Chapter 15

"Wait Kristina!!" Pasigaw na pagsabi ni Troy habang sinusundan ako palabas ng shoe store.

Nang maabutan niya ako ay agad niyang hinawakan ang aking kamay na tila parang ayaw niya pa akong bitawan.

Napatigil naman ako sa paglakad dahilan sa paghila niya ng aking kamay. "Bitawan mo nga ako, ano ba ang kailangan mo sa akin ha?!" Palakas at galit na pagsabi ko sa kanya habang pilit na inaalis ang kamay niya mula sa mahigpit na pagkahawak nito sa aking kamay.

"What's wrong with you, bakit parang galit ka yata?" Tanong naman ni Troy na hatalang may malaking pagtataka sa kaniyang mukha na makikita.

"Ano ba sa tingin mo, masaya ba ako? Nakita mo ba akong ngumiti ng makita kita?" Wika ko pa sabay itinirik ang aking mga mata sa kanya.

Tila nagtataka at napapaisip naman ng husto si Troy sa naging dahilan kung bakit bigla na lang akong nagalit ng makita ko siya. "Hindi kita maintindihan, pwedi ba na sabihin mo sa akin kung ano ang ikinagagalit mo diyan ng maliwanagan naman ako," ani pa niya sabay titig sa aking mga mata na halatang naguguluhan sa mga naging pagkilos ko nang makita siya.

"Talaga lang ha! Oo nga naman ang dali mo nga naman talagang makalimot," sabi ko sabay huminga ng malalim habang napapaisip ng husto. "Nakalimutan ko pala, walang kwenta naman pala iyon. So, excuse me at aalis na ako!" Dugtong ko sabay tinalikuran siya at umalis.

Paalis na ako ng bigla-bigla niya na lang akong kung kaya't ako'y napatigil.

"Just wait Kristina, I know kung ano ang ibig mong sabihin. But please let me explain for a while," ani pa ni Troy habang may makikitang lungkot sa kaniyang mukha na tila hindi ko maunawaan.

Abala naman ako sa paghahanap ng paraan para makaalis sa kaniyang pagharang sa akin sa daan.

"Explain for a while? Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan ha Troy? After a year? Almost 1 year ka nawala ni anino wala tapos ngayon? Ngayon ka lang magpapakita tapos let me explain? For what Troy?" Wika ko pa habang balisa sa sarili at hindi mapakali dahil sa emosyon na aking naramdaman ngayon.

Napatigil naman si Troy at halatang napapaisip ng husto sa kaniyang sasabihan o ipapaliwanag sa akin.

"May rason ako kung bakit, but it's hard to explain lalo na at dito pa tayo magbabangayan sa mall," ani pa niya sabay lumapit sa akin ng kunti at hinawakan ang aking kamay.

"Nakalimutan ko pala it was a mistake. Bakit ba ako magagalit? Well, actually pareho nga tayong nag-enjoy that night pero bakit...?" Wika ko habang napahinto sa pagsasalita dahil sa lubos na pag-iisip.

"Kailangan nating mag-usap. Please give me some time to explain all of this," pilit na pagmamakaawa pa ngita sa akin upang kausapin ko siya at magawang makapagpaliwanag.

"I'm sorry Troy but I don't have much time for this. Wala akong panahon makipag-usap sa taong sarap lang ang hanap, excuse me and please 'wag mo na akong sundan pa," sabay inalis ang kaniyang kamay sa pagkahawak sa aking kamay.

Umalis na ako at naiwan si Troy. Hindi na siya nag atubili pang sundan ako dahil kitang kita niya sa aking mukha at pagkilos ang galit na akong naramdaman sa kanya.

Hindi ko na rin binigyan pa ng pagkakataon si Troy na magpaliwanag ay dahil nadala ako sa galit at emosyon ko sa kanya. Bumalik lahat ng masakit na alaala ng kahapon na siyang hindi na dapat ibalik pa.

Galit ang unang naramdaman ko ng makita ko siya. Pilit ko na sanang kinalimutan ang mga nangyari noon sa amin. At gayon din ang tuluyan ko na sana siyang kalimutan. Subalit parang nagbago lang ang lahat ng makita ko siyang muli. At iyon ang ikinagagalit ko dahil minsan ko na siyang ibinaon sa aking mga alaala subalit siya'y bumalik pa at nagpakita.

Hindi na rin ako nakabili ng sapatos na panreregalo ko sa dad ko ay dahil sa pagmamadali ko sa aking pag-uwi. Para lang sa ganoon ay makalayo na ako sa kanya at hindi niya na ako gulihin at abalahin pa.

Sa bahay habang tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin.

"Hay kainis naman talaga oh! Nagpakita pa 'yung Troy na iyon. Inalis ko na nga siya sa isipan ko subalit bumalik pa. Bakit naman kasi roon pa ako pumunta kainis talaga nagkita tuloy kami!" Bulong ko sa aking sarili habang naiinis sa aking sarili.

Habang patuloy ako sa pagtatanong sa aking sarili ay bigla akong nakaramdam ng tuwa sa kabila ng lahat ng galit na aking nadarama kanina. Hindi ko alam kung bakit ako natuwa, ang alm ko lang ay malaki ang galit ko kay Troy kaya't dapat lang na kamuhian at kasuklaman ko siya.

Ngunit nagtaka na lang ako bigla sa aking sarili kung bakit na lang din ako bigla-biglang nakaramdam ng saya at tuwa sa dibdib.

Dahil ba sa nakita ko na siya sa matagal na panahong paghihinatay ko sa kanya?

Alas kwatro ng hapon kung saan abala ako sa pagbalot ng mga make up set na e-reregalo ko sa aking mom ay biglang tumawag sa telepono si Mike.

Agad kong kinuha ang telepono at inilagay sa aking taenga.

"Hello Mike napatawag ka yata?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Asan ka ba ngayon Kristina?" Tanong pa ni Mike.

"Andito lang sa bahay, nagbabalot ako ng mga regalo para sa parents ko bakit naman?"

"Ah ganoon ba kasi gusto sana kitang yayaing kumain sa labas mamaya."

Napaisip naman ako sabay tiningnan ang orasan. "Pwedi naman , mga anong oras ba?"

"Exactly 7 ng gabe, ayos lang ba?"

"Ah oo naman, by the way samahan mo naman ako mamaya sa mall bibili lang ako ng sapatos para sa dad ko."

"Sure dadaan muna tayo sa mall then after that hahanap tayo ng restaurant na kakainan natin."

"Okay sege"

"Susunduin kita diyan at exactly 7."

"Sege Mike."

"Sege magkita na lang tayo mamaya."

"Okay bye!"

Huminto mo na ako sa pagbabalot ng mga regalo. Niligpit ko ang ibang gamit at nagsimula na akong maligo at mag-ayos ng aking sarili.