Chapter 11

"Bakit hindi naman? Hindi ko yata ma intindihan," sabay napakagat labi at napaisip.

"To make the story short nagka girlfriend ako nu'ng 3rd year college ako. We're almost 4 yrs in a relationship, actually siya 'yung pinakamatagal kong nakarelasyon compare to the others. 'Yung iba kasi kadalasan month lang 'yung tinatagal namon," paliwanag pa niya habang may inaalala.

"'Yung akala ko siya na 'yung babae para sa akin subalit hindi pa pala. Like what other girls did to me iniwan niya rin ako at nawala na lang siya bigla parang bula. Then after a few months nalaman ko na lang na buntis na pala siya sa ibang lalaki. So thats all," dugtong pa niya sabay kibit-balikat.

"Ang saklap naman pala ng love story mo," malungkot na sabi ko sabay napahawak sa aking magkabilang pisngi.

"Honestly masaklap nga. And yes nasaktan talaga ako ng sobra. If you don't mind nag-share na agad ako ng love story ko sa'yo kahit hindi pa tayo magkakilala ng lubusan sa isat-sa. Ang weird nu,"wika pa niya sabay napatawa bigla.

"Gusto ko nga iyan. Wala namang masama sa pag-share ng love story mo," ani ko pa

Napatigil Siya at huminga ng malalim.

"Eh sa'yo ano naman ang love story mo?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya't napakamot ako sa aking ulo habang napapaisip sa aking sasabihin.

"Ah eh kasi..."

"Kasi ano..?"

"Katulad din sa'yo nawala na lang din na parang bula," mahinang boses na pagsabi ko sabay huminga ng malalim.

"Pareha pala tayong dalawa na pinagdadaanan sa buhay, puros sawi sa pag-ibig," sabay sandal ng kaniyang likod sa sofa habang napatingin sa mga paintings sa dingding.

"Ikaw ba hindi na nagka girlfriend ulit?"

"Hindi na since iniwan ako ng ex ko. Medyo na trauma kasi ako that time. Basta ang hirap e-explain,"

"Oh sege na nga hindi na ako magtatanong patungkol diyan"

"Mabuti pa nga"

"Inumin mo na iyang kape mo baka malamig na iyan," sabay tingin sa kaniyang kape.

"Ah oo nga pala nu," pangiting sabi niya sabay hingot ang kape.

Agad akong tumayo. "Sandali lang ha, kukuha lang ako ng tubig," sabay umalis patungong kusina.

Kumuha ako ng tubig sa kusina upang ibigay kay Mike. Nang palapit na ako sa kay Mike upang i-aabot sa kanya ang isang basong tibig ay aksidenting natapisok ako at akisedenteng naitapon ko ang tubig sa kanya. Kung kaya't nabasa tuloy ang pang-itaas na suot niya sa hindi ko inaasahang pangyayari.

Napanganga ako sa gulat.

"Nako, oh my God! I'm really sorry Mike, hindi ko sinasadya kasi.," nagmamadaling inilapag ko sa mesa ang baso at hinawakan ang kaniyang damit na nabasa.

Napatayo namn si Mike dahil sa pagkagulat na mabasa ko Siya ng tubig. "No no don't be sorry hindi mo naman sinasadya at akisedenteng natapisod ka lang"

Napahawak ako sa aking noo na tila na momoblema. "Pasensya talaga ha, may mga oversized t-shirt naman ako 'yun na lang muna ang susuotin mo kasi basang basa itong damit mo at baka mapaano ka pa," wika ko sabay lumakad at tumalikod upang pumunta sana ng kwarto.

Agad namn akong pinigilan ni Mike sa paglakad. "Hindi na Kristina ayos lang naman ako, total may extra t-shirt naman ako sa kotse. Always naman akong may dalang extra kaya walang problema," ani pa niya

"Sigurado ka ba? Teka lang at ikukuha na lang kita ng towalya saglit lang muna at babalik lang ako," agad nagmamadaling pumunta sa taas.

Umakyat ako sa aking kwarto upang kumuha ng towalya upang ipanahid sa nabasang katawan ni Mike.

Nang pagbalik ko upang i-aabot Sana sa kanya ang towalya ay bigla akong nagulat at natulala sa aking nakita.

Nakita ko kung paano hinubad ni Mike ang damit niya at nasaksihan ko rin kung gaano ka tipuno at kakisig ang kanyang katawan. Napanganga pa nga ako dahil dito.

Dahil din dito ay Sumagil na lang bigla sa aking isipan si Troy dahil sa ganyan-ganyan din ang katawan niya katulad ng kay Mike.

Habang nakatulala at nakanganga sa pagtitig sa kanya. "Oohh wow!"

Agad naman napatingin si Mike sa akin na siyang nakatayo malapit sa hagdanan. "Ohh Kristina andiyan ka pala,"

Nagising naman ako mula sa aking pagkatulala sa kanya. "Aw towalya pala Mike, eto oh," sabay tiningnan ko ang towalyang hawak-hawak ko.

Lumapit sa akin si Mike habang walang suot na damit. Kitang kita ang mga nanlalakihang katawan at mga braso niya. Ang kaniyang katawan ay kaakit-akit tignan, hindi rin makakaila na ang gwapo niya rin at ang kaniyang labi ay shit kissable lips.

Habang palapit nang palapit sa akin si Mike ay bigla-bigla na tumibok ng mabiilis ang pintig ng aking puso. Hindi ko rin magawang hindi tumingin sa kaniyang katawan na may nanlalakihang pandesal na nakadikit. Shit ang sarap tignan!

Nang makalapit sa akin si Mike ay dahan-dahan niyang inabot ang towalyang inaabot ko sa kanya.

"Salamat ha pasensya kana dito na ako naghubad," pangiting sabi niyo sabay tinitigan ako sa aking mga mata.

Napakurap ako dahilan upang magising ako sa aking pag-iimagine sa kanya. "Ah walang problema ayos lang naman," wika ko pa habang umiiwas sa kaniyang bawat tingin sa akin.

"Sege saglit lang at lalabas muna ako at kukuha lang ako ng damit sa kotse," ani pa niya sabay lumabas ng bahay.

"Sege Mike nang makapagbihis ka na rin," maikling sagot ko sabay huminga ng malalim.

"Ang laki naman ng katawan ni Mike. Hay nakakagigil tignan," bulong ko sa aking sarili habang hindi maibalin ang tingin ko sa kanya.

Napakamot na lang ako sa aking ulo habang hindi mapakali sa aking sarili.

Mayamaya ay bumalik si Mike ng nakapagpalit ng kaniyang suot na damit. "Napatagal ba ako sa pagbalik?"

"Nadiyan kana pala Mike," sabay tingin sa kanya. "Mabuti naman at nakabihis kana"

Ngumiti siya sa akin at napakindat.

"Um, by the way hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" Balisang tanong ko sa kanya habang napahawak sa aking bulsa.

Nagulat siya at agad napatingin sa kaniyang relo. "Ooppsss what time is it?"