Chapter 14
Napaisip namn ako sabay tinitigan siya na siyang nakatayo sa aking harapan. "Ah ganoon ba, ohcsege ba," palakas na sabi ko sabay tumawa ng kunti.
"Let's go?"
"Tara let's go"
Hinatid ako ni Mike sa bahay ko. Nagbibihis ako sa loob samantalang siya ay nasa sala at naghihintay sa akin.
Pagbaba ko ng hagdan ay napatingin agad sa akin si Mike sa akin, kitang kita sa kaniyang mukha na talagang nagagandahan siya sa akin. Dagdag pa rito sa kaniyang malim na pagtitig sa akin habang lumalakad papalapit sa kanya.
"Wow you look so gorgeous," may pagkamangha sa kaniyang mukha na makikita.
"Thanks! Um, bagay lang ba sa akin ang suot ko," tanong ko sa kanya sabay tiningnan ang aking suot na purple dress.
"Hindi lang bagay super bagay," pangiting sabi niya habang panay ang titig sa aking mukha.
Napangiti naman ako habang palihim na nakaramdam ng kunting pagkatuwa sa sinabi niya.
"Nako salamat naman" shall we go?
"Oh sure this way please," sabay lahad ng kaniyang kamay.
Agad kaming umalis ni Mike at pumunta sa malapit na Restaurant.
Sa Restaurant kung saan kami nag-dinner ni Mike.
"Kamusta pala ng trabaho mo ngayon?"
"Ayos lang naman maraming pasyente na inaasakaso."
"Alam mo ang swerte naman ng magiging pasyente mo."
"Bakit naman?" Napangiti ako ng kunti.
"Bukod sa magaling kang mag-alaga maganda at sexy pa."
"Binola mo na naman ako," sabay lingo ng aking ulo habang palihim na natutuwa.
"Totoo naman ah. Basta kung ma ospital man ako gusto ko ay ikaw ang magiging nurse ko para araw-araw akong masigla,"
"Hoy! Baliw ka talaga,"
"Gusto ko kasi na ikaw ang mag-alaga sa akin."
"Ano ba iyang mga sinasabi mo parang gusto mo yatang ma ospital."
"Hindi naman sa ganoon, kung sakali lang naman," wika niya sabay napatawa.
"Ikaw talaga kung ano anong iniisip mo."
Naging maganda ang usapan namin ni Mike at naging maganda rin ang pakikitungo namin sa isat isa.
Simula nu'ng una naming paglabas ay doon na nagtuloy tuloy ang aming paglabas dalawa. Parati niya na akong sinusundo sa trabaho at hinahatid sa aking bahay.
Gabe-gabe na rin kaming lumalabas pagkatapos ko sa aking trabaho at gayon din sa kanya.
Mas lalo pa kaming naging close ni Mike sa araw-araw na pagsasama namin.
Dalawang buwan din ang halos gabe-gabe ang paglabas namin. Halos siya na parati ang kasama ko at kahit sa pag day off ko ay siya pa rin ang kasama ko.
Naging open up rin kami sa isat-isa about sa personal life namin. Naging magkaibigan at naging sandalan ng problema.
Hanggang sa naramdaman kong sumaya ako nangg makilala ko siya. Nalimutan ko ang mga masasakit kong nakaraan at unti-unti ko nar rin naalis sa isipan ko si Roy at ang nangyari noon sa aming dalawa.
Buwan ng December. Kung saan nagbabalak akong umuwi sa aking pamilya sa Laguna.
2 weeks kasi akong walang trabaho kaya lubos lubosin ko na ito at ng sa ganoon ay makita ko na rin ang pamilya ko.
Sa bahay habang naglilinis ako ng aking mga kuko ay bigla kong naisip na bumili ng mga pangregalo para sa aking pamilya pag-uwi ko ng Laguna.
"Bumili kaya ako ngayon ng regalo total sa makalawa ay uuwi na ako ng Laguna," habang kausap ang sarili. "Tama nga ngayon na ako bibili ng mga regalo," dugtong ko pa habang napangiti.
Nagbihis ako at nag-ayos ng aking sarili pagkatapos ay tumungo agad ako sa pinakamalapit na mall upang bumili ng regalo.
Una akong pumunta sa Cosmetics Area upang bumili ng mga pampaganda para sa aking Mommy. At pagkatapos ay pumunta na ako sa shoe store upang bumili naman ng sapatos para sa aking Daddy.
Sa shoe store habang abala ako sa pamimili ng sapatos na nababagay sa aking dad ay hindi ko namalayan na may makakabangga akong tao roon na parihong namimili rin ng sapatos.
Nabigla ako at napatalikod sa nangyari dahilan sa nasira ko ang arrangement ng mga sapatos na naka display.
"Nako! I'm sorry pasensya na po kayo kuya hindi ko sinasadya," gulat na pagsabi ko sabay paghingi ng paumanhin sa lalaking nakabangga ko.
Hindi diritsong nakatingin sa akin ang lalaki dahilan sa nahulog sa sahig ang mga pinamili niyang sapatos.
"No miss it's okay. Hindi naman ako na ano," sagot pa ng lalaki sabay pulot ng sapatos na nahulog sa sahig.
Bigla akong napatigil ng marinig ko ang boses ng lalaki. Para kasing pamilyar sa akin ang tonog ng boses niya. Kung kaya't naisipan ko na lumingon sa kanya upang alamin kung sino ito.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya habang panay lang sa pagre-arrange ng mga sapatos na nasira ko. Hanggang sa nagulat ako at hindi makapaniwala sa aking nakita. Nang mapag-alaman kong si Troy Madrigal itong lalaking nakabangga ko at kaharap ko ngayon.
"Oh my God! Ikaw?! Palakas at gulat na pagsabi ko sabay paglaki ng aking mga mata.
Halos hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Hindi ko inaasahan na ang taong kaharap ko ngayon ay si Troy, na mahigit isang taon ko ng hindi nakikita.
Ang lalaking naka one night stand ko noon.
Nanlaki rin ang mga mata ni Troy ng makita ako dahilan upang muli niyang mabitawan ang mga sapatos na bitbit niya.
"Kristina?" Pautal na pagsabi ni Troy na halatang gulat na gulat din ng makita ako.
"Troy?" wika ko pa habang nakatulala lang na nakatingin sa kanya. " Ikaw? Bakit ka nandito?" dugtong ko pa sabay dumistansya palayo sa kanya.
Napatulala siya at natagalan bago nakapgsalita.
"What a small world for us Kristina," ani pa ni Troy habang nakangiting tumitingin sa akin na tila parang walang may nangyari noon sa amin sa paraan ng kaniyang pagkilos.
Tinitigan ko siya ng masakit sa mukha
"Small world nga talaga nu!" palakas kong pagsabi na halatang may galit na tono ang aking pananalita.
Agad naman akong nagmamadali na umalis upang makaiwas sa kanya at makalayo sa kanya. Upang sa ganoon ay hindi ko na maalala pa ang mga nangyari noon sa aming dalawa. Sapagkat ayoko na iyong maalala pa dahil matagal ko na iyong nilimot. Gayon din siya at matagal ko na siyang binura sa aking isipan.