Chapter 10: KABANATA 9

Nakatitig lang si Leo sa mga mata ko, at alam kong nakikita niya kung gaano ko kinamumukian ang pamilya niya. Umiwas na ako ng tingin at humugot ng isang malalim na hininga bago tuluyang pinahid ang mga luha ko. Hindi na muli akong umimik bagkus ay naglakad na palagpas kay Leo. Wala akong balak na dugtungan pa ang usapang ito.

"Ganoon mo ba kinamumuhian ang pamilya ko?" Napahinto ako sa ipinahabol na tanong ni Leo. Dinig na dinig ko ang malalim niyang hininga bago dinugtungan ang tanong. "Bakit... Bakit hindi ka umaalis?"

Napaismid ako sa tanong niya. "Sa tingin mo ba, hindi ko sinusubukan?"

Pumihit siya paharap sa akin na siya ko namang nilingon sa ibabaw ng balikat ko. Kuno't noo niyaang pinagmasdan ang likuran ko, at bago pa man siya muling makapagsalita, humakbang na ako paalis.

***

Sa patuloy na paglalim ng gabi, natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa gitna ng field. Tahimik. Walang tao. Tanging ang nagkikislapang mga bituin lamang sa itim na langit ang makikita bukod sa mga anino ng mga puno at gusali ng paaralan. Wala man akong ideya sa kung paano ako napadpad dito sa ganitong oras ay hindi ko na minabuting itanong sa sarili ko. Minsan lamang ako kung magkaroon ng pagkakataon na tumingala sa langit para maalalang maganda pa rin ang buhay sa kabila ng masasalimuot na pinagdaanan ko. Sa mga ganitong pagkakatoan, nakakalimutan kong ako si Xena at isa akong assassin— halimaw.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ibinabang muli ang mga mata ko sa lupa. Kasunod noon ay ang pagsilay ko ng isang mapaklang ngiti.

"Sa dami kong pinatay na tao, may karapatan pa nga ba akong alalahanin na tao pa rin ako? Isa akong assassin na naghahanap ng kalayaan. At para makuha ko iyon, kailangan kong dungisan ang kamay ko. Tao pa nga ba ako?"

Alam ko ang sagot sa sarili kong katanungan. Pero, gusto kong isipin na hindi pa rin ako nagbabago.

"Tao ka..." sambit ng isang tinig mula sa likuran. "Tao ka pa rin."

Automatikong pumihit ang leeg ko palingon sa kaniya. Nakatingin siya sa akin na may suot-suot na mapaklang ngiti. Nakasuksok sa bulsa ng suot niyang pantalon ang pareho niyang mga kamay at mukha siyang totoo.

"Ace?" lito kong tawag habang nakatitig sa mukha niya.

Hindi siya sumagot, bagkus ay mas lalong pumakla ang ngiti. Hindi naman iyon nagtagal dahil kalauna'y ibinuka niya ang mga kamay sa hangin saka ngumiti ng malapad na animo'y iniimbitahan ako sa isang malaki at mahigpit na yakap. Hindi na ako nagalangan pang takbuhin ang pagitan para yakapin siya ng mahigpit. At sa pagtama ng katawan ko sa kaniya, bumagsak ang masagana kong mga luha.

"Ace, I'm sorry," humahagulgol kong sambit habang isinisiksik sa dibdib niya ang mukha ko. "Hindi ko sinasadyang madamay ka."

Nadinig ko siyang tumawa ng mahina habang nakagapos sa katawan ko ang mga bisig niya.

"Hindi mo kasalanan ang nangyari, Xena. At kung magkakaroon ako ulit ng pagkakataon, uulitin ko ang ginawa ko, masiguro lang na magiging ligtas ka,"

It felt so wrong. Mabilis na dumagundong ang dibdib ko sa sinabi niya at kasabay ng mumunting kasiyahang iyon ay ang pagkaalala ng pagnanasa kong pabagsakin ang pamilya niya. Sa kabila kasi ng kamatayan ng nagiisang Fontanillang mahalaga sa akin ay hindi nabawasan ni katiting ang kagustuhan kong makalaya sa pamilya niya.

Marahan ... kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Ace..." tawag ko bago dinampot ang kamay niya at iniangat ang tingin ko sa kaniya. Pero, imbis na mukha ni Ace ang tumambad sa akin, madilim na paligid at anino ng isang lalaki sa harapan ko lang ang nakita ko.

Hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya, pero madilim ang paligid. Hindi ko siya mamukhaan, pero pinili ko na lang na ipagsawalang bahala iyon. Gusto kong humingi ng tawad kay Ace at gusto kong samantalahin ang pagkakataon na naririto siya, kahit sa panaginip ko lang.

"What?" malamig at garalgal na tugon ng lalaki sa harapan ko.

Kumawala ang isang hikbi mula sa mga labi ko at kasabay ng pagtakas ng isang butil ng luha ay sinabi kong,

"Patawarin mo ako dahil kahit sa himlayan mo, hindi nawaglit sa isip kong patayin ang pamilya mo. Patawarin mo ako, Ace, dahil ikaw lang ang kaya kong tignan ng hindi kagaya ng pagtingin ko sa ama at mga kapatid mo. Patawad ... dahil pababagsakin ko sila ... pagdating ng araw,"

Ipinikit ko ng marahan ang mga mata ko at pinigilang humikbi, pero bigo ako. Humigpit ang kapit ko sa kamay niya.

"Do you really have to do that, Xena?" bulong niya na nababakasan ko ng sakit at pagkadismaya. Mayroong tanda ng pakiusap sa boses niya, at nauulinigan ko rin ang maingat niyang paghikbi.

"I'm really sorry," sambit ko. "I have to fight for my freedom, and I would do whatever it takes to escape from your father's hell... including killing your brothers and him..."

Umaga na nang imulat ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang puting kisame ng dorm at sa pagbaling ko sa kaliwa ay nakita ko ang papasikat nang araw. Umupo ako sa kama at hinagod ang buhok ko patalikod. Bakante ang kama ni Max na nasa tapat lang ng akin. Bumaling naman ako sa katabing kama at nakitang wala rin iyong laman dahil ang nagmamay-ari ay naririto sa may gilid ng kama ko't nakasandal. Magulo ang buhok niya at nakabukas ang limang butones ng suot niyang longsleeve polo.

"Legolas," tawag ko, pero hindi siya gumalaw.

Bahagya akong gumulong palapit pero agad akong bumalik nang maamoy ko siya. Amoy alak. Walang duda kung paano siya nakatulog ng ganiyang sitwasyon. Siraulo talaga.

Bumangon ako sa kama at nakangiwi siyang nilapitan at marahang sinipa sa may paa.

"Legolas, lumipat ka nga sa kama mo,"

Nagmulat si Leo ng isang mata at nag-angat ng tingin sa akin. Sandali niya akong tinitigan bago muling pumikit at walang imik na tumayo na para bang wala ako rito. Pabagsak siyang humiga sa kama at muling pumikit.

"Wala ka bang klase?" tanong ko na naalibadbaran sa hitsura niya. Nagaral pa siya kung sarili niyang schedule ang masusunod?

"Umalis ka sa harapan ko, Xena. Nakakawala ka ng antok," sagot niya na nagpaismid sa akin.

Ang sarap talaga niyang patayin.

Tinignan ko ang oras, late na ako sa klase. Mukhang napahimbing ang tulog ko kaya hindi ko na magagawang umattend ng klase ngayong umaga. Kailangan ko pang magtungo sa mansyon ni Damian para masigurong naibalik na ni Riguel ang blanse at utang niya dahil kung hindi pa ay wala na akong ibang choice kung hindi taniman na ng bala ang bungo niya. Since wala naman nang kwenta ang pumasok pa sa klase, nagtungo na ako sa banyo para magligo at umalis.

***

"Again?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Damian kaya't automatiko akong nakapagsalita.

"It's been two months simula noong huling trabaho mo. Bakit? Natatakot ka ba?" malamig na saad ni Damian habang nakatayo sa tapat ng bintana at nakatingin sa labas habang nakapamaywang.

I have another suicide mission. Wow!

Alam kong demonyo siya, pero, kamamatay lang ni Ace! Hindi ba siya nasasaktan kapag naiisip ang bagay na ito, lalo na't sa ganitong aktibidad namatay ang anak niyang bunso? Hindi ako makapaniwala. May ipapapatay na naman siya. Taliwas sa ipinunta ko rito ang dinatnan ko.

"Hindi," tipid kong sagot habang namimilog ang mga kamao.

"Sigurado ka?"

Mapanuyang ngumiti si Damian nang humarap sa akin bago dinampot ang basong may lamang whiskey sa ibabaw ng desk niya. Sinalubong ko ang mapang-asar niyang mga mata ng isang blankong titig bilang sagot.

"Okay," sabay talikod ulit. "Ayusin mo ang trabaho mo dahil libing ni Ezekiel at Artemis ang aasikasuhin mo kapag bumalik ka sa akin ng walang dalang magandang resulta. Makakaalis ka na."

Nasuklay ko ang buhok ko kasabay ng isang aburidong buntong hininga paglabas na paglabas ko sa pintuan ng opisina ni Damian. Muli kong tinignan ang larawang hawak-hawak ko bago marahas na nakagat ang ibabang labi ko.

"Carlos..." bulong ko sa hangin.

Si Caros Olarte ang misyon ko at hindi lang siya basta target. Isa siya sa mga malalaking tao ng underground society. Kilala siya bilang isang masamang damo, ang pinakatuso sa lahat ng kaaway ni Damian. Ngayon iniisip ko kung misyon nga ba ito, o taktika na lamang ni Damian para patayin ako.

Higit isangdaan ang mga tauhang nakapalibot sa kung saan man siya naroroon. Dinaig pa niya ang presidente ng Pilipinas. Sa dinami-rami ng mga operasyong isinagawa ng PNP, NBI, at PDEA, walang ni isa ang naging matagumpay. Ultimo isang gramo ng droga, walang narerecover. Kaya, kung susugurin ko ang lungga niya, kailangan ko ng super powers para makarating sa kaniya ng buhay. Nagiisa lang ako, at wala akong makakasama. Hindi na ako umaasang makakalabas pa akong nakangiti dahil dalawa lang ang pwede kong kahantungan: lumabas ng butas ang bungo, o lumabas na nakalibing sa isang drum ng semento.

***

Idinaan ko sa kick boxing ang frustrations ko. Hindi ko alam, pero since ganito ang madalas kong ginagawa simula't sapul kapag madami akong iniisip, natagpuan ko na lang ang sarili kong bumabato ng malalakas na suntok at sipa sa punching bag sa harapan ko. Naiinis ako dahil natatakot akong pumalpak at mamatay. Tagaktak na ang pawis ko, at hinihingal na rin ako, pero tila ayaw kong tumigil.

Nanubig ang mga mata ko sa inis. At kasabay ng huling suntok, pumatak ang mga luha ko.

"Bwisit!" bulong ko sabay sipa ng marahas sa punching bag.

Pinahid ko ang luha gamit ang likod ng palad ko. Kahit na anong tigas ng katawan ko at bilis ng pagkasa ko sa baril, wala akong tyansang makaligtas sa lungga ni Carlos.

Hindi pa ako tapos sa iniisip ko nang maantala iyon dahil sa naramdaman kong sakit nang bigla na lamang sumulpot si Ezekiel sa likuran ko at ilapat sa may likod ng tainga ko ang kung ano. Nagulat ako at napangiwi sa sakit bago siya nilingon na noo'y isinisilid na sa bulsa ang kung ano mang hawak niya.

"Ano yun?" tanong ko habang kinakapa ang likod ng tainga ko. Matigas. Parang may hikaw na maliit.

"Tracking device. Hindi kita hahaaang mamatay na lang doon. Kapag hindi ka bumalik sa takdang oras, hahanapin kita," sagot niya lang bago ako pinalo ng may bahagyang lakas sa braso at tumalikod.

Pinagmasdan ko ang likod ni Kiel at sandaling napangiti sa hangin. Kahit kailan talaga ay hindi niya ako pinabayaan. Bahagyang nawala ang mga iniisip ko at ang takot. Bigla akong nabuhayan ng loob na gawin at tapusin ang misyon ko. Pero, hindi pa rin ako sigurado dahil maaaring dumating nga si Kiel, pero huli na ang lahat...

Ayaw ko na lang isipin. Kailangan kong bumalik at lumaya. Kailangan kong bumalik kay Daddy.

***

Dala ang isang bag na naglalaman ng mga armas, masusi kong pinagmasdan ang kabuuan ng lugar. Isang abandonadong gusali na ginawa nilang pugad sa ilang transakyon. Ang pagkakaalam ko'y dito ibinabagsak ni Carlos ang mga droga sa mga lokal na sindikato sa bansa. Mahirap man paniwalaan, pero, nasa pusod ng Manila ang lugar na ito. Taklob ng mga nalalakihang mga gusaling abandonado o di kaya'y sarado at napapalibutan ng malawak na bakanteng espasyo. Sa ingay ng lungsod, hindi na mapapansin ang ano mang kaluskos na manggagaling dito.

Limang palapag lamang ang gusali, pero napakarami niyang tauhan. Hindi man kasingdami ng inaasahan kong aabot ng isangdaan, napakarami pa rin ng humigit-kumulang sisenta katao. Nag-iisa ako, at kung ikukumpara ang katawan ko sa isa sa kanila, wala pa ako sa kalahati.

Napatawa ako ng hilaw sa hangin saka napailing. "See you soon, Kamatayan,"

Ikinabit ko ang silencer sa hawak kong baril at wala nang pagiingat na itinutok iyon sa isang guwardya sa may entrance na abala sa pagsindi ng kaniyang sigarilyo. Makarating kay Carlos o hindi, mamamatay na rin namana ko, kaya hindi na ako magiinarte pa. Natumba ang isa sa apat na guwardya na hawak-hawak pa rin ang lighter na ipinangsisisndi niya sa sigarilyong nakaipit pa sa pagitan ng mga labi niya. Kasunod noon ay ang mabilis na pagkaalerto ng tatlo pa.

Isa pa lang... pero kinukuwestiyon ko na kaagad kung handa na nga ba akong mamatay. Nasapok ko ang sarili ko nang mapagtantong ayoko pa.

"Bwisit!" bulong ko saka itinutok ulit ang baril sa tatlo pang nakikiramdam sa paligid, hinahanap kung saang anggulo nagmula ang bala.

Naririto ako sa may bandang kanluran, nakakubli sa isang tambak ng buhangin na katabi ng ilang mga inabandonang materyles sa construction. Kakalabitin ko na sana ang gatilyo pero natigilan ako nang maramdaman ang malamig na muzzle na nakadikit sa likod ng ulo ko.

"Pagbilang ko ng tatlo, ibababa mo ang baril,"

Nanigas ako sa pagkakadinig sa boses na hindi ko kilala. Hindi ko namalayan ang presensya niya kaya naman hindi ko napaghandaan ang gagawin kong depensa. Mali, hindi ako handang dumepensa.

"Isa..." bilang niya kaya marahan kong inihiwalay ang hintuturo ko sa gatilyo ng baril. "Dalawa..." Marahan kong inilapag ang baril sa sahig kaya huminto siya sa pagbilang. Sinipa niya iyon palayo bago sinabing, "Tayo,"

Tumayo ako kagaya ng inuutos niya. Sinubukan kong magisip ng paraan para dumepensa o makaalis sa sitwasyon, pero umikot siya sa harapan ko at ngumiti ng malapad nang masilayan ang mukha ko.

"Xena?"

At kung minamalas ka nga naman, ang nakahuli pa sa akin ay ang target.

"Tignan mo nga naman. Ang pinakamagaling na assassin ng mga Fontanilla, bumagsak sa kamay ko ng ganito kasimple!"

Napatingin ang mga tauhan ni Carlos sa gawi kung nasaan kami nang madinig ang malakas nitong tawa. Agad silang nagpuntahan sa kaniya at pinalibutan ako habang nakatutok sa nagiisang katawan ko ang higit sa sampung riffle.

Ngumiti si Carlos sa akin ng malapad bago ibinaba ang hawak niyang baril na animo'y sayang-saya. Naikuyom ko ang kamaao ko. Hindi ako tanga para mahuli ng ganito kadali. Hindi lang ba ako nagingat o sadyang marami lang talaga siyang tauhan? Imposible... hindi ako ang tipo na papalpak ng ganito. May hindi tama sa sitwasyon.

Isinilid ni Carlos ang kamay niya sa bulsa ng suot niyang jacket at inilabas doon ang isang syringe at isang maliit na boteng may kulay puting likido. Pamilyar sa akin iyon, pero hindi ko alam eksakto kung ano. Ilang beses ko na iyong nakita sa mga kargada niya nang minsang magkaroon ng transaksyon si Carlos sa mga Fontanilla. Droga iyon... sa pagkakaalam ko.

May dalawang tauhan ang nagbaba ng baril para lumapit sa akin. Maliit ang tyansa, pero alam kong wala nang ibang oportunidad bukod doon para lumaban. Kaya naman nang hawakan ng isa ang braso ko ay mabilis akong pumihit para gawaran siya ng isang malakas na sipa. Alam kong kakalabitin nila ang gaityo kaya ipinulupot ko sa leeg ng isa pa ang kaliwang bisig ko para gawing panangga sa mga balang magmumula sa kanila. Nagulat si Carlos sa mabilis kong pagkilos pero inis siyang sumigaw para patigilin ang mga tauhan niya sa pagpapaputok ng baril.

Itinapon nilang lahat ang mga armas at mano-mano akong nilabanan. Maliksi kong nailagan ang ilang suntok pero napaatras ako nang masalo ko ng hindi sinasadya ang sipa mula sa pinakamalaki sa mga tauhan ni Carlos. Mayroon siyang malaking katawan pero maliit lamang ang mukha. Matankad siya, at halos doble sa laki ng katawan ni Kiel. Agad niyang sinundan ang sipa ng isang malakas na suntok sa sikmura ko. Sa dalawang atake na iyon, namanhid ako at natumba. Walang binatbat ang liksi ko sa lakas niya. Sinubukan ko pang bumangon, pero dinampot niya ako sa kuwelyo. Tumitig siya sa akin at nagsilay ng isang nakakalokong ngisi.

"Maliksi ka," kumento niya bago ako ginawaran ng isanag malakas na sampal. Dumugo ang gilid ng labi ko at halos umikot na ang paningin ko. Mabigat at masakit ang sampal na iyon na para ba akong nauntog sa isang matigas na pader. Kinaladkad niya ako palapit kay Carlos na nakapamaywang at nakatayo pa rin sa kung saan siya naroroon kanina. Itinulak niya ako paluhod sa harapan nito at tinutukan ng baril sa ulo.

"Subukan mong gumalaw, tataniman kita ng bala sa ulo," banta niya.

Hindi ko na sinubukan pang umimik bagkus ay tinitigan ng mabuti ang hindi kaaya-ayang ngiti ni Carlos. Inihanda niya ang syringe at inubos ang laman ng maliit na bote. Hindi talaga ako sigurado sa kung ano iyon...

"Naiintindihan ko na kung paano ka naging isang assassin. Hindi na masama ang pinakita mong talento," sambit ni Carlos habang naglalakad palapit. "Dahil d'yan, hindi muna kita papatayin, kagaya ng napag-usapan. Ililibre muna kita ng isa sa mga patok kong produkto."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Napagusapan?"

Automatikong gumuhit ang matagumpay na ngiti ni Carlos sa labi pero hindi siya sumagot bagkus ay sinabing,

"Saka ko na irereveal. Ililibre muna kita,"

Muling namilog ang mga kamao ko. Tama ang hinala kong may mali sa sitwasyon. Hindi ko sigurado pero mukhang hindi ang assassination ni Carlos ang tunay na ipinunta ko rito...

"Bitawan mo ako!" sigaw ko nang may lumapit pang dalawa sa akin para kapitan ako sa paa at mga kamay. Lumuhod si Carlos sa harapan ko bago itinurok sa hita ko ng walang pagiingat ang syringe.

Napadaing ako sa sakit nang maramdaman ang makapal na karayom at ang pagbaon nito sa laman ko. Malakas ang kabog ng puso ko nang bumuhat si Carlos sa pagkakaluhod at tumawa.

"Magugustuhan mo ang produkto ko, Xena. Mamaya ko pa naman ibibigay. Isipin mo na lang na regalo ko iyon sa iyo,"

Pagkasabi niya noon ay dahan-dahang nanghina ang katawan ko. Nanlabo ang mga paningin ko, at hindi ko alam kung gaano katagal, pero nawalan ako ng malay. Hindi ito drugs kundi pampatulog...