Chapter 17
Nabalin naman ang aking tingin sa kanya. "Bukas makalawa na Mike," pangiting sabi ko sa kanya.
"Ah ganon ba, doon ka pala mag Christmas at magbabagong taon," sabay uminom ng wine.
"Ganoon na nga, eh ikaw ba?" Tanong ko naman sa kanya habang tinitingnan ang buttered shrimp na in-order ko.
"Well, dito lang nandito naman ang dad ko," ani pa niya sabay ngumiti ng kunti.
Kumuha naman ako ng tissue at ipinahid sa aking labi. "Hindi ba uuwi ang mom mo?"
"Hindi siguro malabo namang makauwi iyon,"
"Ah siguro sa susunod uuwi na iyon."
"Well, hopefully."
Ilang saglit lang ay natapos na kaming kumain ni Mike. Pagkatapos ay nagdesisyon na rin kaming umuwi lalo na at lumalalim na ang gabi.
Nang lumabas na kami ng restaurant ni Mike ay hindi ko namalayan na naiwan ko pala sa loob ng restaurant ang binili kong sapatos para sa dad ko.
Nang palabas na kami ng mall ay tsaka ko pa naalala na naiwan ko pala ang sapatos na nabili ko sa IV's Restaurant.
Sabay napahinto sa paglakad at lumingon sa entrance ng mall.
"Nako Mike naiwan ko ang sapatos sa restaurant," teia balisa kong pagsabi sa kanya sabay napakamot sa ulo.
"Oh really, halika at balikan natin iyon for sure nandoon pa iyon," wika pa ni Mike sabay nilapitan ako.
Bumalik kami agad ni Mike sa restaurant upang balikan ang sapatos na naiwan ko roon.
Pagbalik namin doon ay insakto namang naroon pa ang sapatos na nabili ko. At tamang tama rin ang pagdating namin ni Mike dahil wala na sina Troy at ang babae niya. Siguro nga ay nakaalis na iyon.
Pagkatapos namin makuha ang sapatos ay agad naman kaming umalis ni Mike upang bumalik na sa sasakyan. At habang palabas na kami ng mall ni Mike ay aksidenting nakabangga ng lalaki si Mike habang lumalakad ito.
"Nako pare, pasensya kana nagmamadali lang kasi ako I'm sorry for what happened," palakas na boses na pagsabi ni Mike na halatang nagulat sa nangyari.
"It's okay pare akisedente lang naman ito," wika pa ng lalaki sabay ayos sa kaniyang suot na damit.
Nang lumingon sa amin ang lalaking nakabangga ni Mike sa daan ay laking gulat ko na lang ng makita ko na ang lalaking iyon ay si Troy na naman. Tila parang pinaglalapit talaga kami ng tadhana kahit anong gawin kong pagtago at pag-iwas sa kanya.
"Oh my God!!" Palakas na boses na pagsabi ko na halatang nagulat sa nakita.
Biglang napatingin sa akin si Troy dahil sa nabigla rin ito sa malakas na pagkasabi ko. "Kristina it's you again?" Nanlalakihang mga mata niya ng makita ulit ako.
Tila nagulat naman si Mike sa parehong naging reaksyon naming dalawa ni Troy.
Hindi niya kasi alam na magkakilala kami ni Troy, ang lalaking nakabangga niya sa daan.
Agad na nabalin ang tingin ni Mike sa akin. "Mag kakilala ba kayo?" Pagtatakang tanong ni Mike sa akin sabay tiningan kami isa-isa ni Troy.
Agad naman na sumagot si Troy sa naging tanong ni Mike. "Ah yes magkakilala nga kami actually...." biglang naputol ang pagsasalita niya dahil sa bigla akong sumulpot sa kanilang pag-uusap dalawa ni Mike.
"Actually, classmate ko siya nu'ng high school Mike," palusot at pagkukunwari kong sinabi kay Mike. "Ah hi Troy," sabay kinawayan si Troy at ngumiti ng kunti kahit napipilitan.
Nagulat naman si Troy sa sinabi ko kaya't napaisip na lang din siya na magkunwari na rin at sabayan na lang ang naging pahayag ko patungkol sa kanya. "Ah yeah magkaklase nga kami ni Kristina nu'ng highs chool kami," ngumiti na halatang napipilitan lang din.
"Ah ganoon ba, kaya naman pala," ani pa ni Mike na halatang naniwala rin sa sinabi namin.
"Ah sege, mauna na kami sa inyo kasi nagmamadali kami may lalakarin pa kasi kami ni Mike," sambit ko pa habang balisa at hindi mapakali sa aking sarili.
"Gusto ko sana na mag-usap usap muna tayo chill-chill lang sa labas kaso parang nagmamadali ka yata Kristina. Matagal din tayong mag-classmate na hindi nagkita. Hindi ba?" Wika pa ni Troy sabay tinitigan ako sa aking mukha.
"Kasi nagmamadali kasi kami ni Mike, maybe in the other day na lang Troy," pangiting sabi ko sa kanya habang sabay iwas ng tingin ko sa kanya.
"Baka pwedi nating pagbigyan ang classmate mo Kristina?" Sambit naman ni Mike na tila parang kumbinsido rin sa sinabi ni Troy.
"Ano? Ah eh, nako baka may pupuntahan pa sila ni Troy," wika ko pa sabay napapaisip. "Ah hindi ba miss?" tanong ko naman sa kasamang babae ni Troy.
"Ah oo nga naman babe, sabi mo sa akin kanina na may pupuntahan pa tayo," sabi naman ng babae habang abala sa pag-aayos ng buhok niya.
Napakamot naman sa ulo si Troy.
"Ah oo nga pala nu," wika pa ni Troy na tila napapaisip.
"Oh see may pupuntahan din naman pala kayo ng girlfriend mo Troy. At kami rin ni Mike ay may pupuntahan din, hindi ba Mike?" Palakas na boses na pagsabi ko sabay tumingin kay Mike at ngumiti ng malaki.
Tila parang kaka-iba naman ang paraan ng pagtingin ni Troy sa aming dalawa ni Mike na parang may nararamdaman siyang hindi komportable sa sarili niya.
"Ah oo nga naman," sagot naman ni Mike sabay ngumiti sa akin.
"Ah sege Kristina, parang importante kasi iyang pupuntahan niyo," sambit pa ni Troy sabay ngumiti sa amin na halatang napipilitan lang na ngumiti.
"Tama ka nga Troy talagang importante. So, maiwan na muna namin kayo ng girlfriend mo," pangiting sabi ko sa kanila habang palihim lang din na napipilitang ngumiti.
Pagkatapos nu'n ay agad kaming umalis ni Mike at naiwan silang dalawa ni Troy at ang babaeng kasama niya na siguro'y girlfriend niya.
Sa katunayan ay gusto ko na talagang lumayo at iwasan si Troy ng sa ganoon ay tuluyan ko na ngang makalimutan ang mga nangyari noon sa amin.
Ayaw ko nang isipin pa iyon. Noong una nga ay nasaktan ako ng mawala na lang siya bigla parang bula at hindi na nagpakita pa. Pero sa huli ay nakakalimutan ko rin pala iyon.