CHAPTER 102
Nabigla ako at nagulat lalo pa alam kong hindi pa siya nakagising mula sa kaniyang mahabag pagkawala ng malay at iyon nga ay nagpapagaling pa siya. Subalit ngayon ay nandito siya sa Laguna mismo sa aking harapan na siyang labis kong ipinagtaka.
"Na istorbo ba kita?" Mahinahon na tanong ni Troy habang may ngiti sa kaniyang mga labi.
Napatigil naman ako habang tulala lang dahil sa hindi makapaniwala na nandirito siya ngayon.
"Nandito ako para humingi muli nang patawad at pasensya sa iyo Kristina. It's been a long time na hindi tayo muli nagkausap since the accident happened," wika pa ni Troy sabay hawak sa kaniyang magkabilang bulsa.
Hindi ko na nagawang makapagsalita pa dahil hindi pa rin talaga ako makapaniwala.
Unti-unti lumapit sa akin si Troy.
"Mahal na mahal pa rin kita Kristina. Hindi ka pa rin mawala wala sa isipan at puso ko. Sana naman ay bigyan mo pa ako ng pagkakataon para baguhin ko ang aking sarili,"
"Troy? Pero bakit? Hindi ba at nasa ospital ka pa ngayon at nagpapagaling pa pero bakit ngayin ay nandiriti kana? Ano ang ginagawa mo rito sa Laguna?
Napangiti naman siya ng kunti.
"Matagal na akong magaling at nagising mula sa aking mahabang pagkatulog Kristina. At alam ko lahat ang mga nangyayari sa iyo. Naririnig ko rin lahat bawat paglabas mo ng saloobin sa akin sa tuwing dinadalaw mo ako sa ospital. Nandito ako upang pagaanin ko ang loob mo Kristina. Alam kong may trauma kana sa pag-ibig lalo pa at muli na namang na ulit sa iyo iyon."
Mayamaya pa ay huminga ako ng malalim habang napapaisip sa aking sasabihin. "Subalit maayos na ako Troy. Ayos na sa akin na ako lang mag-isa sa buhay. Natatakot na ako Troy. I'm sorry subalit hindi na muna sa ngayon."
Agad akong niyakap ni Troy nang mahigpit. "Please forgive me. Alam kong naging tanga ako sa part na hinayaan kitang mapunta sa kamay ng iba. Na wala akong nagawa kun'di ang hayaan ka na lang sa piling ng iba and yet sinaktan ka niya katulad ng aking ginawa sa iyo noon but iyon ay matagal ko nang pinagsisihan."
"Tama nga ang Mommy ko na napaka-swerti ko na sa iyo. Hindi ko nga alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat ng hirap at sakripisyo na ginawa mo sa akin nu'ng mga panahong na aksidenti ako at na walan ng silbi sa mundo. Subalit nandiyan ka pa rin kahit na alam natin pareho na wala ka nang dapat obligasyon sa akin dahil wala nang tayo at mayroon ka rin boyfriend nu'ng time na iyon. But I'm so thankful dahil pinadama mo pa rin sa akin na mayroon pa pala akong puwang diyan sa puso mo."
"Gusto kong bumawi sa iyo Kristina. Alam kong mayroon ka pang pagmamahal sa akin hanggang ngayon. Hindi ka naman siguro maghihirap at magsasakprisyo sa pagbabantay sa akin doon sa ospital kung wala lang ako sa iyo. Alam ko at ramdam ko na mahal mo pa ako Kristina," hindi na napigilan ni Troy ang kaniyang emosyon na naramdaman kung kaya't biglang napatulo ang kaniyang luha.
"Umalis ka na lang Troy sapagkat wala kang mapapala sa akin." malungkot na pagsabi ko habang pinipigilan ang aking emosyon na nadarama.
"Bakit mo ako pinapaalis? Hindi mo na ba ako mahal?"
"Oo Troy hindi na kita mahal. Alam kong sasaktan mo lang ulit ako at iiwan. So, please umalis ka na lang at iwanan mo na ako rito,"palakas na boses na pagsabi ko habang pilit na pinipigilan ang aking nararamdaman na pagmamahal sa kanya. Kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.
Napatigil si Troy ng marinig niya ang sinabi kong hindi ko na siya mahal.
Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha niya. Hanggang sa unti-unti siyang lumuhod sa harapan ko na pilit nagmamakaawa at humingi ng patawad.
"I'm really really sorry. Napakalaki kong gago. Gago ako gago walang kwentang lalaki," patuloy lang sa pag-iyak at pagluhod sa harapan ko si Troy
"Alam kong hindi mo na ako kayang patawarin. Nalaman ko na rin na hindi mo na ako Mahal. Ano pa ng silbi ng buhay ko rito sa mundong ito.
Sana ay maging masaya kana sa bagong buhay mo. Sana ay mahanap mo ang lalaking para sa iyo. Patawad kung hindi ako naging deserve at worth it sa iyo Kristina. Isa lang Ang hiling ko sana ay magawa mo pa akong patawarin kahit na hindi na ako ang Mahal mo. Paalam na lang kristina at ako'y aalis na lamang. Mag-iingat ka palagi. Tandaan mo na mahal na mahal kita," emosyonal na pamamaalam ni Troy sa akin.
Hindi na ako kumibo o nag salita sa mga sinabi pa ni Troy bagkos ay patuloy lang sa pag-agos at pagpatak ang luha sa aking mga mata.
Mayamaya lang ay unti-unti na siyang tumayo habang tinitigan ng matiim ang aking mukha. Ilang saglit pa ay dahan-dahan niyang hinawakan ang aking mukha at walang pag-alinlangan na hinalikan ako sa aking mga labi. Sabay sabing
"Paalam na aking mahal."
Matapos nu'n ay dahan-dahan na siyang tumalikod at lumakad papalayo sa akin.
Nang bigla akong sumigaw nang_ "Mahal kita Troy!"
Nang marinig ni Troy ang aking pagsigaw at sinabi ay napatigil siya sa kaniyang paglalakad at dali-daling lumingon sa akin na may malaking ngiti sa kaniyang labi.
Mayamaya pa ay mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap agad ako ng mahigpit habang hindi mapakali sa kaniyang sarili dulot sa labis na sobrang tuwa.
"Mahal na mahal din kita Kristina. Mahal na mahal. Salamat at minahal mo pa rin ako sa mga nagawang kasalanan ko sa iyo. Sisiguraduhin kong babawi ako," sabay hinalikan ako sa aking labi ng paulit-ulit.
"Mahal na mahal din kita Troy. Kahit anong gawin ko ay hindi ka pa rin mawala sa isip at puso ko. Kahit na anong pilit kong taboy sa iyo.
"Patawad kung ako'y naging gago pagtawad kung niloko kita noon. Asahan mong babawi ako sa lahat ng aking pagkukulang, "
"Tama na pinapatawad naman kita matagal na,"
"I love you so much Kristina my love"
"I love you so much Troy my love"
Ilang sandali lang ay napatigil si Troy.
Napansin kong dahan-dahan siya na lumuhod ulit sa aking harapan.
Nagulat ako at nagtaka. "Troy_,?
Mayamaya lang ay may kinuha siya sa kaniyang bulsa na isang maliit na box. Laking gulat ko na lang nang buksan niya ito at isang sing-sing ang laman.
"Kristina my love, will you marry me?"
Napatigil ako saglit at lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa saya at tuwa na naramdaman ko ngayon.
"Totoo ba ito Troy? Pero bakit?
" Will you marry me Kristina?"
Napaiyak muli ako hindi dahil sa sakit kun'di dahil sa sobrang tuwa at saya. "Yes, I do Troy I will marry you!"
Agad na sinuot ni Troy ang sing-sing sa aking kamay at sabay na niyakap ako ng mahigpit at hinalikan sa labi.
Parehong tuwa at saya ang naramdaman namin ni Troy dalawa. Kahit gaano pa man kahirap ang aming madaanan sa buhay lalo na pagdating sa relasyon ay pilit pa rin talagang pagtatagpuin ng tadhana. Hindi nga basihan kung gaano kahaba o katagal ang iyong relasyon o pinagsamahan.
Paulit-ulit man kaming mag-aaway at kahit na makahanap pa ng bagong makarelasyon. Kung kami talaga ang itinadhana at nakalaan para sa isat-isa ay gagawa at gagawa talaga ng paraan ang diyos magkabalikan lang kami.
Ikinasal kami ni Troy at nagpakasal kami dito sa Laguna at mismo sa hidden forest ang naging venue nang aming kasal.
Nagkatotoo nga ang pangako ni Troy sa akin noon na papakasalan niya ako kahit na hindi naging madali ang lahat para sa aming dalawa.
Nagsimula kaming mamuhay subalit doon namin ipinagpatuloy ang aming pamumuhay sa General Santos kung saan pareho namin pinalago ang aking Restaurant na ngayon ay may apat na branches na sa ibat-ibang lugar ng Pilipinas.
Naging maganda at payapa ang pamumuhay namin ni Troy. Hanggang sa mabinayaan kami dalawang anak na babae.
Tunay nga naman talaga na kung para kayo sa isat-ia ay gagawa talaga ng paraan ang tadhana upang kayo ang magkatuluyan sa huli.
Nang dahil sa isang one night stand lang ay naging panghabang buhay na na pagmamahalan.
Love is everywhere
Love is powerful
" THE END "