Chapter 6: KABANATA 5

Walang katao-tao sa dorm nang dumating ako. Hindi sumunod si Leo, at wala naman ang dalawa niyang mga kapatid sa silid kaya minabuti ko na lang na magtungo sa bathroom para linisin ang sarili ko bago nagtungo sa kama ko. I checked my things, wala namang nagulo o nawala sa puwesto, kaya marahil ay walang nagtangkang gumalaw.

Hindi naman sa pinagsususpetsahan ko ang tatlo, pero hindi talaga ako mapakali, lalo na kay Max dahil alam kong hindi iyon matatahimik kapag nasa paligid ako. Hindi siya magsasawalang-kibo dahil kapwa mainit ang dugo namin sa isa't-isa. Ano kaya ang pinaplano niya na pinapabayaan niya akong humihinga na kulang dalawang metro lang ang layo sa kaniya?

Lumipas ang tatlong araw, hindi na ako binagabag ng hayop na si Leo. Hindi ko na rin siya madalas na nakikita sa school dahil madalas ay mga kalalakihan ang kasama niya sa paglabas at paggawa ng kalokohan. Kung makikita man niya ako ay isang malamig at blankong tingin lang ang itatapon niya sa akin. Si Max naman ay hindi ko talaga nakikit maging ang anino, minsan lang, sa dorm. Darating siya para magbihis o di kaya ay matulog, pero hindi ko na namamataan ang pag-alis niya. Tanging si Ace lang mukhang nakikita kong umaaligid sa akin sa loob ng tatlong araw na iyon.

Naglalakad ako papasok sa isa sa mga klase ko kasama si Ace nang biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Kiel, kaya naman mabilis ko iyong sinagot.

"Ipinatatawag ka ni Damian," bungad ni Kiel sa akin nang sagutin ko ang tawag.

"Papunta na ako," mabilis ko namang tugon bago pinatay ang tawag.

Walang anu-ano'y tumalikod ako at iniwnan si Ace sa hallway na punong-puno ng mga estudyante. Buong akala ako'y nagatuloy siya sa paglalakad pero kinapitan niya ako sa braso.

"Sino yun?" tanong niya.

"Si Kiel," sagot ko naman saka nagpatuloy sa paglalakad. "Ipinatatawag ako ng ama mo,"

Bumalik ako sa dorm at itinapon sa kama ang mga gamit ko. Lumapit ako sa drawer at kinuha ang susi ng pinakamamahal kong motorsiklo saka dali-daling lumabas para magtungo sa mansyon ng mga Fontanilla. Sinalubong ako ni Sebastian at sinabi niya sa akin na hinihintay na raw ako ni Damian sa opisina nito.

***

"Do you remember Mr. Hipolito?" tanong ni Damian habang marahang iniinom ang kanyang alak.

"Yes., tipid kong sagot.

"His Daughter got raped by Governor De Guzman's son, and I need you to do the task. Malaking tao si Mr. Hipolito sa negosyo ko, kaya hindi ka puwedeng pumalpak," hindi siya nakatingin habang sinasabi iyon, bagkus ay nakasandal sa kanyang swivel chair habang nakapikit na tila pagod na pagod. Hindi naman ako umimik, bagkus ay nakinig lang sa kaniya.

Nagmulat siya saka ibinigay sa akin ang isang envelope na naglamaman ng mga impormasyon tungkol sa anak ni Mr. Hipolito at sa anak ni Governor De Guzman. Tinignan ko iyon at nakita ang mga larawan ng isang babae. Siya yung babaeng nakita kong kahalikan ni Leo noong nakaraan. Trixie Ann Hipolito pala ang pangalan niya, at tama nga ako na bata pa siya. She's a senior high school student at Oxemburge. 18 siya.

Ang sumunod na picture naman ay naging dahilan ng pagkakunot ng noo ko. Ferdinand De Guzman. Siya naman yung bubwit na kasama ni Amber na feeling gangster nung nakaraan. Napatingin ako kay Damian at nakitang nakatitig siya sa akin.[

"Studyante sila ng Oxemburge. Senir High School ang anak ni Mr Hipolito at 2nd-year college naman ang anak ni Governor De Guzman. Mr hipolito wants it done before midnight, ikaw nang bahala sa kaniya. Unang tama, sa bayag, at pangalawa naman sa noo. Wala akong pakialam kung gumamit ka ng baril o ng patalim basta gawin mo ang trabaho mo,"

Sandali kong pinagmasdan ang mga larawan na iinigay ni Damian, at namuo sa akin ang konklusyong si Amber ang nasa likod nito. Dinukot niya ako noong nakaraan na kung hindi pa ako isang assassin ay malamang patay na ako, hindi malabong ipinarape niya si Trixie dahil sa selos.

"Copy," utas ko saka ibinalik sa envelope ang mga pictures. Tumango lamang siya saka ako sinenyasan na umalis na, na agad ko rin namang ginawa.

Agad akong nagtungo sa kwarto ko upang kuhanin ang mga gamit ko. Kumuha ako ng mga baril at silencer na gagamitin ko mamaya. Kailangan kong maghanda dahil kailangan kong magawa ang trabaho ko bago maghatinggabi. Pakiramdam ko ay isa na rin akong demonyo. Papatay ako at hindi manlang ako natatakot o nakokonsensiya, bagkus ay tila sabik akong gawin ito. Marahil dahil sa rape ang atraso niya, bagay na hindi ko kayang ipagsawalang kibo na lang.

Pagkabalik ko sa school ay iniayos ko kaagad ang mga gagamitin ko sa dorm. Nandoon ang magkakapatid na Fontanilla, at makahulugang tingin at ngisi ang isinalubong sa akin ni Max pagpasok ko. Hindi ko sila pinansin. Hapon na rin naman at tapos na ang klase ng lahat.

Mamayang alas diyes ng gabi ay tiyak na tahimik na ang lahat na natutulog. Bago maghating gabi ay kailangan ko nang iligpit ang target. Masuwerte siya dahil dalawang bala lamang ay tapos na ang buhay niya dahil kung ako ang tatanungin ay mas gusto kong talupan muna siya ng buhay bago patayin.

Ibinalibag ko sa kama ko ang dala kong bag kaya napatingin sa akin ang tatlo.

"Wow! Looks like you got another mission, Xena. Isa ba sa amin?" tanong ni Max habang nakahalukipkip at nakatayo. Mukang paalis dahil sa suot nitong long sleeve na puti na hindi naman mayos na nakabutones, at ang tanging indikasyon ko lang na paalis na anman siya ay ang suot niyang relo. Hindi niya sinusuot ang paborito niyang relo kung hindi siya lalabas.

"Gustuhin ko man, pero saka na. Paplanuhin ko muna," sagot ko habang abala sa pagaayos ng mga armas sa kama ko. Nang maayos ko ang isa ay itinutok ko ito kay Max na tila sinisipat kung saan siya patatamaan.

"Careful. Nakakatakot iyang laruan mo," tumatawa niyang sabi at itinaas ang dalawa niyang kamay na para bang sinasabing suko na siya.

Ibinaba ko iyon na tila hindi ko siya nakikita. Taliwas sa aktibong pangbubwisit ni Max ay ang katahimikan ng bunso niyang kapatid na si Ace. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hindi siya natutuwa. Hindi naman nagsalita si leo na nakahiga lang habang nakahalukipkip at nakapikit. Hindi ko alam kung tulog ba o wala nang buhay. Sana yung pangalawa na lang.

Mula noon ay kaaway ko ang dalawang ito. Si Max ay lagi akong ipinapahamak habang si Leo naman ay gusto ako palaging nakikitang nagliliyab sa galit, kaya hindi na bago ang matatalim naming salitaan.

Lumabas rin kaagad si Max bago ko pa matapos ang pagaayos ng mga gagamitin ko, at nang pumatak ang ika-sampu ng gabi, sampu ng gabi, snilip kong muli ang mga impormasyon tungkol kay Ferdinand para masigurong hindi ako magkakamali sa dorm na pupuntahan ko. 2nd dorm building. Room 304. Roommate: Calix Anderson. Si Calix ay iyong lalaking humataw sa akin ng baseball bat.

***

Nakasuot ng itim, at nakapusod ng maayos ang buhok, pinanood ko ang mga guwardiyang naririto sa mag entrance ng building. Hawak ko ng mahigpit ang baril kong kinabitan ko ng silencer, at habang abala ang mga guwardiyang nakasuot ng itim na mga suits sa paninigarilyo, maingat akong nagtungo sa loob. Sila ang mga personal body guards ng Gobernador na marahil ay pinadala niya para protektahan ang anak niya mula sa isang posibleng assassin.

May tatlo sa entrance ng building at dalawa sa likuran, at bago pa man ako tuluyang makalusot sa kanila ay napansin ako ng isa, kaya agad ko silang pinaputukan bago pa man nila maitutok sa akin ang mga dala nilang baril at magkaroon ng nakabibinging ingay na gigising sa lahat. Agad akong nagtungo sa ika-anim na floor kung nasaan ang dorm room niya. May dalawang lalaki rin sa pintuan ng kuwarto niya at ng kanyang roommate. Napansin kong tila hindi nagmamasid sa paligid ang isa sa kanila. The other one keeps on looking around habang nagsasalita sa earpiece. Marahil ay nagtatanong sa mga nasa ibaba kung anong nangyayari. Natural hindi na sila makakasagot pa, patay na sila. Natataranta niya iyong ibinulong sa kasama niya na walang ka emo-emosyong tinignan siya at binuksan ang pintuan saka pumasok sa loob. Sinamantala ko iyon saka tinaniman ang naiwan ng bala sa noo at mabilis na pinasok ang loob. Pagharap ko ay mayroon nang baril na nakatutok sa akin.

Shit! Wala akong mask!

Blanko lamang ang mukha nito. Mukhang ang lalaking ito ang pinakamagaling na tauhan ng ama niya, at inaasahan na niya ang pagdating ko. Sa isang banda ay nakuha naman ni Ferdinand ang atensyon ko na naroroon ngayon sa may fire exit at tumatakas. Gulat na gult siya nang makita ako at natigilan pa na nanlalaki ang mga mata.

"X-Xena? Y-you're an assassin?" Gulat na tanong niya. "I-It's not my plan! N-napagutusan l-lang ako!" Nanginginig niyang paliwanag.

"Proceed." Mmalamig na saad ng guard niya kaya atubili siyang nagpatuloy.

Puta, may aberya.

Tinignan ko ng malamig ang guard na naiwan, at pilit na ikinubli ang inis sa blanko kong mukha. Sa oras na makatakas si Ferdinand ay papatay ako ng isa pang taong wala sa listahan ngayong gabi.

"Ibaba mo ang baril," malamig niyang utos habang tiim ang bagang akong tinitignan. Ginawa ko naman ang iniuutos niya ng walang pagdadalwang isip. Itinapon ko ang baril sa may gilid, at nang akmang lalapit na siya ay hinawi ko ang kamay niyang may hawak na baril dahilan para mabitawan niya iyon. Sinipa ko siya sa hita ng ubod ng lakas para matumba siya at matapos iyon ay sinamantala ko ang pagkakataon.

"Agh! " daing niya saka napaluhod. Mabilis akong tumakbo papunta sa dinaanan ni Ferdinand para sundan siya. Kakababa lang niya kaya nagmadali ako na tinalon ang taas nang higit isang metro na lang ang pagitan ko sa lupa para makahabol. Sunod-sunod na nagpaputok ang lalaki mula sa taas, pero nailagan ko naman. Galit siyang napamura at nagdesisyong bumaba na rin para sundan kaming dalawa.

Tumakbo si Ferdinand sa field na parang isang ulol na takot na takot. Hinabol ko siya dahil nawawalan na ako g oras. Mabilis siyang tumakbo kaya naglabas ako ng isang maliit na kutsilyo at ibinato iyon sa kanyang hita na naging dahilan ng pagkatumba niya. Ikinabit ko naman ang isa pang silencer sa isa pang baril habang naglalakad palapit sa kaniya na pilit gumagapang palayo.

Huminto si Ferdinand nang marating ko ang harapan niya.

"Wag! Inutusan lang ako ni Amber. Nakita kasi niya na kalandian iyon ni Leo. Xena, wag!" paliwanag niyang muli habang nakataas ang kanang kamay na animo'y pinipigilan ako.

"Alam ko. Napagutusan lang din naman ako, kagaya mo. You raped a girl, and her father wants you dead before midnight. So, kwits lang tayo, kupal,"

Itinutok ko ang baril sa kaniya at saka ngumisi ng malademonyo. Gusto ko sana siyang paglaruan muna, kaya lang ay wala nang oras. Wala akong ibang choice kung hindi ang magadali.

"Una,"

Kinalabit ko ang gatilyo at tumama ang bala ng baril sa maselang bahagi ng katawan niya, at kitang kita ko ang pagsinghap ni Ferdinand at ang sunod-sunod na pagtulo ng luha niya habang nakaatulala sa akin.

"Sa bayag," dugtong ko bago ikinasa ang baril at itinutok sa ulo niya at tinignan siya sa mata. "Pangalawa," kinalabit kong muli ang gatilyo at dilat siyang bumagsak sa lupa na butas ang noo.

"Sa noo,"

Lumaglag ang kamay ko sa may gilid ko habang nakatingin ako sa bangkay ni Ferdinand sa harapan ko. Isang putok ng baril ang kumuha sa atensyon ko, pero hindi ko na nilingon ang guard ni Ferdinand na hirap na hirap sa pagtakbo, bagkus ay tuluyan nang humalo sa anino ng mga puno at tumakas.

Another mission accomplished. Pumatay na naman si Xena, at wala siyang maramdamang pagsisisi...

***

Parang walang nangyari. Ganiyan ako umasta kinabukasan nang maglakad ako patungo sa unang klase ko. Nagkukumpulan ang mga tao sa field, at alam ko kung bakit. May mga pulis doon at iniimbistigahan ang crime scene, pero ako ang suspect, at walang makakhuli sa akin. Malinis akong trumabaho, at walang ebidensyang makukuha. At isa pa'y palabas lamang ang imbestigasyong iyan, para hindi magsuspetsa ang publiko na may nangangamoy na malansa sa pagkamatay ng nagiisang anak ni Governor De Guzman.

Napadako ang paningin ko sa isang pamilyar na katawang isinasampa sa ambulansya na nagpakunot sa noo ko. Sigurado akong hindi ko siya nakaharap kagabi matapos kong patayin si Ferdinand, paanong naroroon pa rin siya? Umalis ang ambulansya na sinundan ko naman ng tingin.

"I did it. I just want people to see Ferdinand's body. Kung hinayaan ko siya ay kukuhanin niya ang katawan nito," malamig na saad ni Ace sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hindi ka dapat nakikialam sa trabaho ko, Ace," malamig kong sambit bago siya tinignan ng makahulugan at umalis.