Chapter 9: KABANATA 8

Maaliwalas ang paligid. Bahagyang nakasilay ang araw mula sa pagkakakubli sa makakapal na mga ulap, at ang kupas na bughaw na langit ay tila ba nagsasabing sa kabila ng mga luhang bumuhos ay isa pa rin itong napakagandang araw.

Walang kibo akong nakatayo sa harapan ng marmol na bato kung saan nakaukit ang pangalan ni Ace, malapit sa ama niya at mga kapatid. Wala silang imik, pero ang katahimikan na mismo ang bumubulong sa akin na simula sa araw na ito, hindi na magiging madali ang lahat para sa akin. Wala mang mga hikbing kumakawala sa mga labi ng lahat ng naririto, alam ko kung gaano nawasak ang puso ng mga Fontanilla. Dapat ko bang samantalahin? O dapat na akong matakot?

Dalawang metro sa likuran, naroroon ang lahat ng mga tauhan na kapwa may mga hawak na puting rosas, at sa hindi mabilang na kabuoang bilang nila, halos mapuno na ang sementeryo.

"Alam kong alam mong hindi ako papayag na lumipas na lamang ito ng ganoon kadali," panimula ni Damian habang isa-isa nang nagsisibalikan sa mansyon at kanya-kanyang mga trabaho ang mga tauhan, para na rin iwanan ang pamilya ni Ace na makapagluksa ng tahimik.

Nakatulala lamang is Damian sa kawalan, pero mababakas mo pa rin ang autoridad at kapangyarihan niya. Ang mga mata niyang punong-puno ng galit ay hindi nakaligtas sa obserbasyon ko.

"Hindi kita papatayin dahil mahalaga sa akin ang anak ko, pero gagawin ko ang lahat para mamatay ka ng hindi dumadaan sa kamay ko," Lumingon si Damian sa gawi ko kaya pasimple kong iniiwas ang tingin ko. "Ikaw ang pangangasiwain ko ng paglilipat ng plantasyon ng mga Poppy. Ikaw din ang mangasiwa sa pagbabagsak ng mga extacy at marijuana sa mga sindikatong binabagsakan natin." Hindi ako umimik. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Ang alam ko lang ay hindi iyon maganda at ligtas para sa akin.

Sandali akong napalingon kay Max nang wala siyang imik na tumaliko dt naglakad paalis. Naiwan doon si Leo na siya ring nakatanaw sa kapatid habang naglalakad ito palayo. Sinulyapan lang ni Leo ang ama bago ito sumunod kay Max, at doon, naiwan kaming dalawa ni Damian.

"Ilabas mo ang mga droga, at ipasok mo ang lahat ng pera. Mayroon kang isandaang tauhan,"

Napailing ako at inis na sinabing, "Binibigyan mo ba ako ng pagkakataon na pabagsakin ka? Milyones ang halaga ng mga droga at bilyones kung isasama ko ang mga property mo. Hindi mo ba naisip na isang kapalpakan lang, pwedeng mawala lahat sa'yo? Sigurado ka bang payag kang mawala lahat iyon para lang sa iisang buhay ko?"

Pagak na tumawa si Damian sa tinuran ko. Hindi naman sa gusto ko siyang isalba, pero hindi ko lang maisip kung gaano siya kaobssesed na patayin ako na willling siyang malagasan ng yaman, mabura lang ako sa mundo. Imposible... Lahat ng iyon, para sa bungo ko? ALam kong hindi siya ganoon katanga. May mas malalim siyang motibo...

"Sino bang nagsabing iisang buhay lang ang sisingilin ko kapag nalagas ang lahat ng mga ari-arian ko?" nakangisi niyang tanong saka ako biinalingan ng tingin. "Si Ezekiel... pati na rin ang ama mong si Artemis..."

Namilog ang mga kamao ko sa tinuran niya pero pinilit kong hindi iyon ipakita sa kaniya. Sinasabi ko na nga ba.

Humugot si Damian ng isang malalim na hininga bago muling tumitig sa malayo. Isinuksok niya ang mga kamay sa bulsa at para bang hindi ang himlayan ng bunso niyang anak ang tinatapakan niya na nagawa niya pang ngumiti na animo'y normal lang ang lahat.

"Alam kong hindi mo gugustuhing pumalpak dahil una, hawak ko ang buhay nila, at isa pa, kaya kong bawiin ang lahat ng mawawala kung papalpak ka. Milyones-- mali. Bilyones? Marami niyan si Artemis dahil kagaya ko ay malago ang negosyo niya sa underground society,"

Kumunot ang noo ko. Legal ang negosyo ng ama ko dahil minana niya pa ang Jaranilla Group mula sa lolo ko. Hindi na kakailanganin ni Dad ng ilegal na negosyo para kumita dahil hindi sapat ang mga kamay ko sa daliri at paa para mabilang kung ilang matagumpay na kumpanya na ba ang naging bahagi ng JG.

"Anong sinasabi mo?" malamig kong turan. "Patayin mo man si Artemis, wala akong pakialam. At kung suusbukan mong galawin si Kiel, ashan mong hindi lang ang mga droga at properties mo ang mawawala sa iyo."

"Hindi ako tanga para maniwalang hindi mo pa rin siya naaalala--"

"Wala akong pakialam kung naniniwala ka. Ang sinasabi ko lang, sa oras na magalusan si Ezekiel sa kahit anong paraan mula sa iyo, asahan mo na ang pagguho ng imperyo mo. Trust me, Damian. I am more than just an assassin you taught how to hold guns. "

Matalim kong ibinaon kay Damian ang mga mata ko, na hindi kagaya kanina na pilit kong ikinukubli ang nararamdaman ko, ngayon ay hinayaan ko na lang iyong lumitaw. Masakit sa aking itanggi sa harapan niya ang ama ko, pero kailangan ko iyon para hindi ko siya maging kahinaan.

"Fine," tumangu-tango si Damian. "Wala naman akong pakialam kay Ezekiel as long as hindi siya magiging isa pang sakit sa ulo. Ang mahalaga lang ngayon ay gawin mo ang trabahong iniatang ko sa iyo, dahil una, bago mo pa man maisip na wasakin ako, nakahandusay na ang bangkay nilang dalawa sa sahig."

Naglakad si Damian palagpas sa akin na sinundan naman ng mga natitira pang mga tauhan. Hindi na niya ako tinapunan pa ng tingin, bagkus ay dumeretso na sa sasakyan at umalis. Naiwan ako roon na nakatayo habang namimilog ang mga kamay at nanggigilid ang mga luha. Tapos na ang lahat, at balik na naman sa dati ang sitwasyon. Tapos nang pagluksaan si Ace, kaya wala nang mga nomalya. Tuloy ang pagpapahirap ni Damian sa akin, habang ako ay tuloy ang plano.

"Hayop ka, Damian!" malakas kong tili nang makaalis na silang lahat. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko at napaluhod na rin ako sa may paanan ng himalayan ni Ace. ***

Lumipas ang mga araw. Bumalik sa dati ang lahat. Kagaya ng sinabi ni Damian ay ibinigay niya sa akin ang pangangasiwa sa mga plantasyon at bagsakan ng droga. Sa paglipas ng dalawang buwan ay hindi ko na namalayan ang mga bagay-bagay. Inilipat ko ang plantasyon ng mga Poppy sa Benguet, at ang mga Marijuana naman ay sa Laguna at Rizal na inihahalo sa mga pananim na kamoteng kahoy dahil sa pagkakahawig ng mga hitsura nito. Sa ganoong pamamaraan ay walang makakapansin.

Sa loob ng dalawang buwan na lumipas, tanging ang pangangasiwa ng mga plantasyon at bagsakan lamang ng droga ang naiintindi ko, na para bang sarili ko itong negosyo. Hindi ko gustong palaguin ang yaman ni Damian, pero ang isiping ikapapahamak ito ng dalawang lalaking mahalaga sa buhay ko ay hindi ko kaya.

Hindi ko na nakikita ng madalas si Maax sa dorm; pati si Leo. Siguro ay dahil sa pare-pareho kaming abala. Minsan, kapaga naaabutan naming tatlo ang isa't-isa sa loob ng dorm ay walang nagiimikan. Nagbabangayan kami ni Leo na umaabot sa puntong muntik na kaming magka-kalabitan ng baril kung minsan. Si Max naman, ni hindi ako pinagaabalahang tapunan ng kahit isang sulyap. Tanda na hindi niya pa rin gusto ang makita ang pagmumukha kong bumabalandra sa harapan niya. Sa loob ng van kung saan kasama ko ang sampu sa mga tauhang ibinigay sa akin ni Damian ay tahimik akong nakahalukipkip at nakapikit. Galing pa kami sa Quezon, kung saan naroroon ang laboratoryo. Pinick-up namin ang mga naproseso nang Opyo at ang ilang bag ng heroin na ibabagsak ng iba pa sa Timog. Sa uong Luzon ay ako na ang nangangasiwa, pero sa bahagi ng Visayas at Mindanao ay ipinagpapaubaya ko na lamang sa ibang mga tauhan.

"Xena,"

Napamulat ako sa marahang pagtapik ng isa sa akin. Doon ko lamang napagtanto na nakarating na kami sa bar na halos gawin nang bahay at asawa ni Riguel, ang utak ng isang sindikatong babagsakan ko ng mga droga ngayon. Hide Out ang pangalan ng Bar, at malapit lang rin ito sa Oxemburge. Mula sa labas ay rinig na rinig na ang mga ingay na nagmumula sa loob. Sinenyasan ko lang sila na ibaba na ang droga kasunod ko na siya rin naman nilang sinunod.

Suot ang tipikal kong outfit na jeans, boots, at demin jacket, pinasok ko ang bar kasunod ng mga tauhan ko. Maraming lasing at marami ring mga naghahalikang kung sinu-sino sa loob. Mayroong entablado sa may gawing kanan at mayroon doong banda na nag peperform, na katulad ng mga tao sa dance floor, ay wari'y high at lasing na rin. Hindi nagtagal ay dumako ang paningin ko sa isang lalaking animo'y hayop na gutom kung sumupsop ng labi ng isang prostitute na nooy nakaupo sa kandungan niya at abalang ginagawa ang nakaririmarim nilang mga aktibidad. Napangiwi ako sa pandidiri nang huminto ako sa tapat niya at pabagsak na ipinatong sa lamesa ang dalawang bag ng droga.

"Dalawampung kilo ng Heroin, at dalawampung kilo ng extacy. Ang sampung kilo ng tuyong dahon ng Marijuana ay isusunod ko sa oras na mabayaran mo ang balanse mong tatlong milyon,"

Napahinto si Riguel sa ginagawa niya at napabaling ng tingin sa akin. Bahagya niyang itinulak palayo ang babae paalis sa kandungan niya at agad na umayos ng upo. Nakabukas pa ang damit at zipper ng pantalon niya, at hindi ko maiwasan ang mandiri sa hitsura niya.

"Bukas na bukas, babayaran ko ang balanse," nakangiti niyang sabi habang nakapako ang tingin sa binuksan niyang bag. Semenyas siya sa mga tauhan na kuhain na ang bag pero naglabas ako ng baril at ikinasa iyon sa harapan ni Riguel. Napahinto ang mga tauhan at napaangat naman ang tingin niya sa akin.

"Papayagan kitang kunin ito, kung ilalabas mo ang pera at ihahain sa harapan ko. Hindi ako tanga para hindi madala sa huling beses na bagsakan, Riguel. Alam ko namang hindi ka rin ganoon katanga para isiping ganoon na lamang iyon, hindi ba?"

Noong huling basgsakan ay inutakan niya ang mga tauhan ko, at ang akala niya ay hindi ko iyon nalaman. Peke ang kalahti sa perang ibinayad niya, at dahil doon ay muntik na akong patayin ni Damian. Bukod doon ay mayroon pang tatlong milyong balanse, kaya hindi ko rin mapapayagang lumipad na lang sila basta ngayon.

"Ihain niyo ang pera sa harapan ko, kasama na labinlimang milyong piso na hindi mo ibinigay noong nkaaraan. Tatlong milyong balanse at labinlimang milyong kulang; labingwalong milyon kasama ng kabuuang halaga ng walumpung kilo ng mga droga ngayon,"

Itinuro ko ang ibabaw ng lamesa at ngumiti kay Riguel na animo'y hindi niya ganoon ka nagustuhan. Binitawan niya ang hawak na mga pakete ng droga at tumatawang sumandal patalikod. Sinenyasan niya ang isang tauhan habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Lumapit ang mga tauhan ko at dinampot ang droga at inilapag sa may gilid ko, habang ako naman ay naupo sa tapat ni Riguel.

"Akala ko'y hindi mo napansin," wika niya at tumawa. "Ganto na lang, Xena. Ibibigay ko ang kabuuang halaga ngayong gabi, pero mayroon akong kundisyon."

Pinasadahan niya ng malagkit na tingin ang buong katawan ko bago kagat-labing ibinalik sa mukha ko ang tingin. Doon pa lang ay nandidiri na ako. SI Riguel ay hindi lang isang drug lord. Sangkot rin siya sa murder at rape cases, at isa siya sa mga most wanted criminals sa bansa.

"Kapag napaligaya mo ako, dodoblehin ko ang halaga. Ano sa palagay mo, Xena?"

Hindi na ako nakapagpigil. Tumayo ako at sinipa ang lamesang namamagitan sa aming dalawa, dahilan para matapon ang lahat ng naroroon. Itinutok ko ang baril sa noo niya pero mabilis na humugot ng baril ang mga tauhan niya. Wala siyang kakibo-kibo na nakatitig sa akin. Wala siyang pakialam na kakalabitin ko ang gatilyo.

"What? Malaki naman ang alaga ko kaya alam kong masisiyahan ka rin,"

"Shut up, Riguel. Nakakadiri,"

Bumalik ang tauhan ni Riguel at inihain sa harapan ko ang pera. Kasunod noon ay ang pagtayo ni Riguel kahit n nakatutok pa rin sa kanya ang baril ko. Marahan niya iyong kinuha sa akin at itinapon sa sahig habang nakangisi.

"Sumama ka na kasi," malandi niyang saad, pero bago pa man ako makasagot at umalingaw-ngaw ang isang putok ng baril. Natumba ang isang tauhan ni Riguel sa sahig habang sapu-sapo ang hita. Nilingon naming lahat ang gawi kung saan nagmula ang putok ng baril pero sa paglingon ni Riguel ay sumalubong ang baril ni Leo.

"Kunin mo ang droga bago pa magbago ang isip ko," malamig na utas ni Leo.

"Leo, si Xena ang kausap ko--"

"Kung hindi ang transaksyon ang ipunta mo rito, umalis ka na. Siguraduhin mo ring hindi ko makakausap ang kapatid mong babae..."

Nagigting ang panga ni Riguel sa tinuran ni Leo. Inis na tumitig si Riguel sa kaniya at wala pang sampung segundo,

"Kunin niyo na ang droga." utos ni Riguel bago walang imik na tumalikod at umalis.

Sinunod iyon ng mga tauhan ni Riguel. Isa-sa silang nagsi-alisan matapos makuha ang droga, at kasunod naman noon ay ang pagtalikod ni Leo. Naiwan ako roon at ang mga tauhan ko. Agad kong iniutos sa kanila na umalis na dala ang pera para sundan si Leo sa parking lot. Patakbo ko siyang hinabol at mabuti na lanng ay naabutan ko pa siya. Hinila ko siya sa braso kaya agad siyang napatigil at napalingon.

"Bakit ka nakielam?" matapang kong tanong na siyang ikina kunot ng noo ni Leo.

"Excuse me? Dapat bang pinabayaan na lang kitang ibinabalandra yang katawan mo kay Riguel imbis na inaasikaso mo ang trabaho mo? Sorry? Naabala ka ba?" sarkastiko niyang turan saka naiiling akong tinalikuran.

"Legolas!" bakas ang galit kong tawag sa kaniya.

"Ano?" walang interes niyang sagot at nilingon ako. "Ako pa ba ang dapat magpasalamat sa iyo?"

Hindi ako umimik. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ko siya hinabol o bakit ako pa ang galit na tinulungan niya akong makaalis sa sitwasyong iyon. Napabuntong hininga na lang ako at umiwas ng tigin.

"Sa susunod, huwag kang makikialam sa lahat ng transaksyon ko. Dahil sa iyo, nakaalis na lang ng ganun kadali si Riguel--"

"Ay wow! Sorry ha? Hindi ka ba nagkaroon ng pagkakataon na paligayahin siya? E bakit hindi ka na lang pumayag at sumama? Hindi mo naman kasi sinabing parte pala ng transaksyon ang paghahain ng katawan, edi sana tinuruan ko si Riguel kung paano paamuhin ang katulad mong mabangis na tupa--"

Isang malakas na sampal ang lumandas sa pagmumukha ni Leo nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Natulala si Leo sa ginawa ko at napahawak siya sa pisngi niya na para bang hindi niya maproseso ang nangyari.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Legolas, pero hindi iyon ang ibig kong sabihin," utas ko habang namimilog ang mga kamao. "Wala kang alam sa trabaho ko, kaya hindi ka dapat nakikialam. Kung ang mga babae mo ay napapaamo mo dahil sa mala-anghel mong mukha, hindi ako isa sa kanila dahil hindi ako lumuluhod sa harapan ng mga kagaya niyong madudungis ang kaluluwa."

Umismid si Leo saka binitawan ang pisngi niya at tumingin ng masama sa akin. Isang hakbang palapit ang ginawa niya pero hindi ako kumibo.

"Talaga ba?" mapanuya niyang tanong saka mas lumapit pa. "Siguro dahil kaming mga lalaki ang gusto mong lumuhod sa harapan mo, para makuha mo ang gusto mo, o di kaya'y mapatay mo ang kahit sinong gusto mong patayin. Tama ba? Sabihin mo nga sa akin, Xena. Anong ginawa mo kay Ace para mahulog siya ng ganoon kalala sa iyo? Ilang serbisyo ba? Gaano kainit? Ilang beses--"

Muling dumampi ang palad ko sa pisngi ni Leo at kasabay ng malakas na pagtama noon sa kaniya ay ang pagpatak ng luha ko. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Leo pero hindi nawala ang mapanuya niyang mga ngisi.

"Bakit? Mali ba ang sinasabi ko?" muli pa nyang hamon.

Umiwas ako ng tingin at nagtangkang umalis, pero mabilis pa sa kidlat ang kamay ni Leo na kumapit sa braso ko. Hinila niya ako pabalik at itinulak sa may hood ng kotse sa malapit. Napa-atras ako at napasandal sa hood ng kotse habang siya naman ay galit na galit na lumapit sa akin.

"Sinong kasunod ni Ace? Si Dad? Si Max? O ako?"

"Nababaliw ka na Legolas,"

"Sagutin mo, Xena!"

Marahas ang pagangat at pagbaba ng mga balikat ni Leo habang pilit akong ikinukulong sa pagitan ng kotse at niya. Dalawang buwan na ang nakalipas pero bakit ngayon lang siya nagsalita tungkol sa hinanakit niya sa kamatayan ni Ace? Huminga ako ng malalim habang deretsong nakatitig sa mga mata niya.

"I'm in love with Ace," deretsahan kong pag-amin kay Leo.

Bakas ang pagkabigla sa mukha niya, na animo'y hindi siya makapaniwala sa tinuran ko. Ang galit niyang expression kanina ay dahan-dahang nabura. Tumitig siya sa luhaan kong mga mata na para bang hinahanap niya ang kasinungalingan sa sinabi ko, pero napaatras siya ng isang hakabang ng makitang tumulo lang muli ang luha ko.

"If I want him dead, hindi na sana kita tinawag noong gabing iyon at pinabayaan na lang sana siyang mamatay. Hindi ko siya inakit; ang totoo pinilit ko pa nga siyang layuan. Kung luluhod man ako sa harapan ng isang lalaki, kay Ace lang posible iyon. Sakanya, kaya kong baliin ang sarili kong prinsipyo,"

"You're lying," akusa ni Leo saka mapait na ngumiti at umiwas ng tingin. Hindi ko na mabasa ang emosyon niya. Kung kanina ay para siyang isang galit na tigre, ngayon ay hindi ko na alam. Ang tangi ko lang interpretasyon sa kilos niya ay hindi niya gusto ang naririnig niya mula sa aking sagot.

"I wish I am," sambit ko saka pinahid ang luhang bumabasa sa mga pisngi ko at nagiwas ng tingin. "But I am not. I love Ace, but I hate it ... because he's a Fontanilla."

"What do you mean?"

"I don't want a Fontanilla. Kahit pa hindi siya namatay, hindi ko siya magagawang akitin o lapitan dahil hindi ko kailanman gugustuhing makasama ang sino man sa pamilya niyo,"