Chapter 13
Ngumiti ako habang may biglang naalala. "Ah ganoon po ba lola. Siguro may girlfriend na 'yung apo niyo tapos Piloto pa siya malabong walang girlfriend iyon."
"Ah iwan ko lang kasi nu'ng umuwi siya rito sabi niya sa akin ay wala raw siyang girlfriend. Eh hindi naman iyon nagsisinungaling sa akin. Kaso nga lang matagal na iyon baka nga siguro may girlfriend na siya," paliwanag pa ni lola habang napakamot sa kaniyang noo.
"Siguro nga po lola Elle."
Sumagip agad sa isipan ko si Troy ng marinig ko ang salitang Piloto. Parang katulad din siya ng apo ni lolo Elle na ikinu-kwento sa akin ngayon. Parehas din silang Piloto.
Sa palagay ko'y meron na ngang girlfriend iyon o di kaya baka nag-asawa na iyon. Isang taon ba naman ang nakalipas, hindi malabong wala na iyong kabiyak sa puso.
"Parang isang magnanakaw si Troy na matapos kunin ang gusto niyang nakawin ay mawawala na lang bigla na parang bula." bulong ko sa aking sarili habang tinatanaw ang ang tanawin sa labas ng Ospital.
"Oh eja ayos ka lang ba bakit parang tulala ka diyan?" Pagtatakang tanong ni lola Elle sa akin ng makita akong tulala.
Napakurap naman ako at nagising sa aking pagkatulala.
"Ah wala po lola Elle may naalala lang kasi ako. Um, sege po lola Elle hindi na po ako magtatagal at ako'y aalis na marami pa rin po kasi akong pasyenting aasikasuhin. Babalikan ko na lang po kayo lola Elle."
"Sege eja alam kong marami ka pang gagawin," pangiting sabi ni lola sa akin.
"Sege po lola Elle lalabas na po ako. Magpagaling po kayo at magpalakas lola kumain din kayo ng prutas at gulay maganda po iyon sa katawan," sabay hinawakan siya sa kaniyang kamay
"Hay salamat sa concern mo eja."
"Walang ano po lola, sege at aalis na ako."
Umalis na ako at inasikaso ko isa-isa ang aking mga pasyente.
Gabe na nang matapos ako sa aking duty, nagligpit ako ng aking mga gamit at nagplano na upang umuwi.
Paglabas ng Ospital kung saan nakita ako nina Irene at Jacob.
"Kristina andito kami," pasigaw na pagtawag ni Irene sa akin.
Agad naman akong napatingin kung saan nanggaling ang pagsigaw.
"Oh andiyan pala kayo," wika ko sabay lumapit sa kanilang dalawa.
"Pasensya kana kung dito kana namin hinintay sa labas ha, nakakabagot naman kasi sa loob," sambit pa ni Jacob.
"Ah walang problema iyon ayos lang naman. Wait parang andiyan na yata ang sundo mo Irene," sabay tingin sa sasakyang papalapit sa amin.
"Oy sinusundo na siya ng kaniyang prince charming," sabi pa ni Jacob na tila kinikilig.
Napatingin naman si Irene sa sasakyang papalapit sa kanya.
"Nako andiyan na nga siya. Oh papano mauna na ako sa inyo ha. Magkita na lang tayo bukas," wika pa ni Irene sabay ngumiti sa amin.
"Wala tayong pasok bukas nu day off kaya natin," sambit pa ni Jacob sabay tingin sa kaniyang orasan.
"Ay oo nga pala nu nakalimutan ko," sabay kamot sa kaniyang ulo at tumawa.
"Hay nako nakita mo lang ang boyfriend mo nagkakamalimutin kana." wika ko pa sabay tumawa ng malakas.
"Tumahimik ka nga diyan, sege na mauna na ako mag-ingat kayo ha." ani pa niya sabay nagpaalam sa amin at umalis.
"Sege Irene mag-ingat kayo," sabi ko sabay kumaway sa kanya.
"Oh ikaw ba Kristina may sundo ka rin ba?" Pagtatakang tanong ni Jacob sabay tingin sa akin habang tumataas ang kaniyang kanang kilay.
"Iniinsulto mo ba ako?" Wika ko pa sabay tumawa.
"Gaga nagtatanong lang naman," ani pa niya sabay pigil ng kaniyang pagtawa.
"Hay nako," sabay napakamot sa aking ulo. Oy ayan na pala ang sundo mo," sabay turo sa kaniyang boyfriend na nagamamaneho ng motor habang papalapit sa amin.
Agad nabalin ang tingin sa kaniyang papalapit na boyfriend.
"Ay ang papa ko," sabay kinilig. "Oh papaano Kristina andiyan na ang papa ko sinusundo na ako. Ako ay aalis na at mag ho-honeymoon pa kami," wika pa niya sabay tumawa ng malakas habang kinikilig na nakatingin sa boyfriend niya.
"Baliw sege na nga umalis kana," sabi ko sabay tumawa ng malakas.
"Babosshh," sabay umalis at sumakay sa motor ng boyfriend niya.
Pareho nang nakaalis sina Irene at Jacob habang ako ay nag-iisa na lang at nag-aabang ng taxi na masasaktan pauwi.
Mayamaya pa ay naisipan kong maglakad-lakad papuntang parking area upang doon maghanap ng mga taxi na bumabyahe. Rush hour kasi kung kaya't malimit na akong makahanap ng taxi na walang pasahero.
Habang papunta ako roon ay umagaw sa akin ng pansin sa akin ang kotsing itim na nakaparada sapagkat parang familiar sa akin ang kotseng ito.
"Para yatang pamilyar sa akin itong kotse na ito, ay hindi siguro kapareha lang," wika ko pa sabay napapaisip habang tinitingnan ang kotseng itim.
Habang abala ako sa pag-iisip ay may marinig akong boses na tila tinatawag ang pangalan ko.
"Kristina????" Pagtawag ng aking pangalan sa bandang likod ko.
Nagtaka ako sa aking narinig sapagkat binaggit nito ang aking pangalan kung kaya't agad akong lumingon.
Paglingon ko ay nabigla ako nang makita ko si Mike na nakatayo sa aking likuran at siyang tumatawag sa aking pangalan.
"Mike?" Palakas at gulat kong pagsabi sabay tiningnan siya.
"Right it's me?" pangiting sabi niya sabay lumapit sa akin ng dahan-dahan.
"Um, sa'yo ba itong kotse na ,'to?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa kotseng itim. "Anyway bakit ka pala nandito, anong ginagawa mo rito?" Dagdag ko pang katanungan sa kanya.
"Sa akin nga iyan, nagtataka kapa yata kanina. Andito ako kasi hinhintay kita," wika pa niya sabay ngumiti sa akin.
"Parang ka pamilyar kasi pero hindi nga ako nagkamali sa hinala ko na sa iyo nga itong kotse. Hinintay? Ah eh bakit naman?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kasi gusto kitang makita and definitely gusto kitang yayaing mag-dinner sa labas. But before that ihahatid muna kita sa bahay niyo ng sa ganoon ay makapagbihis ka," wika pa ni Mike sabay ayos sa kaniyang suot na pulo.