anong ginagawa mo rito? Anong kailangan mo? Gabi na bakit ka pa napadpad dito?" Palakas na boses na pagtanong ko sa kanya sabay kamot sabay tiningnan siya mula ulo hanggang paa.