Chapter 16

Mag-aalas 7 na nang gabe. Tapos na akong magbihis at mag-ayos ng aking sarili. Ilang saglit lang ay tinawagan na ako ni Mike upang sunduin na ako rito sa bahay ko.

"Hello Kristina ngayon na pala ako pupunta diyan ayos lang ba?"

"Sure Mike mabuti na nga iyon ng maaga pa."

"Okay sege, kasi naalala ko pupunta pa tayo ng mall. Ba-byahe na pala ako papunta diyan sa iyo tapos ka na bang magbihis diyan?"

"Tama nga iyan, sege pumunta kana rito dahil nakabihis na rin naman ako at hinihintay na kita rito."

"Okay bye!"

"Mag-ingat ka."

"Salamat ibababa ko na itong phone."

Ilang sandali lang ng aking paghihintay ay dumating na si Mike. Presentable palagi ang porma at talagang ang gwapo niya tingnan kahit anong anggulo.

"Hi Mike," pangiting sabi ko kay Mike

"Hi Kristina, ang ganda mo naman ngayon," wika pa ni Mike sabay tingin sa sa akin at tsaka binuksan ang passenger set sa tabi niya.

"Binibiro mo na naman ako . Alis na nga tayo," sabi ko sabay ngumiti

"Hindi nu, sege na nga sumakay kana rito ng maka-lis na tayo,"

Agad akong pumasok sa loob ng kitse niya.

Pagdating namin sa mall ay bumalik ako sa shoe store upang bumili ng sapatos para sa dad ko.

"Um, sasama ka ba sa akin sa loob Mike o hihintayin mo na lang ako rito?" tanong ko sa kanya.

"Syempre sasamahan kita," pangiting sagot ni Mike sabay tinitigan ako.

"Ganon ba, sege na nga pumasok na tayo," ani ko pa sabay pasok sa loob ng mall.

Nakapili at nabili ko na rin ang sapatos na e-reregalo ko sa dad ko. Pagkatapos nu'n ay nagkayayaan na kaming kumain sa restaurant.

"Ayon may restaurant, doon na lang tayo kumain sa IV's Restaurant masarap ang mga pagkain diyan," wika pa ni Mike sabay turo sa IV's Restaurant.

"Oh sege ba Mike nagugutom na rin kasi ako," sabi ko pa sabay hawak sa aking nagugutom na sikmura.

"Tayo na at pumunta na tayo roon," wika pa niya sabay hawak sa aking kamay.

Pumasok na kami sa IV's Restaurant at nagsimula na rin kaming mag-order ng pagkain.

Habang kumakain kami ni Mike at nasa kalagitnaan din ng aming pag-uusap ay aksidenti akong napatingin sa labas at hindi ko akalain na makikita ko si Troy na siyang papasok din sa parehong restaurant kung saan kami kumakain ni Mike.

Nagulat pa ako lalo sa aking nakita ng pagpasok ni Troy ay may kasama siyang babae na hindi ko kilala.

"Si Troy ba iyon?" Mahinang tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ng mabuti si Troy habang papasok sa restaurant.

"What? Sinong Troy? pagtatakang tanong naman ni Mike habang napahinto sa kaniyang pagkain.

"Ano? Ah wala wala, sewe kumain na lang tayo," palusot ko sa kanya at nagpatuloy sa aming pagkain.

Bigla kong hinanap ulit kung na saan si Troy at ang kasama niya upang kompormahin na siya nga ang aking nakita at hindi ako namamalikmata lang.

Nang mahanap sila ng aking paningin ay agad kong tinitigan ng mabuti ang lalaking inaakala kong si Troy.

Doon ko napagtanto at napag-alaman na si Troy nga talaga itong nakita ko na siyang papasok sa restaurant at may kasamang ibang babae na hindi ko kilala.

Tiningnan kong mabuti si Troy at ang kasama niyang babae, napansin ko rin na matindi ang pagkakapit ng babae sa kaniyang braso.

"Tila para yatang girlfriend niya ito," bulong ko sa aking sarili habang may pag-aalinlangan at pagtataka.

"Babaero nga talaga itong si Troy. Napaka-walang hiya, parang wala lang talaga sa kanya ang pagkikita namin kanina. Hay kainis talaga!" Nulong ko sa sarili habang kumikimkim ng galit.

Napansin ni Mike na tila parang sa kabila ang balin ng aking mga paningin. "Ayos ka lang ba Kristina? Bakit parang kanina ka pa hindi mapakali diyan?" Pagtatakang tanong ni Mike habang tinitingnan ako.

"Ha? Ah hindi Mike may nakita lang kasi ako sa labas ng restaurant akala ko kilala ko hindi pala," palusot ko ulit sa kanya sabay balin ng aking tingin sa kanya.

"Ah ganoon ba, kumain ka na lang. Hindi mo na kasi ginagalaw ang pagkain mo," wika pa niya sabay tingin sa aking pagkain.

"Ah oo nga," sabi ko pa sabay tumawa ng kunti.

Habang papalapit si Troy at ang kasama niyang babae sa table namin ni Mike ay agad akong tumingin sa kabilang side upang hindi ako makita ni Troy.

Nang makahanap ng magandang puwesto si Troy para pag-upuan.

"Dito na lang tayo umupo, total bakante naman dito," saad pa ni Roy sabay pinaupo ang kasama niyang babae.

Napakagat ng labi at napangiti sa kanya ang babae.

"Oh sege ba sabi mo eh," pangiting sabi ng babae sabay umupo.

Medyo kinabahan ako ng marinig kong magsalita si Troy dahil tila parang malapit lang sa amin ang pinanggalingan ng boses niya.

Kaya dahan-dahan akong tumingin sa kabila upang tignan sila at tama nga ang aking pakiramdam na malapit lang sila sa amin.

Sa katunayan ay magkatabi lang ang table namin, may nakaharang lang na glass sa gitna kaya hindi masyadong klaro ang mukha mo pwera na lang kung titigan mo ito ng mabuti.

Habang nagbabasa ng menu book ang kasama niyang babae.

"Ah babe saan naman tayo pupunta after this?" Tanong pa ng kasama niyang babae sabay napatingin sa waiter.

"Ikaw saan ba ang gusto mo?" Wika pa ni Troy habang bumbasa rin ng menu book.

"Well, gusto ko 'yung kasama kita," ani pa ng babae na tila kinikilig pa.

"Ganoon ba," pangiting sabi naman ni Troy sabay uminom ng tubig.

Nakikinig lang ako sa pag-uusap ng dalawa. Medyo naiinis at medyo naiirita ako lalo nang marinig kong tinataawag siya ng babae na "babe."

"Iba ka nga talaga Troy! Hay iwan ko na lang sa'yo girl pagkatapos kang pakinabangan niyan iiwan ka rin niyan," bulong ko sa aking sarili habang palihim na tumatawa at napalingo ang ulo.

"Anyway Kristina kailan ka ba uuwi nang Laguna?" biglang tanong ni Mike sa akin sabay tinitigan ako sa mukha.