CHAPTER 101

"And I was surprised nang matuklasan kong your ex-girlfriend Savannah ay siya pa lang kinaaabalahan mo. At gusto mo pa bang malaman ang mga further information na natuklasan ko?" Sabay pinukol ko siya ng masamang tingin habang napatawa ako ng kunti kahit alam ko namang napipilitan lamang ako.

"I saw you and your ex-girlfriend Savannah na naghahalikan at gumagawa ng kababuyan! Gusto mo pa bang malaman ang lugar at panahon? It was Sunday in the afternoon at San Carlos St. Kung saan nagawa niyo pang mag renta ng isang private house para magawa niyo lang ang mga kababuyan niyo ni Savannah! Gusto mo rin ba na malaman kung paano ko iyon nalaman? Obviously sinundan ko si Savannah sakay ng kaniyang sasakyan at hindi ko inaasahan sa aking buhay ang aking makikita at matutuklasan doon! And now tell me, iba ka ba sa lahat ng lalaki Mike? Matino ka ba katulad ng pagkakasabi mo noon sa akin?"

Natulala naman si Mike habang hindi alam ang kaniyang sasabihin at ipapaliwanag sa akin. Mayamaya pa ay huminga siya ng malalim habang hindi mapakali sa kaniyang sarili.

"I'm sorry Kristina. I was wrong, nadala lamang ako sa tukso ni Savannah ngunit alam ko sa aking sarili na ikaw ang mahal ko at hindi siya. I know this is very bad but let me explain," ani pa ni Mike habang nagmakakaawa sa akin upang siyay makapagpaliwanag.

"This is enough Mike. Minsan na akong dumaan sa ganitong sitwasyon and yet hindi na bago sa akin ito. Minsan na akong nagdusa at ngayon ay muli pang na ulit. Ngunit sinabi ko sa aking sarili na gagawin ko ang tama at nararapat kahit na ito'y mahirap. I'm sorry to tell you this, na hindi ko na kailangan ang nga explanation mo. Nasabi ko na ang dapat kong sabihin kung kaya't wala ng dahilan pa na pakinggan ko pa ang bawat sasabihin mo," humarap ako sa kanya at tinitigan siya ng mabuti sa kaniyang mukha. "Mas pipiliin ko ang sarili ko kesa ipaglaban ko ang aking pagmamahal sa iyo," dugtong ko pa sabay tinalikuran siya.

Agad naman akong niyakap ni Mike ng mahigpit habang ako'y nakatalikod. Habang panay sa kaniyang paghingi ng tawad sa akin at paghingi ng pabor upang siya'y makapagpaliwanag.

Subalit parang bato na itong puso kung kaya't bawat sasabihin niya at paghingi ng patawad gayon din ang kaniyang pagmamakaawa sa akin ay hindi ko na naririnig pa.

"Please Kristina I don't want to lose you. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin. I'm sorry sa kasalanang nagawa ko sa iyo. Natukso lamang ako. Please I'm sorry I'm begging you Kristina!" Pagmamakaawa pa ni Mike sa akin.

"Please give me some another chance at magbabago ako. Hindi ko naman talaga mahal si Savannah at nagawa ko lamang iyon dahil sa kaniyang pang-aakit na ginawa sa akin which is my bad!"

Muli kong hinarap si Mike para sa huling sasabihin ko sa kanya.

"Huli na ang lahat para magsisi ka pa Mike. Ika nga nila nasa huli ang pagsisisi. I think this conversation is over just like is we're OVER!"

Tinalikuran ko si Mike at dumiritso ako papasok ng bahay habang iniwan siyang luhaan sa labas ng aking bahay.

Paulit-ulit man siya sa kaniyang paghingi ng tawad sa akin at pagsassabi na siya'y nagsisisi. Ngunit hindi ko na mababago pa ang aking naging pasya at desisyon.

Pormal na nga akong nakipaghiwalay kay Mike. At iyon at paninindigan ko.

Hindi ko na pinaabot pa ang aming ika-walong buwan na relasyon dahil alam ko naman na wala na iyong kwenta.

Ayoko nang magbulag bulagan pa at apak-apakan na lang. Natuto na akong panindigan ang isang desisyon ko sa buhay. Iyon ay ang palayain ang taong sakit lang ang ibibigay sa akin at higit sa lahat ang palayain ang taong hindi naman karapatan dapat para sa akin.

It was Tuesday in the afternoon nang pumunta ako ng ospital upang dalawin si Troy bago ako umuwi ng Laguna para magbakasyon muna roon ng ilang Linggo.

Naisipan ko na rin na ipagtapat na lamang sa Mommy ni Troy ang totoong status sa aming relasyon.

At nang makahanap nga ako ng magandang tyempo para makausap siya ay hindi na ako nagdalawang isip pa na ipagtapat sa kanya ang totoo na wala naman kaming relasyon dalawa ni Troy. Bagkos ay matagal na kaming hiwalay at ngayon at tila magkaibigan na lang ang status namin sa isat-isa.

Lalo pa at wala namang pormal na nagsasabing bumalik sa dati ang dating kami kahit pa man sabihin natin na pareho kaming may nararamdaman sa isat-isa kaso nga lang at pinipigilan ko lang itong nararamdaman ko para sa kanya dahil ayoko na muling masaktan pa.

Bago ako tuluyan na umalis ng ospital ay nagpaalam ako ng pormal kay Troy at nagbilin ng ilang mga salita para sa kanya.

"Um, aalis na pala ako bukas makalawa Troy dahil sa uuwi muna ako nang Laguna. Maiiwan na muna kita rito at hindi mababantayan, subalit mag-a-update naman ako araw sa Mommy mo upang makibalita sa magandang ratings sa kalagayan mo. Pasensya kana ha subalit kailangan ko muna talaga ang umuwi nang Laguna at magpalayo-layo rito sa General Santos ng kunting panahon. Lalo pa at kailangan kong mapag-isa," saad ko pa kay Troy sabay hinawakan siya sa kaniyang kamay habang pinagmamasdan sa kaniyang mahimbing na pagkatulog.

Mayamaya pa ay hindi ako nagdalawang isip na halikan siya sa kaniyang labi bago ako tuluyan na lumisan dito sa ospital.

"Magpagaling ka Troy. I love you kahit na magkaibigan na lang tayo," huling habilin ko sa kanya bago ako umalis.

Matapos ang dalawang araw ay lumipad na nga ako patungong Laguna.

Isang araw kung saan napag-isipan ko ulit mag-ride at pumunta sa paborito kung lugar which is ang hidden forest .

Natapos ng mahabang pag-solo ride ko ay narating ko na rin ang lugar.

Mag-isa lang ako rito. Tinatanaw ang magandang tanawin at pinagmamasdan ang magandang pag-agos ng tubig sa ilog.

Ilang oras ang pananatili ko rito dahil sa paghihintay ko sa paglubog nang araw at mayamaya lang din ay tila nagsisimula nang lumubog ang araw.

Habang nakatitig ako sa ilog ay may napansin akong isang anino ng lalaki na naka-refelect sa tubig. Nagtaka ako kung kaya't dahan-dahan akong lumingon.

At paglingon ko ay hindi ko inaasahan na makikita si Troy na siyang nakatayo sa aking likuran.